Andrea Brillantes Nagsalita Na Sa Break up Nila Ni Ricci Rivero!

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita na ang aktres na si Andrea Brillantes sa hiwalayan nila ng kanyang basketball player na si Ricci Rivero.


Bagama't ilang araw na nang lumabas ang kumpirmasyon ni Ricci Rivero sa kanilang hiwalayan, nanatiling tikom ang bibig ni Andrea Brillantes at nakuntento lamang sa ilang mga patama at cryptic posts sa social media.


Subalit sa kamakailang guesting ni Andrea Brillantes sa Magandang Buhay isiniwalat niya ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.


Ayon kay Andrea Brillantes, okey naman sa ngayon ang kanyang puso.


"Tingin ko ay okay naman siya. I mean it could be worse sa mga nagaganap ngayon. Puwedeng wala rin ako rito today kasi hindi ko kayang humarap sa mga tao. Pero tingin ko naman po sa lahat nang nagaganap ay okay siya ngayon." 


Aminado rin si Andrea Brillantes na hindi pa rin niya lubusang nalelet go ang naging relasyon nila ni Ricci Rivero dahil siya ang labis na nagmamahal ng totoo.


"Ako nagmahal ako ng totoo, hindi ko 'yon male-let go agad-agad," saad pa ni Andrea.


"So hindi ko masasabing malaya ako ng 100%. Kasi may mga bagay pang ayoko pang pakawalan. At meron pang mga bagay na pinoproseso ko pa. Kasi ganun naman talaga dapat kailangan ko namnamin tong mga feelings na to para makapagheal ng maayos."


Ipinahayag din ni Andrea na ayaw niyang magpanggap na maging maayos kahit hindi pa naman.


"Ayoko naman maging pretentious na maki-trend lang na, I'm unbothered queen. Aminado ako nakakaramdam ako kasi tao pa rin ako."


Ayon pa kay Andrea, mas pinipili niyang manahimik na lamang kaysa sa magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero para wala nang gulo at mas pinipili na lamang niyang maging masaya sa kung ano ang natitira sa kanya.


Samantala, kumakalat rin ngayon sa social media ang conversation ng umano'y video nina Andrea at Ricci matapos pumutok ang isyu ni Ricci at Leren Mae Bautista.


Si Leren Mae Bautista ang itinuturong dahilan ng pagkakalabuan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.


Ayon sa usapan nila, pilit na kinakausap ni Ricci si Andrea subalit ang aktres na mismo ang hindi pumayag dahil sa ginawa umano ni Ricci Rivero.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo