Zeinab Harale Nag-Labas Ng Vlog Sa Gitna Ng Kontrobersiya Ng Awayan Nila Ni Wilbert Tolentino!

Walang komento

Biyernes, Oktubre 28, 2022


Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap  ngayon ni Zeinab Harake, naglabas siya ng panibagong vlog na pinamagatang  “My 9 year old me asked me a question”.

Ang nasabing vlog ay ipinalabas noong myerkules October 26, 2022. Agad naman itong umani ng maraming views at agad na umabot sa mahigit isang million.

Samantala, tila hindi naapektuhan ang mga subscriber ni Zeinab sa naganap na bardagulan ng dalawa. Makikitang nanatili ang bilang ng mga followers ni Zeinab sa kanyang mga social media account.



Manay Lolit Solis Bilib Sa 'Wisdom' Ni Toni Gonzaga!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 27, 2022


Labis na bumibilib sa wisdom ni Toni Gonzaga ang veteran showbiz columnist na si Lolit Solis. Puring-puri din ni Manay ang pagiging honest umano nito sa pagsagot sa mga press people hinggil sa show nito.

Ayon sa Instagram post ni Manay, "Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang mga words of wisdom ni Toni Gonzaga Salve. Talagang kaya pala siya nagtatagal bilang isang mahusay na host dahil sa pagiging very intelligent at smart. Gusto ko iyon to the face na mga sagot niya. Iyon hindi niya pag shy away sa mga delikadong tanong sa kanya. Masuwerte ang All TV sa pagkuha sa kanya bilang talent. Isang magandang buwena para sa ALL TV si Toni Gonzaga. Kaya naman tiyak na exciting show ang kanyang talk show everyday. Sure kami maraming matutuhan at kaalaman na mapapanuod. Watch it, hindi masasayang ang mga oras na ibibigay nyo sa talkshow ni Toni Gonzaga. ALL TV, bongga"

Sinabi din ni Manay Lolit Solis na napakaswerte umano ng AllTv dahil pumayag itong maging talent nila. Nagustuhan din ni Manay ang direct to the point nitong pagsagot sa mga katanungan sa kanya ng mga press people ng walang pakime. 

Kaya naman masasabi niyang kaya tumatagal si Toni sa isang network dahil sa angking galing nito at talino.


KathNeil May Pinagdadaanan! Mga Netizens Napansin Ang Pagiging Awkward Nila Sa Isa't-Isa!

Walang komento

 


May napansin ang ilang mga netizens sa naging gesture nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa nagdaang presscon na dinaluhan nila. Tila nawala umano ang sweetness sa pagitan nila na dati namang nakikita sa mga nagdaang interview nila. Makikita din umano sa mga mukha ng mga ito ang lungkot kahit pa nakangiti ang mga ito sa kamera.

Parehong naitanong sa kanila ng reporter kung ano ang loyalty para sa kanila. Unang sumagot si Kathryn Bernardo at sinabing, "Loyalty for me is being contented." Samantala, ayon kay Daniel na ang loyal ay ang kanyang aso lamang.

Base sa kanilang mga naging sagot, agad nag-isip ang ilang mga netizens na tila nagpaparinigan umano ang mga ito. May mga kumakalat ding video clips kung saan makikitang tila hindi ok ang KathNeil at may awkwardness sa isa't-isa.

Viral ngayon ang video kung saan makikita ang pictorial nila at tila katatapos lamang ng interview. Kapansin-pansin na tila iniiwasan ni Daniel na akbayan o hawakan si Kathryn. Kitang-kita din sa kanilang mga mukha ang ilang kahit pa pilit nila itong tinatago.


Jelai Andres Tinalakan Ang Isang Netizen Na Nagmamarunong!

Walang komento


Pumatol ang comedienne-vlogger na si Jelai Andres sa commenter na nagmamarunong pa kaysa sa kanya.

Ibinahagi kamakailan ni Jelai Andres sa kanyang Facebook account ang screenshot mula sa isang comment ng netizen kung saan mababasa ang opinyon nito hinggil sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa bangayan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. 

"Kung tunay mo siyang kaibigan dapat naiintindihan mo siya. Tapos bat ka naman magagalit na sinabihan ka ng pinakasabaw. Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare, e klaro nga lutang kayong lahat pero mas ikaw lang pinakalutang. At bakit di lang naman kayo ang lutang madami naman halos lahat ng tao lutang. Jusko para yan lang na salita. Partida na post partum pa yung nung sinabi nya yan. Sabagay di ka makakarelate ng pod kasi di ka naman nanganak."

Agad namang nilinaw ni Jelai na hindi siya galit sa dalawang personality sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu. Ayon pa kay Jelai wala siyang inaaway o kinakampihan sa isyu.

"Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare sayo? Nagagalit ba ko? San mo nakuha yan? Ok na ok po ako wala akong inaaway. Love love lang gusto ko. Wala akong galit both sides. Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak. Aba ate naman dami kong anak 100 na aso 40 na pusa normal ko lahat inire yon! Pa check ka te baka ikaw binat. Help kita seryoso ko. Masyado kang highblood jan inom ka po kaya pinakuluang bawang na may medyas at tansan. Effective po yun. Ako nga chill lang bakit ka nagagalit sakin may utang po ba ako sayo? Pa albularyo ka kaya te?"


Vietnam Wants Mr. Nawat Apology to Miss Grand Vietnam ĐOàN ThiêN ÂN!

Walang komento


Nagnanais ang mga Vietnamese na humungi ng public apology si Mr. Nawat Itsaragrisil kay Ms. Do An Thien An dahil sa pambobody shame umano nito.

Nagsimula ang lahat ng maitanong kay Mr. Nawat kung bakit hindi nakasama sa Top 10 ang kandidata sa Miss Grand International mula sa Vietnam. Hindi kaagad ito napansin ng ilang mga netizens lalo na ang mga taga-Vietnam dahil nasa wika ito ng Thailand.

Subalit may isang video na lumabas kung saang trinanslate sa wwikang Ingles ang sagot ni Nawat sa katanungan. Agad itong nagviral dahil tila panlalait ito sa kandidata ng Vietnam. Ayon kay Mr. Nawat, 
" I can tell the reason for disqualification. Vietnam was the only contestant whose BACK LONGER THAN HER BODY and I could see them clearly and big hips that is clearly visible."

Dahil dito agad na uminit ang ulo ng mga Vietnamese fan ni Mr. Nawat at inunfollow nila ito. Ayon sa update ni Mr. Nawat agad na nabawasan ang followers sa Instagram page ng Miss Grand International. Mula sa mahigit 6 million nitong followers noon, bumaba ito sa mahigit 4 million na lamang. Nabawasan ng 2 million followers ang Miss Grand na ayon sa iba ay dahil sa ginawa nitong panlalait kay Ms. Grand Vietnam.

Kaya naman sa kasunod na live ni Mr. Nawat makikita ang galit niya kay Ms. An ng Vietnam. Kinumpara pa ni Mr. Nawat si Ms. An sa pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong na parehong kasama sa top 20. Ngunit hindi na nakapasok sa top 10.

Ipinahayag din ni Mr. Nawat na mas maganda pa kay Ms. Vietnam sina Ms. Laos, Ms. Malaysia at Ms. India na parehong hindi nakasali sa Top 20.

Samantala, sa isang live ipinaliwanag ni Mr. Nawat na fair competition ang naganap. Wala na din umano siya magagawa sa pagkatalo nito. Kung gusto umano nito ay maari pa itong sumali sa susunod. Ipinagdiinan ni Mr. Nawat na everything is fair dahil gusto niya ng fair pageant.


Bea Alonzo Dinala Ang Kanyang Ina Sa Kanyang Apartment Sa Spain!

Walang komento


Masayang ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram post na finally nakita na ng kanyang ina ang bagong bili niyang apartment sa Madrid, Spain. Ang kanyang apartment ay idinesinyo ng isang kilalang Spanish architect na si Tristan Domecq.

Matapos ang ilang buwan mula ng ibinahagi ni Bea sa kanyang vlog ang pagkakabili ng bagong property, naipakita na nito sa kanyang ina.

Ayon kay Bea, "I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy! 🥹 Ang dami nya nang plano on how to fix the place. ❤️ I am so grateful I get to share this moment my mom. Pangarap ko lang to eh. Yakapin nyo naman nanay nyo para sa akin."

Labis na nagustuhan ng aktres ang location ng kanyang apartment, kung saan napapalibutan ito ng maraming cafe's at buildings. Nakadagdag pa rito ay ang carra marble na gamit sa ilang bahagi ng apartment.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang kapwa celebrities at mga tagahanga.


MG Malaki Ang Pasasalamat Bardagulan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake Dahil Lumaki Ang Views!

Walang komento


Malaki ang pasasalamat ni Makagago sa dalawang nagbabangayang vlogger na sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino dahil nagkaroon sila ng pang goodtime ng kanyang misis sa isang mamahaling restaurant. Ito ay ibinahagi ni Mark Jayson Warnakulahewa o mas kilalang Makagago sa kanyang Facebook account.

"Magandng Gabi sa mga kahombre ko kamusta? Eto
Na ako sa Antonio’s hehe, ok naman yung mga content isang trending number 6 isang number 8 ,
Salamat kay ZEINAB AT KAY WILBERT (SANA MAGKA AYOS PA
KAYO)
Kung wala kayo wala akong pang good time.
Sa ibang mga influencers dyan, pag nagkakaroon ng issue ang mga kapwa nyo vloggers magpasalamat kayo ha! Kundi wala kayong views hahaha
Tulugan na!!
At least nagkaron kayo ng aabangan right? Till next time."

Isa si Makagago sa mga vloggers na nadamay dahil sa bangayan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. Subalit tila hindi naman ito nagalit sa dalawa dahil nagpasalamat pa ito sa paglobo ng kanyang views.


Bianca Gonzalez Tumalak Sa Social Media Matapos Sabihang Walang Nanonood Ng Mga Vlogs Niya!

Walang komento


Hindi na nakapag-pigil ang TV-host vlogger na si Bianca Gonzalez na tumalak sa social media matapos mabasa ang isang komento mula sa netizen na nagsasabing walang nanonood sa mga vlogs niya.

Humiling ng paliwanag si Bianca sa nagkomento kung bakit nasabi nitong walang views ang kanyang vlogs.

Tweet ni Bianca, “Pa-isa nga lang. Dahil hot topic din naman ngayon ang YouTube, engagement at views. I often get this comment meant to insult or bash me: ‘Ay, walang views ang vlog niya,'”

Ipinunto din niya na iba-iba ang rason ng mga tao sa panonood ng Youtube. Ipinaliwanag din ni Bianca na wala sa quantity ang kanyang content kundi sa quality nito.

Sa sunod-sunod na tweet ni Bianca nagrant ito tungkol sa kanyang pagiging harsh umano ng netizen sa kanya.

“Some create content on YouTube as a full-time career, some as a creative outlet, some as a form of self-expression, and some, like me, create content to reach out to others and help. Iba-iba ng purpose ng tao sa YouTube and before starting a channel, that should be clear to you.”

“From the start, ang #PaanoBaTo ay para makatulong sa problema’t pinagdadaanan ng tao, to know they are not alone and to know that they will get through it, by sharing stories that inspire and empower.”

“Grateful for brands who share the same vision and partner with me for content.”

“Ngayon. Kung sa 2,300 na nanood ng video, may 1 o 5 o 10, o kahit 20 na gumaan ang bigat na nararamdaman, nabigyan ng idea on how to handle their problem, o na-inspire makagawa ng solusyon sa pinagdadaanan nila, THAT to me is success. That makes my work fulfilling and rewarding.”

“While it would be great for everyone on YouTube to have millions of views, that is not the reality.”

“I don’t measure my worth as a person with the number of views, subscribers, likes or comments I get. My goal with #PaanoBaTo is to empower people to get through tough times.”

“For me, with every video, 2,000 views man yan o 50,000, if there are people who are inspired to go on and keep pushing, that is a huge WIN for me.”

“The letters I get from people who say my guest’s story inspired them to pursue this, or pushed them to try again, that is priceless.”

“So the next time you think of commenting, ‘Ay, walang views’ on people’s pages: 1. Did it make you feel good to do that? Happy? If yes, you have issues you need to sort sa sarili mo. 2. Are you just doing it to poke fun? If yes, please do something more productive sa time mo.”

“And to the content creator with a few hundred or few thousand views, go back to the reason WHY you started your channel. What’s your goal? What’s the purpose of your videos?”

“As long as that is clear to you, then other’s comments that have nothing to do with that is just noise.”

“Thanks for coming to my TED Talk 😂,” pagtatapos ni Bianca.


Xian Gaza Nawala Lang Daw Sa Sarili Kaya Kung Ano-Ano Ang Pinagsasabi!

Walang komento


Inamin ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post na naging toxic siya this past few days. Humihingi din siya ng pasensya sa kanyang mga followers at nangangakong babawi siya sa kanila.

"I just want to apologize to my 1.6 million followers dahil naging sobrang toxic ako for the last two days. I am highly aware and I'm very sorry. Babawi po ako sa mga susunod na linggo and I promise na marami kayong mapupulot na makabuluhang bagay sa akin." post ni Xian.

Inamin din ni Xian na kaya niya nagawa ang mga rant niyang iyon sa Facebook ay dahil sa pagpoprotekta niya sa mental health ng kaibigang si Zeinab Harake.

Ayon pa kay Xian na sa dami ng kanyang sinawsawan na isyu for the past five years parang naglalaro na lamang siya chess. Alam na din umano niya ang flow ng events from A-Z.

Aniya, “May nasisirang buhay from time to time habang ako ay….. alam niyo na ‘yun. Kitang-kita niyo naman. Always like that. Tomorrow is back to normal Facebooking. Parang wala na namang nangyari.”

Hiling din ni Xian na sana maging maayos ang mental health ni Zeinab Harake. Dahil ito umano ang mas naaapektuhan sa lahat ng mga nangyayari. Nagpasalamat din ang Pambansang Marites sa lahat ng mga marites na tumutok, nag-react at nagkomento sa kanyang mga posts.

“Sobrang nakaka-trauma. Sana maging okay na siya. Salamat sa napakaraming views, reacts and comments for the last 2 days. It’s very good for my mental health. Good night,” pahabol pa niya.


Direk Darryl Yap May Pahayag Tungkol Sa Apology Ng Philippine Airlines Sa Kanyang Reklamo!

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 26, 2022


Kamakailan lamang ay naglabas ng hinaing si Direk Darryl Yap hinggil sa naranasang inconvenience sa isang flight ng Philippine Airlines, mula Laoag hanggang Manila na PR 1197.

Ayon kay Direk hindi siya nakatulog at nakapagpahinga dahil sa ingay ng pagtsi-tsismisan ng mga flight attendant at iba pang crew.

"Dear Philippine Airlines PR 1197 Crew,
Gusto ko lang malaman nyo na hindi lang kami ng team ko ang walang tulog at gustong magpahinga kahit 50 mins lang ang flight mula Laoag hanggang Manila.
sa lakas ng mga bunganga nyo magtsismisan,
alam na namin ang mga pinagdaanan nyo these past few days.
iniyak na lang ng baby sa tabi ang irita nya dahil di siya makatulog dahil napakaingay nyo.
THE MOUTH OF THE FILIPINO."

Agad namang nagkomento ang Philippine Airlines Facebook page sa mismong post ni Direk Daryl. Ayon dito, "Hi, Darryl. Please allow us to extend a sincere apology if our service did not meet your expectation. We certainly have no intention to cause our passengers any disservice. Rest assured that your feedback will be brought to the attention of the office concerned for their information and proper handling. Thank you."

Ngunit tila nakulangan si Direk Darryl sa apology na ito ng PAL. Hindi naman umano sa ayaw niyang patawarin ang mga ito ngunit, may iba naman umanong ways para mag-apology at hindi 'yung nakaka-insulto.

Ayon sa kasunod na post ni Direk Darryl, "Hi Philippine Airlines,

first of all, for you to say that "your service did not meet my expectation" is a mockery of the words service and expectation.
Nagmamaasim ba kayo PAL?
Imagine, expectation ko lang pala ang “convenience”, “peace and quiet”?
Hindi yan part ng patakaran nyo?
Ako pa papaandaran nyo nyan?
As much as I would like to accept your apology,
I believe there is a better way for you to express it.
The apology should also extend to other passengers who had to endure the inconvenience. Only then will your apology sound sincere,
only then will I accept it.
it's easy to see that you're only trying to appease me because of the influence that I wield, because of the damage that I can inflict. But what about those who cannot speak truth to power? Are you not going to apologize to them? Are you not going to apologize to ordinary Filipinos who were aboard that plane as well?
Gaya ng sinabi ko, ang iingay ng crew nyo.
kung may blackboard lang ako at chalk—
inilista ko na ang mga cute na yan as NOISY,
para mapalabas na ng eroplano.
Is your hospitality exclusive to foreigners and bigwigs? I cannot rest assured that my feedback will be brought to the attention of the proper authorities or office concerned unless you become transparent of your corrective steps,
my staff already sent an email by the way.
How will you handle those employees anyway? Reorient them about customer service protocols? That's lame.
Here's a suggestion: pag force leave nyo ang staff nyo! ienrol nyo sa NASA's Reverberant Acoustic Test Facility. Until they realize how noise can potentially snatch someone's sanity in a snap."

Beki Mon Pinagsabihan Ang Mga Vloggers Na Nag-Aaway Away Sa Social Media: Tigilan Niyo Na Yan!

Walang komento


Nagbigay ng paalala ang vlogger at social media influencer na si Beki Mon para sa mga vloggers na nag-aaway-away sa social media. Ito'y sa kasagsagan ng bardagulan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino sa social media.

Ayon kay Beki Mon, “Hoooy mga influencers!!!! Tigil-tigilan n’yo ang away hahahaha. Noong kami pa lang ang YouTubers at influencers sa Pilipinas, wala pang nag-aaway away noon. Awwww kakamiss din ang mga naunang YouTubers and influencers. 🙂 Jobert, Alodia, ako, Jamich, Jireh Lim hanggang sa era ni Lloyd Cadena, Kimpoy Feliciano, Petra Mahalimuyak, Moymoy Palaboy’s lip sync and dubs, Mikey Bustos…. Haaayst.”

Pagbabalik tanaw pa nito sa nakaraan noong kukunti pa lamang ang Youtuber at Vlogger sa Pilipinas, "Panahong hindi pa uso masyado ang smartphones na may pre-installed YouTube. Para mapanood n’yo kami, rerenta pa ng computer sa computer shop tapos maasim na yung amoy ng foam ng headphones nila hahahahaha nakakamiss good old days."

Samantala sa isa pang post, sinabi ni Beki Mon na matapos niyang balansehin ang lahat. Nakapagdesisyon na siya kung sino ang kanyang kakampihan. Ito'y walang iba kundi si Jelai Andres.


Super Villain Gumamit Ng Unan Sa Pag Tyugi!

Walang komento


Isa sa mga inaabangang teleserye ngayon ng ABS-CBN ay ang Darna TV series na pinagbibidahan ni Jane De Leon. Tampok din sa nasabing teleserye ang Kapamilya Stars na sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

Matatandaang, hindi pa man umiire noon ang Darna ay umaani na ito ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pagpili nito kay Jane De Leon na isang baguhan sa pag-aartista. Subalit nang masaksihan ng lahat ang kanyang transformation at mga fighting scenes napalitan ng paghanga ang mga batikos.

Napatunayan din ng aktres na karapat-dapat siya sa kanyang pagganap. Samantala, kinakaaliwan ngayon ng mga manonood ng Darna ang paggamit ni Heneral Borgo ng unan sa tangkang pagpatay sa isang eksena ng palabas.

Ayon sa post ng isang netizen, "I wonder if there are comicbook fans among the Darna writers because seriously, a supervillain killing someone with a pillow is a telenovela/teleserye trope. Darna is supposed to be a sci-fi superhero series."

Sumang-ayon naman ang ilang mga netizens rito at sinabing balit gagamit pa ng unan gayung may super powers naman umano ang Heneral.

Agad namang may nagtanggol din sa palabas at sinabing kung gagamitin ni Heneral Borgo ang kanyang super powers, malalaman na isang extra ang may pakana rito.



Tunay Na Pagkatao Ng Asawa Ni Andrew Schimmer Na Si Jho Rovero!

Walang komento


Naging laman ng mga usapin sa iba't-ibang social media platforms ang asawa ni Andrew Schimmer na si Jorhomy Rovero aka Jho Rovero dahil sa muling pagkakapasok nito sa ICU isang linggo matapos nitong payagan ng doktor na makalabas sa hospital.

Matatandaang halos isang taon na ang lumipas mula ng atakehin ng severe asthma si Jho at naging bedridden.

Si Jorhomy Rovero aka Jho Rovero ay ang asawa ng dating aktor na si Andrew Schimmer. Bago pa siya maratay dahil sa kanyang karamdaman,  isa siyang online casino supervisor at suma-sideline din bilang singer, dancer at host sa iba't-ibang event.

Mahilig din itong magluto. Minsan ay ibinebenta niya ito sa pamamagitan ng live selling sa kanyang mga social media accounts. Si Jho ay isang napaka masayahing tao, family oriented at very friendly.

Isa sa kanyang pinagkakakitaan noong lumaganap ang Covid-19 ay ang pagla-live selling ng mga cosmetics. Pangarap ni Jho noon pa man ang magkaroon ng sariling negosyo.

Sila Jho at Andrew ay may dalawang anak, lalaki at babae. Minsan ay nakakasama pa niya ang mga ito sa kanyang paggawa ng mga TikTok videos.

Samantala, ibinahagi ni Andrew na stable na ang kalagayan nito ngayon. Labis din silang nagpapasalamat sa mga taong patuloy na nagpapadala sa kanila ng tulong lalo na sa pinansyal.



Miss Universe Nabili Ng Isang Thai Mogul Sa Halagang P851 Million!

Walang komento


Nabili ang Ms. Universe Organization ng isang Thai billioner at media mogul na si  Anne Jakrajutatip. Kasama ring nabili nito ang dalawa pang USA based beauty pageant na Ms. USA at Ms. Teen USA sa halagang P851 million.

Matatandaang nauna ng naiulat noong September na ang premire beauty pageant na Ms. Universe ay ibinibinta sa halagang $20 million o nasa 1.1 billion pesos.

Noong 2015 nabili ni  Emanuel ang buong Miss Universe pageant sa dating may-ari nito at noo’y presidential candidate na si Donald Trump.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nitong myerkules, October 25, 2022 tuluyang nabili ng JKN Global Group Public Company Limited (JKN) ni Jakrajutatip ang pageant franchise sa halagang 550 million baht o nasa mahigit P851 million.

“The company plans to bring the Miss Universe brand to help strengthen the e-commerce business in various product groups both dietary supplements beverage products. Personal products such as skin care products, cosmetics, and lifestyle products to create growth for the said business group in the future as well,” anang Chakrapong Chakrajutathip, Chief Executive Officer and Managing Director ng JKN Global Group Public Company Limited.


Cristy Fermin Sinupalpal Si Lolit Solis Dahil Sa Pakikialam Nito Sa Tambalang Bea at Alden!

Walang komento


Nakatikim ng diretsahang pahayag si Lolit Solis mula sa dati niyang kasamahan na si Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy Fermin, high and mighty ang pagtingin ni Lolit Solis sa kanyang sarili. Mula pa umano noon ay natatakot na ang ibang mga artista na kalabanin ito.

"Si Manay Lolit Solis high and mighty, dati na talagang halos lahat ng artista ay natatakot sa kanya. Ito ngayon ang isang Shirley Kuan, isang Bea Alonzo, na kahit sa panaginip ay hindi niya maisip na kukuntrahin at sasagutin siya."

Sa Youtube Channel nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika, na Showbiz Now Na. Napag-usapan nila ang naging panayam ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan. Kung saan inihayag nito ang ginagawang pambubully umano ni Lolit Solis sa kanila ni Bea Alonzo gamit ang Instagram ni Lolit.

Ayon kay Romel, ginagawa lamang ni Shirley ang kanyang trabaho. Ang pagprotekta sa kanyang talent na si Bea Alonzo. Ang lahat lamang umano ng inilahad ni Shirley ay mga sagot sa mga rant ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account.

Sinegundahan naman ito ni Morly Alinio at sinabing ginagawa lamang ni Shirley ang tama sa kanyang alaga. Ngunit, nasasaktan din umano siya para rito dahil matanda na ito at may sakit.

Ipinunto rin ni Cristy Fermin na matagal na ang ginagawang pambubully ni Lolit Solis kat Bea Alonzo na umabot ng isang taon.

Matatandaang, inexpell rin ng PAMI si Lolit Solis matapos nitong nilabag ang isa sa mga patakaran nito.



Alex Gonzaga May Hugot Matapos Sinabihang 'Wala sa Hulog' ni Zeinab Harake!

Walang komento


Isa si Alex Gonzaga sa mga sikat na vlogger at influencers na umano'y binackstab ni Zeinab Harake, base sa mga screenshots na inilabas ni Wilbert Tolentino sa pamamagitan ng isang video noong nakaraang linggo.

Ayon sa inilabas na screenshot ni Wilbert Tolentino, sinabi umano ni Zeinab Harake sa kanya, na huwag makipag-collab kay Alex Gonzaga dahil wala ito sa hulog at mas malakas pa ang hatak nito kay Alex.

Ngunit tila hindi naman ito naapektuhan sa screenshot na inilabas ni Wilbert noong linggo. Dahil tila nagbiro pa ito sa kanyang tweet.

Tweet ni Alex Gonzaga noong linggo October 23 habang nagla-live ang mga vloggers, “psst maritest tulog na. monday na bukas.”

Agad naman itong binuking ng kanyang asawang si Mikee Morada. Sa comment section ibinahagi ni Mikee ang larawan ni Alex na nakahiga na ngunit nakatutok pa rin sa kanyang cellphone. Ani Mikee, “Huy Marites! Ikaw ang matulog na.”

Muli namang nagtweet si Alex na sana ay wala ng mag-live dahil matutulog na siya.

“Yung binuking ako ng sarili kong asawa. Fine. Matutulog na ko. Wala muna sana mag-live.”

Samantala, naglabas na si Zeinab ng public apology si Zeinab at muling humingi ng paumanhin sa lahat ng mga personalities na nadamay sa kanilang isyu ni Wilbert Tolentino.

Tila napatawad naman na ito ni Alex at parang no big deal sa kanya ang isiniwalat ni Wilbert Tolentino. Ani Alex sa isang tweet, “Lahat naman ay nagkakamali ang mahalaga ay marunong magpakumbaba at humihingi ng tawad. 🙏🏼.”

Ang hugot na ito ni Alex ay umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa kanya at sinabing, “Tama. If Jesus can forgive, why can’t you?”

Subalit, may ilang mga netizens ang ipinaalala kay Alex ang hindi nito paghingi ng tawad noong siya ang nagkamali sa isang vlog.

“No offense meant pero sana po humingi din kayo ng paumanhin sa Super Junior, ELF and PULP LIVE WORLD nong ginawa niyong katatawanan ang nangyari nong Super Show 9 in Manila. Sobrang sensitive ng topic na yon pero nagawa niyo pang magbiruan”


Roberta Tamondong Ligwak Pa Rin Sa Miss Grand International! Bigong Maiuwi Ang Gintong Korona!

Walang komento


Tila naging mailap pa rin ang korona ng Miss Grand International sa Pilipinas. Sa naganap na grand coronation night ng Miss Grsnd International na ginanap sa  Sentul International Convention Center sa Indonesia nitong martes ng gabi October 25, 2022.

Natapos ang journey ni Roberta sa Top 20 ng kompetisyon.

Bigo mang maiuwi ang korona para sa bansa, nagtrending si Roberta sa Twitter dahil sa hiling ng mga netizens na muli itong sumali. Kabilang sa mga nagpakita ng suporta kay Roberta ay si MJ Lastimosa ma pumunta pa mismo sa Indonesia.

Kinoronahan bilang Miss Grand International 2022 si Isabella Menin ng Brazil.



Tom Rodriguez Ayaw Nang Pag-Usapan at Marinig Pa Si Carla Abellana: Tapos Na Kami!

Walang komento


Ayaw na ni Tom Rodriguez na marinig at mapag-usapan pa sa kanyang social media accounts ang kanyang dating asawa na si Carla Abellana.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Tom Rodriguez ng isang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang nagda-drive. Caption niya sa kanyang video, "Vegas dust storm vibes :)"

Sa comment section ng kanyang post, may ilang mga netizens na nagbigay ng komento at ikinungratulate ang aktor sa first year wedding anniversary nila ni Carla Abellanana.

Agad naman itong inalmahan ni Tom at sinabing nais niyang hindi na banggitin ang pangalan ni Carla sa kanyang page dahil magkaiba na umano ang landas na kanilang hinaharap ngayon.

Matatandaang ikinasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana noong October 2021. Subalit, matapos lamang ang tatlong buwan ay pumutok ang balitang nagkakalabuan na ang dalawa. Makalipas naman ang ilang buwan tuluyang kinumpirma ng celebrity couple na pina dissolve na nila ang kanilang kasal.

Marami naman ang nalungkot sa balitang ito at tila hindi makapaniwala sa naging kinahinatnan ng kanilang pagsasama. Tila marami pa rin ang umaasang magkakabalikan ang dalawa. Ngunit tila tinuldukan ni Tom ang pag-asang ito matapos nitong nilinaw sa kanyang mga tagahanga na ayaw na niyang pag-usapan pa si Carla.

Ayon kay Tom, “Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no longer together and are moving onto own paths."

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo