Jelai Andres Tinalakan Ang Isang Netizen Na Nagmamarunong!

Huwebes, Oktubre 27, 2022

/ by Lovely


Pumatol ang comedienne-vlogger na si Jelai Andres sa commenter na nagmamarunong pa kaysa sa kanya.

Ibinahagi kamakailan ni Jelai Andres sa kanyang Facebook account ang screenshot mula sa isang comment ng netizen kung saan mababasa ang opinyon nito hinggil sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa bangayan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. 

"Kung tunay mo siyang kaibigan dapat naiintindihan mo siya. Tapos bat ka naman magagalit na sinabihan ka ng pinakasabaw. Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare, e klaro nga lutang kayong lahat pero mas ikaw lang pinakalutang. At bakit di lang naman kayo ang lutang madami naman halos lahat ng tao lutang. Jusko para yan lang na salita. Partida na post partum pa yung nung sinabi nya yan. Sabagay di ka makakarelate ng pod kasi di ka naman nanganak."

Agad namang nilinaw ni Jelai na hindi siya galit sa dalawang personality sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu. Ayon pa kay Jelai wala siyang inaaway o kinakampihan sa isyu.

"Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare sayo? Nagagalit ba ko? San mo nakuha yan? Ok na ok po ako wala akong inaaway. Love love lang gusto ko. Wala akong galit both sides. Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak. Aba ate naman dami kong anak 100 na aso 40 na pusa normal ko lahat inire yon! Pa check ka te baka ikaw binat. Help kita seryoso ko. Masyado kang highblood jan inom ka po kaya pinakuluang bawang na may medyas at tansan. Effective po yun. Ako nga chill lang bakit ka nagagalit sakin may utang po ba ako sayo? Pa albularyo ka kaya te?"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo