KathNeil May Pinagdadaanan! Mga Netizens Napansin Ang Pagiging Awkward Nila Sa Isa't-Isa!

Huwebes, Oktubre 27, 2022

/ by Lovely

 


May napansin ang ilang mga netizens sa naging gesture nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa nagdaang presscon na dinaluhan nila. Tila nawala umano ang sweetness sa pagitan nila na dati namang nakikita sa mga nagdaang interview nila. Makikita din umano sa mga mukha ng mga ito ang lungkot kahit pa nakangiti ang mga ito sa kamera.

Parehong naitanong sa kanila ng reporter kung ano ang loyalty para sa kanila. Unang sumagot si Kathryn Bernardo at sinabing, "Loyalty for me is being contented." Samantala, ayon kay Daniel na ang loyal ay ang kanyang aso lamang.

Base sa kanilang mga naging sagot, agad nag-isip ang ilang mga netizens na tila nagpaparinigan umano ang mga ito. May mga kumakalat ding video clips kung saan makikitang tila hindi ok ang KathNeil at may awkwardness sa isa't-isa.

Viral ngayon ang video kung saan makikita ang pictorial nila at tila katatapos lamang ng interview. Kapansin-pansin na tila iniiwasan ni Daniel na akbayan o hawakan si Kathryn. Kitang-kita din sa kanilang mga mukha ang ilang kahit pa pilit nila itong tinatago.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo