Xian Gaza Nawala Lang Daw Sa Sarili Kaya Kung Ano-Ano Ang Pinagsasabi!

Huwebes, Oktubre 27, 2022

/ by Lovely


Inamin ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post na naging toxic siya this past few days. Humihingi din siya ng pasensya sa kanyang mga followers at nangangakong babawi siya sa kanila.

"I just want to apologize to my 1.6 million followers dahil naging sobrang toxic ako for the last two days. I am highly aware and I'm very sorry. Babawi po ako sa mga susunod na linggo and I promise na marami kayong mapupulot na makabuluhang bagay sa akin." post ni Xian.

Inamin din ni Xian na kaya niya nagawa ang mga rant niyang iyon sa Facebook ay dahil sa pagpoprotekta niya sa mental health ng kaibigang si Zeinab Harake.

Ayon pa kay Xian na sa dami ng kanyang sinawsawan na isyu for the past five years parang naglalaro na lamang siya chess. Alam na din umano niya ang flow ng events from A-Z.

Aniya, “May nasisirang buhay from time to time habang ako ay….. alam niyo na ‘yun. Kitang-kita niyo naman. Always like that. Tomorrow is back to normal Facebooking. Parang wala na namang nangyari.”

Hiling din ni Xian na sana maging maayos ang mental health ni Zeinab Harake. Dahil ito umano ang mas naaapektuhan sa lahat ng mga nangyayari. Nagpasalamat din ang Pambansang Marites sa lahat ng mga marites na tumutok, nag-react at nagkomento sa kanyang mga posts.

“Sobrang nakaka-trauma. Sana maging okay na siya. Salamat sa napakaraming views, reacts and comments for the last 2 days. It’s very good for my mental health. Good night,” pahabol pa niya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo