Tom Rodriguez Ayaw Nang Pag-Usapan at Marinig Pa Si Carla Abellana: Tapos Na Kami!

Miyerkules, Oktubre 26, 2022

/ by Lovely


Ayaw na ni Tom Rodriguez na marinig at mapag-usapan pa sa kanyang social media accounts ang kanyang dating asawa na si Carla Abellana.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Tom Rodriguez ng isang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang nagda-drive. Caption niya sa kanyang video, "Vegas dust storm vibes :)"

Sa comment section ng kanyang post, may ilang mga netizens na nagbigay ng komento at ikinungratulate ang aktor sa first year wedding anniversary nila ni Carla Abellanana.

Agad naman itong inalmahan ni Tom at sinabing nais niyang hindi na banggitin ang pangalan ni Carla sa kanyang page dahil magkaiba na umano ang landas na kanilang hinaharap ngayon.

Matatandaang ikinasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana noong October 2021. Subalit, matapos lamang ang tatlong buwan ay pumutok ang balitang nagkakalabuan na ang dalawa. Makalipas naman ang ilang buwan tuluyang kinumpirma ng celebrity couple na pina dissolve na nila ang kanilang kasal.

Marami naman ang nalungkot sa balitang ito at tila hindi makapaniwala sa naging kinahinatnan ng kanilang pagsasama. Tila marami pa rin ang umaasang magkakabalikan ang dalawa. Ngunit tila tinuldukan ni Tom ang pag-asang ito matapos nitong nilinaw sa kanyang mga tagahanga na ayaw na niyang pag-usapan pa si Carla.

Ayon kay Tom, “Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no longer together and are moving onto own paths."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo