Cristy Fermin Sinupalpal Si Lolit Solis Dahil Sa Pakikialam Nito Sa Tambalang Bea at Alden!

Miyerkules, Oktubre 26, 2022

/ by Lovely


Nakatikim ng diretsahang pahayag si Lolit Solis mula sa dati niyang kasamahan na si Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy Fermin, high and mighty ang pagtingin ni Lolit Solis sa kanyang sarili. Mula pa umano noon ay natatakot na ang ibang mga artista na kalabanin ito.

"Si Manay Lolit Solis high and mighty, dati na talagang halos lahat ng artista ay natatakot sa kanya. Ito ngayon ang isang Shirley Kuan, isang Bea Alonzo, na kahit sa panaginip ay hindi niya maisip na kukuntrahin at sasagutin siya."

Sa Youtube Channel nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika, na Showbiz Now Na. Napag-usapan nila ang naging panayam ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan. Kung saan inihayag nito ang ginagawang pambubully umano ni Lolit Solis sa kanila ni Bea Alonzo gamit ang Instagram ni Lolit.

Ayon kay Romel, ginagawa lamang ni Shirley ang kanyang trabaho. Ang pagprotekta sa kanyang talent na si Bea Alonzo. Ang lahat lamang umano ng inilahad ni Shirley ay mga sagot sa mga rant ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account.

Sinegundahan naman ito ni Morly Alinio at sinabing ginagawa lamang ni Shirley ang tama sa kanyang alaga. Ngunit, nasasaktan din umano siya para rito dahil matanda na ito at may sakit.

Ipinunto rin ni Cristy Fermin na matagal na ang ginagawang pambubully ni Lolit Solis kat Bea Alonzo na umabot ng isang taon.

Matatandaang, inexpell rin ng PAMI si Lolit Solis matapos nitong nilabag ang isa sa mga patakaran nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo