Vietnam Wants Mr. Nawat Apology to Miss Grand Vietnam ĐOàN ThiêN ÂN!

Huwebes, Oktubre 27, 2022

/ by Lovely


Nagnanais ang mga Vietnamese na humungi ng public apology si Mr. Nawat Itsaragrisil kay Ms. Do An Thien An dahil sa pambobody shame umano nito.

Nagsimula ang lahat ng maitanong kay Mr. Nawat kung bakit hindi nakasama sa Top 10 ang kandidata sa Miss Grand International mula sa Vietnam. Hindi kaagad ito napansin ng ilang mga netizens lalo na ang mga taga-Vietnam dahil nasa wika ito ng Thailand.

Subalit may isang video na lumabas kung saang trinanslate sa wwikang Ingles ang sagot ni Nawat sa katanungan. Agad itong nagviral dahil tila panlalait ito sa kandidata ng Vietnam. Ayon kay Mr. Nawat, 
" I can tell the reason for disqualification. Vietnam was the only contestant whose BACK LONGER THAN HER BODY and I could see them clearly and big hips that is clearly visible."

Dahil dito agad na uminit ang ulo ng mga Vietnamese fan ni Mr. Nawat at inunfollow nila ito. Ayon sa update ni Mr. Nawat agad na nabawasan ang followers sa Instagram page ng Miss Grand International. Mula sa mahigit 6 million nitong followers noon, bumaba ito sa mahigit 4 million na lamang. Nabawasan ng 2 million followers ang Miss Grand na ayon sa iba ay dahil sa ginawa nitong panlalait kay Ms. Grand Vietnam.

Kaya naman sa kasunod na live ni Mr. Nawat makikita ang galit niya kay Ms. An ng Vietnam. Kinumpara pa ni Mr. Nawat si Ms. An sa pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong na parehong kasama sa top 20. Ngunit hindi na nakapasok sa top 10.

Ipinahayag din ni Mr. Nawat na mas maganda pa kay Ms. Vietnam sina Ms. Laos, Ms. Malaysia at Ms. India na parehong hindi nakasali sa Top 20.

Samantala, sa isang live ipinaliwanag ni Mr. Nawat na fair competition ang naganap. Wala na din umano siya magagawa sa pagkatalo nito. Kung gusto umano nito ay maari pa itong sumali sa susunod. Ipinagdiinan ni Mr. Nawat na everything is fair dahil gusto niya ng fair pageant.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo