Usap-usapan sa social media ang tila pagiging “scripted” o “planado” umano ng mga nilalabas na vlog ng aktres at content creator na si Ivana Alawi. Sa isang sikat na online forum, tinalakay ng ilang netizen ang umano’y hindi pagkakatugma ng timing ng kanyang mga vlog sa mga isyung kinakaharap niya sa totoong buhay.
Ayon sa isang netizen sa Reddit, tila ginagamit daw ni Ivana ang mga mahihirap at taong nasa laylayan ng lipunan bilang paraan upang linisin ang kanyang pangalan sa gitna ng kontrobersiya. Binanggit ng netizen ang umano’y pagkakasangkot ni Ivana sa isang isyu kasama si Albee Benitez noong 2024 habang nasa Japan. Matapos raw lumabas ang balitang iyon, naglabas ng vlog ang aktres kung saan makikita siyang tumutulong sa mga jeepney driver.
Hindi nagtagal, lumabas naman ang mga balita tungkol sa kanya at kay Dan Fernandez, kung saan pinapalutang ng ilan na tila may koneksyon umano sila. Sa panahong iyon, ang naging paksa naman ng kanyang vlog ay ang kanyang pakikipag-ugnayan sa isang batang may autism o nasa autism spectrum.
Dahil dito, hindi maiwasan ng ilang netizen na magtanong kung ang mga vlog ba ni Ivana ay totoo at mula sa puso, o kung ito ay bahagi ng mas malawak na PR strategy upang ayusin ang kanyang reputasyon kapag may isyung lumalabas tungkol sa kanya.
Ani ng isang nagkomento, “From poor jeepney drivers to a child on the spectrum. Is Ivana Alawi using the marginalized vulnerable for PR clean up and damage control?”
May isa pang netizen na nagpahayag ng pagkadismaya sa ganitong klaseng content. “Laging ang mahihirap ang nauunang ginagamit, pero sila rin ang huling nabibigyang proteksyon. Nakakalungkot,” anila.
May ilan ding nagsabing halata raw ang pag-aayos ng imahe ni Ivana gamit ang kanyang YouTube channel. Ayon sa kanila, tila may pattern sa mga iniu-upload nitong videos — kapag may negatibong issue, susundan ito ng isang vlog na may temang pagtulong o pagiging makatao upang makuha muli ang simpatiya ng mga manonood.
Gayunpaman, may ilan ding nagtanggol kay Ivana at sinabing baka naman totoo ang intensyon niya at nagkataon lang ang timing ng paglabas ng mga vlogs. Posible rin daw na matagal nang nakaschedule ang mga content na iyon at hindi directly kaugnay sa anumang kontrobersiya.
Sa kabila ng lahat ng ito, nananatili pa ring usap-usapan sa social media kung tunay bang bukal sa loob ang pagtulong ni Ivana o bahagi lamang ito ng isang masalimuot na estratehiya upang mapanatili ang kanyang magandang imahe sa publiko.
Sa panahon ngayon na marami ang nakatutok sa kilos ng mga influencer at celebrity, hindi na rin maiiwasan ang pagiging mapanuri ng publiko. Kaya naman tila hindi sapat ang simpleng pag-post ng vlog para kumbinsihin ang mga manonood na totoo ang bawat kilos — lalo na kung ito ay lumalabas sa gitna ng kontrobersiya.
Habang patuloy pa rin ang pagsikat ni Ivana Alawi bilang vlogger at aktres, tila kasama na rin sa kanyang career ang pagharap sa mga alegasyon at puna ng publiko — at kung paano niya ito hinaharap ay patuloy na sinusubaybayan ng marami.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!