Manay Lolit Solis Bilib Sa 'Wisdom' Ni Toni Gonzaga!

Huwebes, Oktubre 27, 2022

/ by Lovely


Labis na bumibilib sa wisdom ni Toni Gonzaga ang veteran showbiz columnist na si Lolit Solis. Puring-puri din ni Manay ang pagiging honest umano nito sa pagsagot sa mga press people hinggil sa show nito.

Ayon sa Instagram post ni Manay, "Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang mga words of wisdom ni Toni Gonzaga Salve. Talagang kaya pala siya nagtatagal bilang isang mahusay na host dahil sa pagiging very intelligent at smart. Gusto ko iyon to the face na mga sagot niya. Iyon hindi niya pag shy away sa mga delikadong tanong sa kanya. Masuwerte ang All TV sa pagkuha sa kanya bilang talent. Isang magandang buwena para sa ALL TV si Toni Gonzaga. Kaya naman tiyak na exciting show ang kanyang talk show everyday. Sure kami maraming matutuhan at kaalaman na mapapanuod. Watch it, hindi masasayang ang mga oras na ibibigay nyo sa talkshow ni Toni Gonzaga. ALL TV, bongga"

Sinabi din ni Manay Lolit Solis na napakaswerte umano ng AllTv dahil pumayag itong maging talent nila. Nagustuhan din ni Manay ang direct to the point nitong pagsagot sa mga katanungan sa kanya ng mga press people ng walang pakime. 

Kaya naman masasabi niyang kaya tumatagal si Toni sa isang network dahil sa angking galing nito at talino.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo