Beki Mon Pinagsabihan Ang Mga Vloggers Na Nag-Aaway Away Sa Social Media: Tigilan Niyo Na Yan!

Miyerkules, Oktubre 26, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng paalala ang vlogger at social media influencer na si Beki Mon para sa mga vloggers na nag-aaway-away sa social media. Ito'y sa kasagsagan ng bardagulan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino sa social media.

Ayon kay Beki Mon, “Hoooy mga influencers!!!! Tigil-tigilan n’yo ang away hahahaha. Noong kami pa lang ang YouTubers at influencers sa Pilipinas, wala pang nag-aaway away noon. Awwww kakamiss din ang mga naunang YouTubers and influencers. 🙂 Jobert, Alodia, ako, Jamich, Jireh Lim hanggang sa era ni Lloyd Cadena, Kimpoy Feliciano, Petra Mahalimuyak, Moymoy Palaboy’s lip sync and dubs, Mikey Bustos…. Haaayst.”

Pagbabalik tanaw pa nito sa nakaraan noong kukunti pa lamang ang Youtuber at Vlogger sa Pilipinas, "Panahong hindi pa uso masyado ang smartphones na may pre-installed YouTube. Para mapanood n’yo kami, rerenta pa ng computer sa computer shop tapos maasim na yung amoy ng foam ng headphones nila hahahahaha nakakamiss good old days."

Samantala sa isa pang post, sinabi ni Beki Mon na matapos niyang balansehin ang lahat. Nakapagdesisyon na siya kung sino ang kanyang kakampihan. Ito'y walang iba kundi si Jelai Andres.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo