Alex Gonzaga May Hugot Matapos Sinabihang 'Wala sa Hulog' ni Zeinab Harake!

Wednesday, October 26, 2022

/ by Lovely


Isa si Alex Gonzaga sa mga sikat na vlogger at influencers na umano'y binackstab ni Zeinab Harake, base sa mga screenshots na inilabas ni Wilbert Tolentino sa pamamagitan ng isang video noong nakaraang linggo.

Ayon sa inilabas na screenshot ni Wilbert Tolentino, sinabi umano ni Zeinab Harake sa kanya, na huwag makipag-collab kay Alex Gonzaga dahil wala ito sa hulog at mas malakas pa ang hatak nito kay Alex.

Ngunit tila hindi naman ito naapektuhan sa screenshot na inilabas ni Wilbert noong linggo. Dahil tila nagbiro pa ito sa kanyang tweet.

Tweet ni Alex Gonzaga noong linggo October 23 habang nagla-live ang mga vloggers, “psst maritest tulog na. monday na bukas.”

Agad naman itong binuking ng kanyang asawang si Mikee Morada. Sa comment section ibinahagi ni Mikee ang larawan ni Alex na nakahiga na ngunit nakatutok pa rin sa kanyang cellphone. Ani Mikee, “Huy Marites! Ikaw ang matulog na.”

Muli namang nagtweet si Alex na sana ay wala ng mag-live dahil matutulog na siya.

“Yung binuking ako ng sarili kong asawa. Fine. Matutulog na ko. Wala muna sana mag-live.”

Samantala, naglabas na si Zeinab ng public apology si Zeinab at muling humingi ng paumanhin sa lahat ng mga personalities na nadamay sa kanilang isyu ni Wilbert Tolentino.

Tila napatawad naman na ito ni Alex at parang no big deal sa kanya ang isiniwalat ni Wilbert Tolentino. Ani Alex sa isang tweet, “Lahat naman ay nagkakamali ang mahalaga ay marunong magpakumbaba at humihingi ng tawad. ๐Ÿ™๐Ÿผ.”

Ang hugot na ito ni Alex ay umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa kanya at sinabing, “Tama. If Jesus can forgive, why can’t you?”

Subalit, may ilang mga netizens ang ipinaalala kay Alex ang hindi nito paghingi ng tawad noong siya ang nagkamali sa isang vlog.

“No offense meant pero sana po humingi din kayo ng paumanhin sa Super Junior, ELF and PULP LIVE WORLD nong ginawa niyong katatawanan ang nangyari nong Super Show 9 in Manila. Sobrang sensitive ng topic na yon pero nagawa niyo pang magbiruan”


No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo