Tunay Na Pagkatao Ng Asawa Ni Andrew Schimmer Na Si Jho Rovero!

Miyerkules, Oktubre 26, 2022

/ by Lovely


Naging laman ng mga usapin sa iba't-ibang social media platforms ang asawa ni Andrew Schimmer na si Jorhomy Rovero aka Jho Rovero dahil sa muling pagkakapasok nito sa ICU isang linggo matapos nitong payagan ng doktor na makalabas sa hospital.

Matatandaang halos isang taon na ang lumipas mula ng atakehin ng severe asthma si Jho at naging bedridden.

Si Jorhomy Rovero aka Jho Rovero ay ang asawa ng dating aktor na si Andrew Schimmer. Bago pa siya maratay dahil sa kanyang karamdaman,  isa siyang online casino supervisor at suma-sideline din bilang singer, dancer at host sa iba't-ibang event.

Mahilig din itong magluto. Minsan ay ibinebenta niya ito sa pamamagitan ng live selling sa kanyang mga social media accounts. Si Jho ay isang napaka masayahing tao, family oriented at very friendly.

Isa sa kanyang pinagkakakitaan noong lumaganap ang Covid-19 ay ang pagla-live selling ng mga cosmetics. Pangarap ni Jho noon pa man ang magkaroon ng sariling negosyo.

Sila Jho at Andrew ay may dalawang anak, lalaki at babae. Minsan ay nakakasama pa niya ang mga ito sa kanyang paggawa ng mga TikTok videos.

Samantala, ibinahagi ni Andrew na stable na ang kalagayan nito ngayon. Labis din silang nagpapasalamat sa mga taong patuloy na nagpapadala sa kanila ng tulong lalo na sa pinansyal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo