Super Villain Gumamit Ng Unan Sa Pag Tyugi!

Wednesday, October 26, 2022

/ by Lovely


Isa sa mga inaabangang teleserye ngayon ng ABS-CBN ay ang Darna TV series na pinagbibidahan ni Jane De Leon. Tampok din sa nasabing teleserye ang Kapamilya Stars na sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

Matatandaang, hindi pa man umiire noon ang Darna ay umaani na ito ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pagpili nito kay Jane De Leon na isang baguhan sa pag-aartista. Subalit nang masaksihan ng lahat ang kanyang transformation at mga fighting scenes napalitan ng paghanga ang mga batikos.

Napatunayan din ng aktres na karapat-dapat siya sa kanyang pagganap. Samantala, kinakaaliwan ngayon ng mga manonood ng Darna ang paggamit ni Heneral Borgo ng unan sa tangkang pagpatay sa isang eksena ng palabas.

Ayon sa post ng isang netizen, "I wonder if there are comicbook fans among the Darna writers because seriously, a supervillain killing someone with a pillow is a telenovela/teleserye trope. Darna is supposed to be a sci-fi superhero series."

Sumang-ayon naman ang ilang mga netizens rito at sinabing balit gagamit pa ng unan gayung may super powers naman umano ang Heneral.

Agad namang may nagtanggol din sa palabas at sinabing kung gagamitin ni Heneral Borgo ang kanyang super powers, malalaman na isang extra ang may pakana rito.



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo