Bea Alonzo Dinala Ang Kanyang Ina Sa Kanyang Apartment Sa Spain!

Huwebes, Oktubre 27, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram post na finally nakita na ng kanyang ina ang bagong bili niyang apartment sa Madrid, Spain. Ang kanyang apartment ay idinesinyo ng isang kilalang Spanish architect na si Tristan Domecq.

Matapos ang ilang buwan mula ng ibinahagi ni Bea sa kanyang vlog ang pagkakabili ng bagong property, naipakita na nito sa kanyang ina.

Ayon kay Bea, "I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy! 🥹 Ang dami nya nang plano on how to fix the place. ❤️ I am so grateful I get to share this moment my mom. Pangarap ko lang to eh. Yakapin nyo naman nanay nyo para sa akin."

Labis na nagustuhan ng aktres ang location ng kanyang apartment, kung saan napapalibutan ito ng maraming cafe's at buildings. Nakadagdag pa rito ay ang carra marble na gamit sa ilang bahagi ng apartment.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang kapwa celebrities at mga tagahanga.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo