KathNiel May Kinalaman Sa Hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

Walang komento

Martes, Pebrero 6, 2024


 Marami sa mga netizens ang nakapansin na tila missing ngayon sa daliri ng aktres na si Bea Alonzo ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dominic Roque.


Agad naman itong pinag-ugatan ng mga speculations na naghiwalay na ang dalawa o kaya naman ay nagkatampuhan ang mga ito.


Nadagdagan pa ang hinalang ito nang makailang ulit na itinanggi ni Bea Alonzo ang binitiwang pahayag ni Dominic Roque patungkol sa nalalapit nilang kasal.


May mga nakapansin pa na bukod sa pag-iwas ng aktres na mapag-usapan ang kasal nila ni Dominic Roque ay tila naiirita pa ito sa pagtatanong ng mga press.


May mga naghinala na hindi naman sa press nairita si Bea Alonzo kundi kay Dominic Roque dahil pinangunahan siya ng lalaki na magsiwalat ng detalye sa kanilang kasal.


Nagbigay pa ng pahayag si Bea Alonzo na nararapat lamang umano na hindi lamang isa ang magplano para sa kasal dahil dapat ay may equality rin ang soon-to-be bride at groom rito.


Samantala, naitanong rin naman ng ilang mga press people sa talent manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang isyu kung totoong hindi na ba isinusuot ni Bea ang kanyang engagement ring.


Ayon naman kay Shirley Kuan, na hindi rin umano niya napapansin kung suot ba ni Bea ang sing-sing o hindi dahil hindi naman umano niya tinitingnan ang daliri ng aktres sa tuwing magkasama silang dalawa.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens naman ang nag-uugnay sa nangyaring hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nangyayari ngayon kina Bea Alonzo at Dominic Roque.


May ilang mga netizens ang naniniwalang hindi naman umano totoong hiwalay ang dalawa at sinadya lamang umano ni Bea Alonzo na hindi suotin ang kanyang engagement ring dahil alam niyang pagmumulan ito ng kontrobersiya.


Tila ninanais umano ng aktres na mapag-usapan rin sila kagaya sa nangyayari kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin dahil sa kanilang hiwalayan.


Pinatanggal Ni Kathryn Bernardo Sa Kontrata Ang Trabaho Na Maaaring Makasama Si Daniel Padilla

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites ang isyu na may mga additional conditions si Kathryn Bernardo sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN kabilang na ang kondisyon na ikansela ang mga project na pagsasamahan nila ni Daniel Padilla.


Tila wala na talaga sa plano ng Kapamilya actress na si Kathyrn Bernardo na muling makasama sa iisang proyekto ang dating nobyo at ka-loveteam na si Daniel Padilla dahil sinigurado na umano ito ng aktres bago pa man ang pagpirma muli ng kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN.


Matatandaan na naging matunog na usapin sa ilang mga social media platforms ang paglipat ni Kathryn Bernardo sa ibang networks at sa ibang mga talent agencies matapos ang pag-amin nila ni Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang November 30, 2023.


Marami ang naghinalang lilipat sa pagmamay-aring talent agency ni Maja Salvador si Kathryn Bernardo dahil sa madalas nilang pagsasama subalit naging malinaw ang lahat nang pumirma muli ng kontrata sa Star Magic ang aktres.


Ayon naman sa mga isyung kumakalat ngayon na umano'y tinumbasan ng ABS-CBN ang mga natatanggap na offer ni Kathryn Bernardo mula sa katapat nilang mga kompanya.


May mga kondisyon rin umano ang aktres na inilalagay sa kanilang kontrata kabilang na ang pagkakaroon ng karapatan na pumili sa mga gagawing proyekto at kung sino-sino ang kanyang makakasama rito.


Kabilang rin sa kondisyon ni Kathryn ang pagkansela sa mga pagsasamahan nilang proyekto ni Daniel Padilla. Bukod pa rito, makakatanggap din umano ng mas malaking talent fee ngayon ang aktres.


Marami naman sa mga netizens ang sang-ayon sa mga kondisyon ni Kathryn Bernardo dahil karapatan rin umano ng mga artista na pumili kung sino-sino ang gustong makasama sa mga proyekto.


Ayon pa sa ilang mga netizens na talagang pagbibigyan ng ABS-CBN at Star Magic ang anumang hilingin ng aktres dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kalaki ang ipinapasok na kita ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN dahil sa matagumpay niyang pelikula at mga teleserye.


Kadalasan kasi sa mga pinagbibidahang pelikula at teleerye ni Kathryn Bernardo ay nakakakuha ng malaking kita at ratings mula sa mga manonood.


Nitong February 2, 2023 muling pumirma ng kontrata ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang home network matapos ang mga espekulasyon na lilipat siya sa ibang kompanya. Naging emosyunal pa ang aktres nang balikan niya ang mga mahirap na nangyari sa kanya noong nagdaang taon.


Emosyunal rin niyang pinasalamatan ang lahat ng mga tumulong sa kanya na malampasan ang mga pinagdaanang pagsubok na nagbigay daan rin upang makilala niya ang mga totoong kaibigan na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.



Carla Abellana NAGBEBENTA ng MADUMI at OVERPRICED na Pre-Loved Items

Walang komento


 Hindi malaman ngayon ng ilang mga netizens kung ano umano ang pumasok sa isip ng Kapuso aktres na si Carla Abellana sa pagbebenta nito ng mga preloved items na may mataas na presyo na hindi na nararapat sa mga kondisyon nito.


Tila hindi rin umano applicable para sa mga items ni Carla Abella ang kadalasang sinasabi ng mga preloved items seller na 'used but not abused' dahil karamihan sa mga ibinibentang preloved items ng aktres ay puro abused.


Bukod sa pagiging abused ng mga items na ibinibenta ni Carla Abellana, napakamahal pa rin umano nito na tila ba hindi pa ginamit gayung makikita naman sa mga item na gamit na gamit ito dahil sa mga dumi na dumidikit rito.


Nito lamang February 5, 2024, nagbahagi ng isang post si Carla Abellana kung saan ipinaalam niya sa kanyang mga followers na may mga panibago siyang items na inilagay sa isa pa niyang account na para sa pagbibinta niya ng mga pinaglumaang gamit.


Kalakip pa ng kanyang post ang screenshot ng kanyang account na may pangalan na Carla Angeline's Closet at ang larawan ng mga items na ibinibenta niya roon.


Sa caption inilahad pa ni Carla Abellana na binabaan na niya ang mga presyo ng ibinibentang items.


Makikita naman sa profile ng ibinahaging account ni Carla Abellana na naroon nga ang mga items na ibinibenta niya, naka indicate rin sa caption ang mahahalagang detalye patungkol sa items at kung magkano niya ibinibenta ang mga ito.


Subalit, ikinadismaya ito ng ilang mga followers ng aktres ang kanilang nasaksihan sa mga items na ibinibenta ng aktres dahil maliban sa napakataas na presyo, patapon na rin ang mga ito dahil sa kondisyon ng mga ito.


Katulad na lamang sa ibinibentang French Sole Leopard Ballet Flats ng aktres sa halagang 2500 pesos dahil napakadumi umano nito na tila may mga libag pang naiwan mula sa paa ng huling gumamit.


Hindi man lamang muna nilinis ng aktres bago kuhanan ng litrato at ibenta. Hindi naman napigil ng ilang mga netizens na makapagsabing dugyot sa gamit si Carla Abellana at hindi rin umano ito marunong mag-alaga kaya nanggitata na ito.


Marami naman ang hindi makapaniwala na si Carla Abellana mismo ang nagbibenta ng mga items na ito dahil tila hindi na magagamit ang ilang mga items. May mga nagsasabi pang mas mabuti pang sa ukay-ukay na lamang bumili dahil bukod sa mura, mas maayos pa ang mg kondisyon nito kaysa sa mga ibinibenta ni Carla Abellana.


Bukod pa rito, pinuna rin ng mga netizens ang swelas ng mga shoes ni Carla Abellana dahil napakadumi pa ng mga ito, may mga lupa at putik pa pero ibinibenta parin ng napakamahal.


May ilan pang netizens ang nagtatanong sa aktres kung wala ba umanong nakapagpayo rito na ipamigay na lamang mga items na ito dahil tila hindi na umano mapapakinabangan.


May mga nagtatanggol naman sa aktres patungkol sa presyo ng kanyang mga gamit dahil hindi naman umano maitatanggi na sikat si Carla Abellana kaya naman may honor na ang paggamit sa mga pinaglumaan nito.


Kaagad naman itong sinagot ng mga bashers na nakakahiya nang gamitin ang items ni Carla Abellana at mas mabuti pang bumili na lamang ng ibang brand na maayos pa kaysa sa mga items ng aktres na nakakahiya na umanong gamitin.


Marami naman ang nagdududa kung mismong si Carla Abellana nga ba ang nagpost nito at baka na hack lamang umano ang account ng aktres na naging dahilan kung bakit nakapagpost ito ng mga ganoong uri ng items sa napakataas na presyo.


Manager Ni Bea Alonzo Pinatamaan Si Dominic Roque, Manipulative Sad Boy

Walang komento


 Road manager at make-up artist ni Bea Alonzo naglabas ng isang crytic post na pinaniniwalaan ng mga netizens na patama niya kay Dominic Roque, sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.


Pinaghihinalaan ngayon ng ilang mga netizens na ang pinapatamaan sa post ng road manager at make-up artist ni Bea Alonzo sa kamakailang post niyo patungkol sa manipulative sad boii ay walang iba kundi si Dominic Roque.


Matatandaan na sa gitna ng mga lumalabas na isyu ngayon patungkol sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, nagbahagi ng isang larawan si Dominic Roque kung saan makikita itong malungkot na nakatanaw sa karagatan.


Ayon naman sa post ng road manager at make-up artist ni Bea Alonzo na ang kanyang tinutukoy na manipulative sad boy ay isang umanong tao na ipinapalabas sa lahat na siya ang biktima sa isang sitwasyon.


Ginagawa umano nito ang lahat para paniwalaan mong ikaw ang may pagkakamali kaya naman kailangan kang makaramdam ng pagka-guilty. Pinaglalaruan din umano nito ang iyong pag-iisip ang mga taong ito ay mga bad news.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ang pagbabahagi na ito ng road manager ni Bea Alonzo ay tila tumutugma sa sitwasyon ngayon ng engaged couple.


Matatandaan na bago pa man lumabas ang balitang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo ilang beses nang nagbabahagi ng mga solong larawan  si Dominic Roque sa kanyang social media account na pahiwatig na tila nalulungkot ito sa ngayon.


Dahil rin sa mga ibinahaging post ng mga kasama ni Bea Alonzo, marami ang nakumbinsi na totoong naghiwalay na ang dalawa gayung nalalapit na ang pagpapakasal ng mga ito.


Matatandaang matagal na ring magkarelasyon ang dalawa, marami pa ang nasiyahan noon nang tinanggap ng aktres ang marriage proposal ni Dominic Roque noong July 2024. Marami sa kanilang mga fans ang nag-aabang na magaganap na ngayong taon ang kasalan ng dalawa.


Marami pa ang natuwa noong isiniwalat ni Dominic Roque sa kanyang enterview na pinag-uusapan na umano nila ni Bea Alonzo ang ilang detalye ng kanilang pagpapakasal.


Subalit, gayunnaman ang pagkadismaya ng mga ito nang itanggi ni Bea Alonzo sa isang panayam ang lahat ng mga naunang isiniwalat ni Dominic at iginiit na wala pa silang plano patungkol sa sinasabing kasal. 





Bea Alonzo, Mawawalan ng Mga Fans Dahil sa Pakikipaghiwalay kay Dominic Roque

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang aktres na si Bea Alonzo sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa nangyaring hiwalayan umano nila ni Dominic Roque sa gitna ng paghahanda nila sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.


Naglalabasan ngayon ang iba't-ibang mga haka-haka patungkol sa totoong nangyari sa relasyon ng dalawa at sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. May mga nagsasabi na tila nag-aalangan umano si Bea Alonzo na magpakasal dahil nag-aalinlangan itong maapektuhan ang kanyang showbiz career.


May mga naglabasan ring isyu na umano'y pinapipirma ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement si Dominic Roque upang mapangalagaan niya ang kanyang kayamanan sa kabila ng pagpapakasal nilang dalawa.


Kung pagbabasehan ang mga naglabasang isyu patungkol sa hiwalayan ng dalawa, mahihinulang marami sa mga netizens ang sumisisi kay Bea Alonzo sa nangyaring failed relationship ng dalawa.


Marami ang bumabatikos ngayon sa aktres sa kanyang pag-iinarte sa pagpapakasal gayung napaka swerte na niya kay Dominic Roque dahil bukod sa mas bata sa kanya, mabait naman ito.


May mga nagsasabi pa na matanda na si Bea Alonzo kaya hindi na ito kailangan pang mag-inarte at magpabebe sa pagpapakasal kung ayaw umano nitong saka palang magkakaroon ng anak kapag senior citizen na.


Samantala, may napansin naman ng ilang mga fans na sa huling vlog na pinagsamahan ng dalawa, kung saan highlight ang kanilang pagbabakasyon sa Japan.


Ayon sa kanila, kaya pala tila napakalungkot ng mukha ni Dominic Roque noon dahil may namumu na palang tampuhan ang dalawa.


Ito na rin kasi ang huling update ng dalawa na magkasama sa kani-kanilang mga social media accounts.


Ang labis namang pinagtatakhan ngayon ng mga  netizens kung bakit sinabi pa noon ni Dominic Roque sa naging panayam sa kanya na maayos pa ang relasyon nila ni Bea Alonzo.


Ibinahagi pa noon ni Dominic Roque ang ilang mga detalye sa kanilang kasal kabilang na ang mga kaibigan na makakasama sa kanilang wedding entourage at ang ilan sa mga maiimbitahan.


Subalit ang lahat ng ito ay itinanggi ni Bea Alonzo sa pagsisiwalat niyang wala pa talaga silang plano ni Dominic Roque dahil hindi pa sila nakakapag-usap.


Sa ngayon hiling na lamang ng kanilang mga tagahanga na maayos na nilang dalawa ang anumang tampuhan na naganap sa kanilang pagitan at ipagpatuloy nila ang kanilang pagpapakasal.




Confirmed Bea Alonzo at Dominic Roque Hiwalay Na Mga Detalye Isiniwalat

Walang komento

Lunes, Pebrero 5, 2024


 Marami sa mga tagahanga ng engage couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang labis na nalulungkot ngayon dahil sa balitang naghiwalay na ang mga ito matapos ang ilang buwang pagkakaengage.


Matatandaan na na-engage ang dalawa noong July 2023 at nakatakda silang ikasal sa ikalawang bahagi ng ngayong taon. Marami ang mga naghinalang sa buwan ng Hunyo o di kaya naman ay sa buwan ng September itong magaganap.


Subalit, tila malabo na itong mangyari ngayon dahil sa kumpirmasyon ni Ogie Diaz mula sa kanyang mga sources na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil sa tampuhan nila matapos ang bakasyon sa Japan.


Marami sa mga fans at netizens ng labis na nanghihinayang sa nangyari sa dalawa kung kailan malapit na silang ikasal. Marami rin ang napapatanong kung bakit ngayon lamang ito napabalita matapos ang pagsisiwalat ni Dominic Roque ng ilang mga detalye sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.


Sa kamakailang mga gatherings ay napapansin ng mga netizens na hindi na suot ni Bea ang kanyang engagement ring na palaging sinusuot niya noon. 


Marami ang naghinala na baka nakaramdam lamang ang aktres ng wedding jitters na kadalasang nangyayari sa couples na malapit nang maikasal dahil sa panghihinayang na magbago ang buhay o di kaya naman ay nanghihinayang sa career.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz na nitong January lamang nang magbreak sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil nagkasama pa sila nitong January lamang sa bakasyon.


Sa ngayon ay patuloy pa rin naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque ang aktres kaya naman maaring umanong kumalma ang kanilang mga tagahanga dahil baka maayos pa naman ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.


Gayunpaman, marami ang naghinala na may kinalaman ang yaman sa naging dahilan ng hindi pagkakasunduan ng dalawa dahil umano'y pinapipirma ni Bea Alonzo si Dominic Roque ng prenuptial agreement.



Ang Mga Nawala Kay Heart Evangelista Dahil Sa Kanyang Ex-Glam Team Na Sina Justin at Jecka

Walang komento


 Isiniwalat ng kilalang talent manger at showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang vlog ang totoong ginawa ng dating glam team ni Heart Evangelista na naging dahilan kung bakit ito tinanggal ng aktres.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate M Reyna, inisiniwalat ni Ogie Diaz na may mga nawalang mga project endorsement si Heart Evangelista.


Ayon sa pagbabahagi ni Ogie Diaz, marami umano sa kliyente at mga product endorsers ni Heart Evangelista ang umatras dahil sa mataas na singil ng glam team ni Heart Evangelista na sina Jeck Aguilar at Justine Soriano.


Matatandaan na naging mainit na usapin noong nagdaang taon ang pagpapaalis ni Heart Evangelista sa kanyang dating glam team na matagal na ring nagtatrabaho sa kanya at nakasama na niya sa ilang mga travel.


Ayon kay Ogie Diaz, base sa inilabas na pahayag ni Heart Evangelista noon kung anong mga nagawa niyang kabutihan para sa dating kasamahan. Dito, inamin rin ni Heart na sa tuwing may kukuha umano sa kanyang mga endorsement at ang ini-rerekomenda niyang glam team ay sina Jeck at Justine ay palagi niyang hindi nakukuha ito.


Ayon sa mga nakausap niyang kliyente, na napakamahal umano ng singil ng kanyang glam team kaya hindi na lamang nila kinukuha ang aktres.


Ibinahagi naman ni Ogie Diaz na umaabot umano sa kalahating milyon ang singil para sa make up ni Heart at kalahating milyon rin pagdating sa hairstyle ni Heart Evangelista.


Nag-uusap umano ang glam team ni Heart na taasan nila ang singil sa kanilang serbisyo dahil hindi naman umano makakapalag ang mga ito dahil si Heart Evangelista naman ang kanilang pagsisilbihan.


Gayunpaman, hindi ito kinakaya ng mga endorsement ni Heart kaya naghahanap umano ito ng ibang glam team na ayos sa aktres subalit, bilang pagmamahal ni Heart Evangelista sa kanyang glam team ay hindi pumapayag ang aktres kaya sa huli ay hindi na nakukuha ni Heart Evangelista ang proyekto.


Hindi naman umano ito bago kay Ogie Diaz dahil noong alaga pa niya si Liza Soberano noon ay may mga glam team talaga na sadyang tinataasan ng singil para lumaki ang kita.


Subalit, kinakausap umano niya ang mga ito na babaan na lamang ang singil dahil baka mawala pa ang project.



Ria Atayde Sinagot Ang Isyung Pinapatamaan Siya Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Ria Atayde patungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya matapos ang naging pahayag ni Kathryn Bernardo patungkol sa mga totoong kaibigan sa naganap na contract renewal niya sa Star Magic at ABS-CBN noong February 2, 2024.


May mga naglabsang isyu na umano'y hindi na magkaibigan sina Ria Atayde at Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nito kay Daniel Paodilla. May mga naghinala pa na alam umano ni Ria Atayde ang pinaggagawa ni Daniel Padilla sa likod ng aktres subalit kinukunsinti lamang niya ito.


Matatandaan na sa pahayag ni Kathryn Bernardo, inilahad niyang mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa loob ng industriya ng showbiz dahil may mga taong iba sa likod at harap ng kamera.


Inilahad pa ni Kathryn Bernardo na naging mahirap sa kanya ang taong 2023 dahil hindi umano niya alam kung sino-sino ang totoo niyang mga kaibigan sa mga oras na iyon at napakahirap umano magtiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya.


Marami naman sa mga netizens ang naniniwalang si Ria Atayde ang tinutukoy ni Kathryn Bernardo na hindi totoong kaibigan. Marami kasi ang nakapansin na hindi na ito nakakasama ng aktres mula nang magkahiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Bukod pa rito, nauna nang naisyu bilang kunsintidor na kaibigan ni Daniel Padilla si Zanjoe Marudo na alam naman ng lahat na boyfriend ni Ria Atayde.


Marami ang nakisimpatya kay Kathryn Bernardo sa pagiging emosyunal niya habang naglalabas ng kanyang mga nararamdaman sa mga taong sumuporta sa kanya sa panahong labis na nangangailangan siya ng tulong.


Samantala, ayon sa mga kumakalat na impormasyon, nagreact na umano si Ria Atayde sa mga isyung ibinabato sa kanya kung saan nilahad niyang walang katotohanan hindi na sila magkaibigan ni Kathryn Bernardo.


Abala lamang umano silang pareho sa kani-kanilang mga showbiz careers na naging dahilan kung bakit hindi sila nagkakasama si Kathryn Bernardo.



@sheilasquest Yung iyak talaga ni Mommy Min 💔 Kathryn Bernardo Solid Kapamilya 🥳 #kathrynbernado #kathtropa #kathcakes #asiasuperstar #asiasuperstarkathrynbernardo ♬ original sound - 3K's one stop shop

Vice Ganda Sinupalpal Si Juliana Parizcova, Gustong Bumalik Sa Its Showtime!

Walang komento


 Dinedma lamang ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pagreach out sa kanya kamakailan lamang ni Juliana Parizcova.


Wala umanong natanggap na tugon si Miss Q&A Season 1 winner na si Juliana Parizcova ng magpadala siya ng mensahe kamakailan lamang kay Vice Ganda.


Sa kamakailang episode ng vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad ni Juliana Parizcova ang muling pagreach out niya kay Vice Ganda.


Ayon kay Juliana Parizcova, muli siyang nagreach out kay Vice Ganda nito lamang Magpasikat 2023. Umaasa umano siyang magkaayos na rin sila dahil nagkapatawaran na ito at si Billy Crawford.


Humihingi umano siya ng paumanhin kay Vice Ganda at iba pang mga hosts ng It's Showtime kung sakaling na-offend niya ang mga ito noon. Gayunpaman, hindi man lamang umano nag-acknowledge si Vice Ganda o nagreply man lamang sa kanyang mensahe.


Gayunpaman, naiintindihan umano ito ni Juliana at iniisip na baka abala lamang noong panahong iyon si Vice Ganda kaya hindi siya nito nagawang sagutin.


Binalikan rin ni Juliana na noon naman ay narereplyan pa siya ni Vice Ganda nang mabanggit nito ang kanyang pangalan sa isang segment ng Miss Q&A season 3.


Matatandaan na nag-ugat ang tila hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Juliana Parizcova at Vice Ganda nang maging vocal si Juliana sa pagsuporta noon kay Bongbong Marcos sa pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.


Habang sina Vice Ganda naman at iba pang mga host ng It's Showtime ay full support sa isa pang kandidato na si Leni Robredo.


Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin kina Vice Ganda, inilahad niyang wala siyang pinagsisihan sa mga ginawa niya noon dahil ipinapakita lamang niya ang kanyang pagsuporta sa sinusuportahan niyang kandidato.


Wala rin naman umano siyang nagawang kasalanan sa mga taong nakasagutan niya noon dahil pareho lamang silang naglalabas ng kani-kanilang mga opinyon patungkol sa kani-kanilang paniniwala.


Aminado naman si Juliana Parizcova, na ang nangyari sa election ang dahilan kung bakit hindi na siya nakabalik sa It's Showtime. Iginiit pa niyang labis lamang na pinapalaki ng ilang mga netizens ang mga isyung politikal na idiniin sa kanya ng ilang mga netizens.



Mommy Min Nagsalita Na Laban Sa Reaction Ng Padilla Sa Naganap Na Interview Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Naglabas na nang pahayag si Mommy Min, ina ng aktres na si Kathryn Bernardo, hinggil sa naging reaksyo ng pamilya ni Daniel Padilla hinggil sa pagpirma ng kontrata ni Kathryn Bernardo sa Star Magic at ABS-CBN.


Trending sa ilang mga social media platforms ang naganap na contract signing ni Kathryn Bernardo sa Star Magic lalo na ang inilabas nitong pahayag patungkol sa naging hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Marami kasi sa pamilya at fans ni Daniel Padilla ang nagreak kung saan inilahad nilang hindi na umano kailangan pang ilahad ni Kathryn Bernardo ang mga nangyari sa nakaraan nila ni Daniel Padilla dahil tapos na ito at hindi na kailangan pang pag-usapan sa contract signing na naganap.


Ayon pa sa ilang mga netizens na maaring masira ang showbiz career ni Daniel Padilla dahil sa ginawa ni Kathryn Bernardo. May mga umalma pa kung bakit hindi man lamang umano nabigyan ng pagkakataon si Daniel Padilla na makapagbigay ng mensahe kay Kathryn Bernardo gayung ito ang pinakamatagal na nakatrabaho ng aktres.


Kaagad naman itong sinagot ng mga fans ni Kathryn Bernardo, kung saan ipinunto nilang walang puwang si Daniel Padilla sa nasabing event dahil nakapokus lamang ito kay Kathryn Bernardo.


Ayon naman umano sa naging pahayag ni Mommy Min, napakakapal naman umano ng mukha ng aktor na humangad pa ng attention matapos ang panlolokong ginawa nito.


Kaagad naman itong sinigundahan ng mga netizens at sinasabing tama lamang ang ginawa ng aktres at ina nito na pambabaliwala kay Daniel Padilla dahil sa ginawang panloloko nito noon sa aktres habang magkarelasyon pa.


Marami rin ang naantig sa tahimik na pag-iyak ni Mommy Min habang nagbibigay ng speech si Kathryn Bernardo kung saan inilahad nito ang mga nangyari noong nakaraang taon.


Kitang-kita rin umano kay Mommy Min na ito ang labis na nasaktan sa lahat ng mga pinagdaanan ni Kathryn Bernardo noong nagdaang taon. Mararamdaman umano ang pagmamahal ni Mommy Min sa kanyang anak sa kanyang pag-iyak ng makitang nahihirapan si Kathryn na ibahagi ang mga pinagdaanan nito noong nakaraang taon.



@sheilasquest Yung iyak talaga ni Mommy Min 💔 Kathryn Bernardo Solid Kapamilya 🥳 #kathrynbernado #kathtropa #kathcakes #asiasuperstar #asiasuperstarkathrynbernardo ♬ original sound - 3K's one stop shop

Bea Alonzo Pinapipirma Si Dominic Roque Ng Prenup Agreement, Dom Di Pumayag Kaya Naghiwalay?

Walang komento




 Naglabasan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga haka-haka patungkol sa mainit na isyung naghiwalay na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Unang lumabas ang isyung naghiwalay na ang dalawa ng ilang ulit na mapansin ng mga netizens na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring. Lalo pang umingay ang isyu nang itanggi ni Bea Alonzo ang mga impormasyon patungkol sa kanilang kasal na naunang isiniwalat ni Dominic Roque.


May mga nagsasabing may pinag-awayan umano ang dalawa na naging dahilan ng paghihiwalay nila, subalit patuloy naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque ang dalawa.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila nag-aalinlangan pa umano si Bea Alonzo na magpakasal dahil sa kanyang showbiz career. May mga nagsasabi pang hindi umano boto ang ina ng aktres kay Dominic Roque.


Samantala, may panibagong ulat naman ngayon lumabas na ikinaloka ng mga netizens. Ayon sa mga kumakalat na usapin, pinapipirma umano ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement si Dominic Roque bago ang kasalan.


Subalit, hindi umano pumirma rito si Dominic Roque kaya nakipaghiwalay rito si Bea Alonzo.


Matatandaan na isiniwalat ni Ogie Diaz sa kanang kamakailang vlog ang nakarating sa kanya mula kanyang mga sources na umano'y naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Iyong update umano ng dalawa sa Japan ay ang huling bakasyon na ng dalawa dahil sa paghihiwalay ng mga ito. Sa ngayon ay inaabala na lamang ni Bea Alonzo ang kanyang sarili sa kanyang mga showbiz engagements habang si Dominic Roque naman ay nagmumuni-muni sa may dalampasigan.


Kung pagbabasehan naman ang huling post ni Dominic Roque sa kanyang Instagram account makikitang naka off na ang comment section nito na tila ba iniiwasan nito na matanong ng mga netizens patungkol sa nangyayari ngayon sa pagitan nila ni Bea Alonzo.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalulungkot dahil buong akala nila ay sa kasalan na mauuwi ang relasyon ng dalawa dahil nakapag-propose na si Dominic Roque at umuo na rito si Bea Alonzo.


Subalit tila may hindi napagkasunduan ang dalawa kaya naman sa hiwalayan rin nauwi ang lahat.


Marami naman ngayon sa mga netizens ang nadidismaya kay Bea Alonzo dahil tila ginamit lamang umano nito si Dominic Roque para isipin ng tao na nakapag-move on na siya sa ginawang pango-ghost ni Gerald Anderson.



Kathryn Bernardo May Kundisyon Sa Pagpirma Sa Abs-Cbn!

Walang komento


 Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang naganap na muling pagpirma ni Kathryn Bernardo ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN nitong nagdaang byernes February 2, 2024.


Marami ang nakapansin na tila masyado namang naging ma-drama ang pagpirma muli ng kontrata ni Kathryn Bernardo sa talent agency ng ABS-CBN na marami na ang nagsasabing tila naging scripted na ang lahat.


Kabilang sa mga pinagbabasehan ng mga netizens ay ang madramang pagbibigay pa umano ng mensahe nina Alden Richards, Jericho Rosales, at Piolo Pascual bilang pagbati sa muling pagpirma ni Kathryn.


Tila ipinapalabas umano nito na kayang-kaya ni Kathryn Bernardo na magkaroon ng leading man bukod kay Daniel Padilla. Ipinapalabas pa umano nitong tila pinag-aagawan ngayon ng mga sikat na leading man ang aktres.


Marami naman ang nagsasabing nagtagumpay ang drama na iyon dahil trending sa loob ng ilang araw ang contract signing ni Kahtyrn Bernardo. 


Bukod pa rito, sinasabi rin ng ilang mga netizens na may kaugnayan ito sa naunang mga larawan nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales na magkasamang nag-jogging at nag-bar.


Hindi naman umano ito coincidence lamang lalo na't may pa-message na umano itong si Jericho Rosales para kay Kathryn Bernardo.


Maiintindihan pa umano ang pagbibigay ng mensahe ni Alden Richards para kay Kathryn Bernardo dahil sa matagumpay nilang pelikulang Hello, Love, Goodbye habang si Piolo Pascual naman ay matagal nang gustong makasama ni Kathryn sa iisang proyekto.


Sa kabilang banda, napag-alaman ng ilang mga sources na may mga kondisyon si Kathryn Bernardo para sa muling pagpirma nito ng kontrata sa Star Magic kabilang na ang hindi pagsabak kay Kathryn sa isang loveteam o ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa iisang proyekto.


Bukod pa rito, nakasaad rin sa mga kondisyon ang paggawa ni Kathryn Benardo ng mga mature roles at ang makasama niya sa iisang proyekto ang mga artist na nasa kanyang wish list.


May mga nagsasabi ring nag-counter ang ABS-CBN at hinigitan pa ang mga offer na natanggap ni Kathryn Bernardo sa iba pang networks at talent managements.


Pabor umano ito para sa aktres dahil bukod sa paglaki ng kanyang talent fee, may kalayaan na rin siyang pumili ng mga taong makakasama niya sa kanyang proyekto hindi katulad noon na tila nakatali siya sa iisang leading man na walang iba kundi si Daniel Padilla.




Kathryn Bernado, Lumabas Na Ang Totoong Pag-Uugali Ng Lumaya Sa Kamay Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Kathryn Bernardo muling sinayaw ang kanyang trending na water dance sa naganap na after party sa kanyang muling pagperma ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN.


Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagsayaw muli ni Kathryn Bernardo sa water dance na nauna na niyang sinayaw noong December 2023 sa Christmas special ng ABS-CBN at ASAP.


Matapos ang matagumpay at emosyunal na contract signing ng aktres na si Kathryn Bernardo sa Star Magic at ABS-CBN nitong nagdaang byernes February 2, 2024 ay nagkaroon ng celebration para sa kanya kasama ang mga bigating boss ng ABS-CBN network at iilan sa mga matatalik niyang kaibigan sa showbiz kasama na sina Alora Sasam.


Sa gitna ng celebration habang nagkakasiyahan ang lahat pinagbigyan ni Kathryn Bernardo ang mga kasama sa pagsayaw ng trending na Water Dance. Muling nakatanggap ng papuri ang aktres mula sa mga fans at netizens dahil kapansin-pansin umano ang kakaibang angas nito habang piniperform ang nasabing sayaw.


Marami naman ang nakapansin na ipinapakita na umano ni Kathryn Bernardo ang kanyang totoong kulay ngayong naghiwalay na sila ni Daniel Padilla. May mga nagsasabi na talagang si Daniel Padilla ang siyang pumipigil noon sa aktres sa mga bagay na nais nitong gawin sa harap ng maraming tao.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagpapaka-conservative noon si Daniel Padilla kung saan hindi pumapayag ang aktor na magsuot ng daring na kasuotan ang aktres sa publiko.


Makikita na rin umano ngayon na tila mas nag-eenjoy na si Kathryn Bernardo sa pagiging single na wala nang pumipigil sa kanya sa ano man ang gusto niyang suotin, gawin at kung sino-sino ang gusto niyan makasama.


Matatandaan na naging emosyunal si Kathryn Bernardo sa muling pagpirma niya ng kontra sa Star Magic at ABS-CBN matapos ang mga usap-usapang lilipat siya ng management agency.


Gayunpaman, inilahad ni Kathryn Bernardo na bagama't nakatanggap siya ng offer mula sa ibang mga agency at network ay nananatili siya sa Star Magic at sa ABS-CBN dahil itinuturi na niya itong pangalawang tahanan at Kapamilya na rin ang tingin niya sa kanyang mga naging kaibigan rito.


Inamin rin ni Kathryn Bernardo na talagang hindi naging madali para sa kanya ang nangyari noong nakaraang taon subalit naging daan umano ito upang matagpuan at makilala niya kung sino-sino ang mga totoong kaibigan niya sa likod at harap ng kamera.



@cuttiedy_29 nuxx, water queen!..🤩💦 IG📷-@jumboalbano #KathrynBernardo #cuttiedy29 ♬ Water - Tyla

Ina ni Bea Alonzo Hindi Boto Kay Dominic Roque Dahil Mahirap Lang

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng engage couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos magtrending ang naging pahayag ng aktres kung saan sinabi niyang wala pa silang napag-uusapan ni Dominic Roque na plano sa kanilang kasal.


Itinanggi rin niyang may detalye na patungkol sa guestlist na una nang inilahad ni Dominic Roque sa kanyang panayam, kung saan inilahad nitong hindi kasama sa maiimbitahan ang aktor na si Daniel Padilla dahil matagal na silang hindi nagkakausap.


Marami na rin ang nakapansin na hindi na umano sinusuot ni Bea Alonzo ang ibinigay na diamond engagement ring ni Dominic Roque, dahil dito marami ang naghinalang may hindi magandang nangyari sa relasyon ng dalawa.


Lumalabas na rin sa ngayon ang mga hakahakang tila nag-aalinlangan umano si Bea Alonzo na magpakasal kay Dominic Roque dahil hindi pa umano handa ang aktres na mawalan ng mga endorsement at natatakot rin umano ang aktres na baka maging katapusan na ng kanyang showbiz career ang pagpapakasal niya kay Dominic Roque.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nakorner ang aktres na si Bea Alonzo kung saan nausisa rito ang mga detalye ng pagpapakasal nila ni Dominic Roque. Bilang kumpirmasyon sa mga nauna nang inilahad ni Dominic Roque sa panayam kung saan ibinahagi nito ang ilang mga detalye ng kasal nila ni Bea Alonzo.


Subalit, ang lahat ng ito ay pinabulaanan ni Bea Alonzo kung saan inilahad niyang wala pa talaga silang napag-uusapan ni Dominic Roque patungkol sa kanilang kasal.


Maging listahan ng mga ninong at ninang ay wala pa umano siyang maibabahaging detalye, maging ang sinasabing guest list at entourage ni Dominic Roque ay itinanggi rin ni Bea Alonzo.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang naniniwalang may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa o kaya naman ay tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.


Lalo pang lumakas ang hinalang ito ng mga netizens nang magbahagi si Dominic Roque ng isang malungkot na larawan habang nakatanaw ito sa dagat, bukod pa rito, naka-off na rin ang comment section ng Instagram post ni Dominic Roque na tila ba ay may iniiwasan itong sagutin na mga komento.


Sa kabilang banda, sinabi rin ng isang source ni Ogie Diaz na hindi umano gusto ng ina ni Bea Alonzo si Dominic Roque dahil sa hindi umano ito ka-level ng anak niya sa larangan ng yaman at matagumpay na showbiz career.


Ayon umano sa ina ni Bea Alonzo, na mas angat umano kay Dominic Roque ang kanyang anak.


May mga naglabasan pang mga usap-usapan na umano'y ginamit lamang ni Bea Alonzo si Dominic Roque upang makapag-move on ito sa ginawang panggo-ghost sa kanya ni Gerald Anderson noon.



@egoi_showbizinsights Ang tanong ng mga Netizens kina Bea Alonzo and Dominic Roque PAANO NA ANG KASAL??? _Ayon sa source ni Nay Ogie Diaz sinusuyo parin daw ni Dominic Roque si Bea para magkabati at magkabalikan sila.hmmmmm wag nalang ipilit hanngat maaga pa!!! parang okay lang Naman ni Bea Alonzo oh🤔 #BeaAlonzo #dominicroque #celebritybreakups #breakup #showbizinsights #foryoupage❤️❤️ ♬ original sound - ShowbizInsights

Buong Katotohanan Sa Naudlot Na Kasal Nina Bea Alonzo at Dominic Roque!

Walang komento


 Kumalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang usaping wala nang Dominic Roque-Bea Alonzo wedding na magaganap ngayong taong 2024.


Nag-ugat ang mga isyung ito nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na isinusuot ng aktres ang kanyang engagement ring. Marami ang naghinalang 


Sa gitna ng mga usaping ito nagbigay na umano ng pahayag ang isang tao na malapit kina Bea Alonzo at Dominic Roque kung saan inilahad nitong bagama't walang kasalan na magaganap ngayong taon ay hindi naman nangangahulugang naghiwalay na ang dalawa.


Maging sa YouTube channel ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay napag-usapan rin ang isyung ito. Ayon kay Ogie Diaz, may isang source na nagsasabing totoong naghiwalay na ang dalawa.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maaasahan ang mga sources ni Ogie Diaz kaya naman, marami sa mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang nalulungkot sa balitang ito.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz sa impormasyon na nakuha niya sa kanyang source, nagkaroon umano ng matinding tampuhan sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang Japan trip.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nila ito naayos kaya naman wala na silang panibagong larawan na magkasama, bukod pa rito, hindi rin umano nagpunta si Bea Alonzo sa kamakailang birthday party ng ina ni Dominic Roque.


Tila naging cold na rin si Bea Alonzo sa mga sagot niya sa naging panayam sa kanya nitong February 1, kung saan tila wala itong gana sa pagsagot sa katanungan ng ilang mga press people patungkol sa magiging kasal nila ni Dominic Roque na inaasahan ng marami na magaganap ngayong taon.


Makikita rin umano na tila hindi naman excited si Bea Alonzo na hindi pa niya masasabi kung sino-sino ang kanyang iimbitahan sa kasal nila ni Dominic.


Inilahad din ni Bea Alonzo na maging sa darating na Valentine's day ay wala pa rin silang napag-uusapan ni Dominic Roque, sa katunayan inilahad pa niyang may nakaschedule siyang taping sa araw na iyon.


Sa kabilang banda, iginiit naman ni Bea Alonzo na nararapat lamang na ang pagpaplano para sa isang kasalan ay two way relationship, hindi lamang umano ang lalaki ang nag-eeffort.


Inilahad din ni Bea Alonzo, na sa relasyon nila ni Dominic ay wala namang mas nag-eeffort at hindi nag-eeffort.


Marami naman ang nakapansin na hindi magkatugma at magkasalungat ang naging pahayag nina Dominic Roque. Matatandaan na noong nakapanayam si Dominic Roque noong nakaraang buwan ng January, inilahad niyang nakaupo na sila ni Bea Alonzo upang mapag-usapan ang detalye ng kanilang kasal.


Inilahad pa noon ni Dominic Roque na labis siyang abala ngayon dahil sa paghahanda niya sa nalalapit na kasal nila ni Bea Alonzo. Nabanggit pa noon ni Dominic Roque na hindi imbitado sa kanilang kasal si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo lamang na kasama pa sa kanilang entourage nila.


@egoi_showbizinsights TILA nabago ang ihip ng hangin sa mga sagot ni Miss Bea Alonzo kagabi sa Isang press interview. sinabi nitong wala pa daw silang guests at Ninang at Ninong sa Kasal nila ni Dom.pati wedding venue? taliwas sa mga sagot ni Dominic last two weeks ago na super hand's on daw si Bea sa kanilang kasal.sinabi panga ni Dom na si KATHRYN BERNARDO lang Ang invited at hindi kasali si DJ.ano ba Bea Anong NANGYARI tell us!!! #Beaalonzo #dominicroque #celebritycouple #ontherocks #showbizinsights #weddingplan #celebritywedding ♬ original sound - ShowbizInsights
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo