KathNiel May Kinalaman Sa Hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang nakapansin na tila missing ngayon sa daliri ng aktres na si Bea Alonzo ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dominic Roque.


Agad naman itong pinag-ugatan ng mga speculations na naghiwalay na ang dalawa o kaya naman ay nagkatampuhan ang mga ito.


Nadagdagan pa ang hinalang ito nang makailang ulit na itinanggi ni Bea Alonzo ang binitiwang pahayag ni Dominic Roque patungkol sa nalalapit nilang kasal.


May mga nakapansin pa na bukod sa pag-iwas ng aktres na mapag-usapan ang kasal nila ni Dominic Roque ay tila naiirita pa ito sa pagtatanong ng mga press.


May mga naghinala na hindi naman sa press nairita si Bea Alonzo kundi kay Dominic Roque dahil pinangunahan siya ng lalaki na magsiwalat ng detalye sa kanilang kasal.


Nagbigay pa ng pahayag si Bea Alonzo na nararapat lamang umano na hindi lamang isa ang magplano para sa kasal dahil dapat ay may equality rin ang soon-to-be bride at groom rito.


Samantala, naitanong rin naman ng ilang mga press people sa talent manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang isyu kung totoong hindi na ba isinusuot ni Bea ang kanyang engagement ring.


Ayon naman kay Shirley Kuan, na hindi rin umano niya napapansin kung suot ba ni Bea ang sing-sing o hindi dahil hindi naman umano niya tinitingnan ang daliri ng aktres sa tuwing magkasama silang dalawa.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens naman ang nag-uugnay sa nangyaring hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nangyayari ngayon kina Bea Alonzo at Dominic Roque.


May ilang mga netizens ang naniniwalang hindi naman umano totoong hiwalay ang dalawa at sinadya lamang umano ni Bea Alonzo na hindi suotin ang kanyang engagement ring dahil alam niyang pagmumulan ito ng kontrobersiya.


Tila ninanais umano ng aktres na mapag-usapan rin sila kagaya sa nangyayari kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin dahil sa kanilang hiwalayan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo