Ang Mga Nawala Kay Heart Evangelista Dahil Sa Kanyang Ex-Glam Team Na Sina Justin at Jecka

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Isiniwalat ng kilalang talent manger at showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang vlog ang totoong ginawa ng dating glam team ni Heart Evangelista na naging dahilan kung bakit ito tinanggal ng aktres.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate M Reyna, inisiniwalat ni Ogie Diaz na may mga nawalang mga project endorsement si Heart Evangelista.


Ayon sa pagbabahagi ni Ogie Diaz, marami umano sa kliyente at mga product endorsers ni Heart Evangelista ang umatras dahil sa mataas na singil ng glam team ni Heart Evangelista na sina Jeck Aguilar at Justine Soriano.


Matatandaan na naging mainit na usapin noong nagdaang taon ang pagpapaalis ni Heart Evangelista sa kanyang dating glam team na matagal na ring nagtatrabaho sa kanya at nakasama na niya sa ilang mga travel.


Ayon kay Ogie Diaz, base sa inilabas na pahayag ni Heart Evangelista noon kung anong mga nagawa niyang kabutihan para sa dating kasamahan. Dito, inamin rin ni Heart na sa tuwing may kukuha umano sa kanyang mga endorsement at ang ini-rerekomenda niyang glam team ay sina Jeck at Justine ay palagi niyang hindi nakukuha ito.


Ayon sa mga nakausap niyang kliyente, na napakamahal umano ng singil ng kanyang glam team kaya hindi na lamang nila kinukuha ang aktres.


Ibinahagi naman ni Ogie Diaz na umaabot umano sa kalahating milyon ang singil para sa make up ni Heart at kalahating milyon rin pagdating sa hairstyle ni Heart Evangelista.


Nag-uusap umano ang glam team ni Heart na taasan nila ang singil sa kanilang serbisyo dahil hindi naman umano makakapalag ang mga ito dahil si Heart Evangelista naman ang kanilang pagsisilbihan.


Gayunpaman, hindi ito kinakaya ng mga endorsement ni Heart kaya naghahanap umano ito ng ibang glam team na ayos sa aktres subalit, bilang pagmamahal ni Heart Evangelista sa kanyang glam team ay hindi pumapayag ang aktres kaya sa huli ay hindi na nakukuha ni Heart Evangelista ang proyekto.


Hindi naman umano ito bago kay Ogie Diaz dahil noong alaga pa niya si Liza Soberano noon ay may mga glam team talaga na sadyang tinataasan ng singil para lumaki ang kita.


Subalit, kinakausap umano niya ang mga ito na babaan na lamang ang singil dahil baka mawala pa ang project.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo