Kathryn Bernardo May Kundisyon Sa Pagpirma Sa Abs-Cbn!

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang naganap na muling pagpirma ni Kathryn Bernardo ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN nitong nagdaang byernes February 2, 2024.


Marami ang nakapansin na tila masyado namang naging ma-drama ang pagpirma muli ng kontrata ni Kathryn Bernardo sa talent agency ng ABS-CBN na marami na ang nagsasabing tila naging scripted na ang lahat.


Kabilang sa mga pinagbabasehan ng mga netizens ay ang madramang pagbibigay pa umano ng mensahe nina Alden Richards, Jericho Rosales, at Piolo Pascual bilang pagbati sa muling pagpirma ni Kathryn.


Tila ipinapalabas umano nito na kayang-kaya ni Kathryn Bernardo na magkaroon ng leading man bukod kay Daniel Padilla. Ipinapalabas pa umano nitong tila pinag-aagawan ngayon ng mga sikat na leading man ang aktres.


Marami naman ang nagsasabing nagtagumpay ang drama na iyon dahil trending sa loob ng ilang araw ang contract signing ni Kahtyrn Bernardo. 


Bukod pa rito, sinasabi rin ng ilang mga netizens na may kaugnayan ito sa naunang mga larawan nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales na magkasamang nag-jogging at nag-bar.


Hindi naman umano ito coincidence lamang lalo na't may pa-message na umano itong si Jericho Rosales para kay Kathryn Bernardo.


Maiintindihan pa umano ang pagbibigay ng mensahe ni Alden Richards para kay Kathryn Bernardo dahil sa matagumpay nilang pelikulang Hello, Love, Goodbye habang si Piolo Pascual naman ay matagal nang gustong makasama ni Kathryn sa iisang proyekto.


Sa kabilang banda, napag-alaman ng ilang mga sources na may mga kondisyon si Kathryn Bernardo para sa muling pagpirma nito ng kontrata sa Star Magic kabilang na ang hindi pagsabak kay Kathryn sa isang loveteam o ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa iisang proyekto.


Bukod pa rito, nakasaad rin sa mga kondisyon ang paggawa ni Kathryn Benardo ng mga mature roles at ang makasama niya sa iisang proyekto ang mga artist na nasa kanyang wish list.


May mga nagsasabi ring nag-counter ang ABS-CBN at hinigitan pa ang mga offer na natanggap ni Kathryn Bernardo sa iba pang networks at talent managements.


Pabor umano ito para sa aktres dahil bukod sa paglaki ng kanyang talent fee, may kalayaan na rin siyang pumili ng mga taong makakasama niya sa kanyang proyekto hindi katulad noon na tila nakatali siya sa iisang leading man na walang iba kundi si Daniel Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo