Bea Alonzo Pinapipirma Si Dominic Roque Ng Prenup Agreement, Dom Di Pumayag Kaya Naghiwalay?

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely




 Naglabasan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga haka-haka patungkol sa mainit na isyung naghiwalay na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Unang lumabas ang isyung naghiwalay na ang dalawa ng ilang ulit na mapansin ng mga netizens na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring. Lalo pang umingay ang isyu nang itanggi ni Bea Alonzo ang mga impormasyon patungkol sa kanilang kasal na naunang isiniwalat ni Dominic Roque.


May mga nagsasabing may pinag-awayan umano ang dalawa na naging dahilan ng paghihiwalay nila, subalit patuloy naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque ang dalawa.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila nag-aalinlangan pa umano si Bea Alonzo na magpakasal dahil sa kanyang showbiz career. May mga nagsasabi pang hindi umano boto ang ina ng aktres kay Dominic Roque.


Samantala, may panibagong ulat naman ngayon lumabas na ikinaloka ng mga netizens. Ayon sa mga kumakalat na usapin, pinapipirma umano ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement si Dominic Roque bago ang kasalan.


Subalit, hindi umano pumirma rito si Dominic Roque kaya nakipaghiwalay rito si Bea Alonzo.


Matatandaan na isiniwalat ni Ogie Diaz sa kanang kamakailang vlog ang nakarating sa kanya mula kanyang mga sources na umano'y naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Iyong update umano ng dalawa sa Japan ay ang huling bakasyon na ng dalawa dahil sa paghihiwalay ng mga ito. Sa ngayon ay inaabala na lamang ni Bea Alonzo ang kanyang sarili sa kanyang mga showbiz engagements habang si Dominic Roque naman ay nagmumuni-muni sa may dalampasigan.


Kung pagbabasehan naman ang huling post ni Dominic Roque sa kanyang Instagram account makikitang naka off na ang comment section nito na tila ba iniiwasan nito na matanong ng mga netizens patungkol sa nangyayari ngayon sa pagitan nila ni Bea Alonzo.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalulungkot dahil buong akala nila ay sa kasalan na mauuwi ang relasyon ng dalawa dahil nakapag-propose na si Dominic Roque at umuo na rito si Bea Alonzo.


Subalit tila may hindi napagkasunduan ang dalawa kaya naman sa hiwalayan rin nauwi ang lahat.


Marami naman ngayon sa mga netizens ang nadidismaya kay Bea Alonzo dahil tila ginamit lamang umano nito si Dominic Roque para isipin ng tao na nakapag-move on na siya sa ginawang pango-ghost ni Gerald Anderson.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo