Ina ni Bea Alonzo Hindi Boto Kay Dominic Roque Dahil Mahirap Lang

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng engage couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos magtrending ang naging pahayag ng aktres kung saan sinabi niyang wala pa silang napag-uusapan ni Dominic Roque na plano sa kanilang kasal.


Itinanggi rin niyang may detalye na patungkol sa guestlist na una nang inilahad ni Dominic Roque sa kanyang panayam, kung saan inilahad nitong hindi kasama sa maiimbitahan ang aktor na si Daniel Padilla dahil matagal na silang hindi nagkakausap.


Marami na rin ang nakapansin na hindi na umano sinusuot ni Bea Alonzo ang ibinigay na diamond engagement ring ni Dominic Roque, dahil dito marami ang naghinalang may hindi magandang nangyari sa relasyon ng dalawa.


Lumalabas na rin sa ngayon ang mga hakahakang tila nag-aalinlangan umano si Bea Alonzo na magpakasal kay Dominic Roque dahil hindi pa umano handa ang aktres na mawalan ng mga endorsement at natatakot rin umano ang aktres na baka maging katapusan na ng kanyang showbiz career ang pagpapakasal niya kay Dominic Roque.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nakorner ang aktres na si Bea Alonzo kung saan nausisa rito ang mga detalye ng pagpapakasal nila ni Dominic Roque. Bilang kumpirmasyon sa mga nauna nang inilahad ni Dominic Roque sa panayam kung saan ibinahagi nito ang ilang mga detalye ng kasal nila ni Bea Alonzo.


Subalit, ang lahat ng ito ay pinabulaanan ni Bea Alonzo kung saan inilahad niyang wala pa talaga silang napag-uusapan ni Dominic Roque patungkol sa kanilang kasal.


Maging listahan ng mga ninong at ninang ay wala pa umano siyang maibabahaging detalye, maging ang sinasabing guest list at entourage ni Dominic Roque ay itinanggi rin ni Bea Alonzo.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang naniniwalang may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa o kaya naman ay tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.


Lalo pang lumakas ang hinalang ito ng mga netizens nang magbahagi si Dominic Roque ng isang malungkot na larawan habang nakatanaw ito sa dagat, bukod pa rito, naka-off na rin ang comment section ng Instagram post ni Dominic Roque na tila ba ay may iniiwasan itong sagutin na mga komento.


Sa kabilang banda, sinabi rin ng isang source ni Ogie Diaz na hindi umano gusto ng ina ni Bea Alonzo si Dominic Roque dahil sa hindi umano ito ka-level ng anak niya sa larangan ng yaman at matagumpay na showbiz career.


Ayon umano sa ina ni Bea Alonzo, na mas angat umano kay Dominic Roque ang kanyang anak.


May mga naglabasan pang mga usap-usapan na umano'y ginamit lamang ni Bea Alonzo si Dominic Roque upang makapag-move on ito sa ginawang panggo-ghost sa kanya ni Gerald Anderson noon.



@egoi_showbizinsights Ang tanong ng mga Netizens kina Bea Alonzo and Dominic Roque PAANO NA ANG KASAL??? _Ayon sa source ni Nay Ogie Diaz sinusuyo parin daw ni Dominic Roque si Bea para magkabati at magkabalikan sila.hmmmmm wag nalang ipilit hanngat maaga pa!!! parang okay lang Naman ni Bea Alonzo oh🤔 #BeaAlonzo #dominicroque #celebritybreakups #breakup #showbizinsights #foryoupage❤️❤️ ♬ original sound - ShowbizInsights

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo