Ria Atayde Sinagot Ang Isyung Pinapatamaan Siya Ni Kathryn Bernardo

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Ria Atayde patungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya matapos ang naging pahayag ni Kathryn Bernardo patungkol sa mga totoong kaibigan sa naganap na contract renewal niya sa Star Magic at ABS-CBN noong February 2, 2024.


May mga naglabsang isyu na umano'y hindi na magkaibigan sina Ria Atayde at Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nito kay Daniel Paodilla. May mga naghinala pa na alam umano ni Ria Atayde ang pinaggagawa ni Daniel Padilla sa likod ng aktres subalit kinukunsinti lamang niya ito.


Matatandaan na sa pahayag ni Kathryn Bernardo, inilahad niyang mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa loob ng industriya ng showbiz dahil may mga taong iba sa likod at harap ng kamera.


Inilahad pa ni Kathryn Bernardo na naging mahirap sa kanya ang taong 2023 dahil hindi umano niya alam kung sino-sino ang totoo niyang mga kaibigan sa mga oras na iyon at napakahirap umano magtiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya.


Marami naman sa mga netizens ang naniniwalang si Ria Atayde ang tinutukoy ni Kathryn Bernardo na hindi totoong kaibigan. Marami kasi ang nakapansin na hindi na ito nakakasama ng aktres mula nang magkahiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Bukod pa rito, nauna nang naisyu bilang kunsintidor na kaibigan ni Daniel Padilla si Zanjoe Marudo na alam naman ng lahat na boyfriend ni Ria Atayde.


Marami ang nakisimpatya kay Kathryn Bernardo sa pagiging emosyunal niya habang naglalabas ng kanyang mga nararamdaman sa mga taong sumuporta sa kanya sa panahong labis na nangangailangan siya ng tulong.


Samantala, ayon sa mga kumakalat na impormasyon, nagreact na umano si Ria Atayde sa mga isyung ibinabato sa kanya kung saan nilahad niyang walang katotohanan hindi na sila magkaibigan ni Kathryn Bernardo.


Abala lamang umano silang pareho sa kani-kanilang mga showbiz careers na naging dahilan kung bakit hindi sila nagkakasama si Kathryn Bernardo.



@sheilasquest Yung iyak talaga ni Mommy Min 💔 Kathryn Bernardo Solid Kapamilya 🥳 #kathrynbernado #kathtropa #kathcakes #asiasuperstar #asiasuperstarkathrynbernardo ♬ original sound - 3K's one stop shop

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo