Buong Katotohanan Sa Naudlot Na Kasal Nina Bea Alonzo at Dominic Roque!

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Kumalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang usaping wala nang Dominic Roque-Bea Alonzo wedding na magaganap ngayong taong 2024.


Nag-ugat ang mga isyung ito nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na isinusuot ng aktres ang kanyang engagement ring. Marami ang naghinalang 


Sa gitna ng mga usaping ito nagbigay na umano ng pahayag ang isang tao na malapit kina Bea Alonzo at Dominic Roque kung saan inilahad nitong bagama't walang kasalan na magaganap ngayong taon ay hindi naman nangangahulugang naghiwalay na ang dalawa.


Maging sa YouTube channel ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay napag-usapan rin ang isyung ito. Ayon kay Ogie Diaz, may isang source na nagsasabing totoong naghiwalay na ang dalawa.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maaasahan ang mga sources ni Ogie Diaz kaya naman, marami sa mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang nalulungkot sa balitang ito.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz sa impormasyon na nakuha niya sa kanyang source, nagkaroon umano ng matinding tampuhan sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang Japan trip.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nila ito naayos kaya naman wala na silang panibagong larawan na magkasama, bukod pa rito, hindi rin umano nagpunta si Bea Alonzo sa kamakailang birthday party ng ina ni Dominic Roque.


Tila naging cold na rin si Bea Alonzo sa mga sagot niya sa naging panayam sa kanya nitong February 1, kung saan tila wala itong gana sa pagsagot sa katanungan ng ilang mga press people patungkol sa magiging kasal nila ni Dominic Roque na inaasahan ng marami na magaganap ngayong taon.


Makikita rin umano na tila hindi naman excited si Bea Alonzo na hindi pa niya masasabi kung sino-sino ang kanyang iimbitahan sa kasal nila ni Dominic.


Inilahad din ni Bea Alonzo na maging sa darating na Valentine's day ay wala pa rin silang napag-uusapan ni Dominic Roque, sa katunayan inilahad pa niyang may nakaschedule siyang taping sa araw na iyon.


Sa kabilang banda, iginiit naman ni Bea Alonzo na nararapat lamang na ang pagpaplano para sa isang kasalan ay two way relationship, hindi lamang umano ang lalaki ang nag-eeffort.


Inilahad din ni Bea Alonzo, na sa relasyon nila ni Dominic ay wala namang mas nag-eeffort at hindi nag-eeffort.


Marami naman ang nakapansin na hindi magkatugma at magkasalungat ang naging pahayag nina Dominic Roque. Matatandaan na noong nakapanayam si Dominic Roque noong nakaraang buwan ng January, inilahad niyang nakaupo na sila ni Bea Alonzo upang mapag-usapan ang detalye ng kanilang kasal.


Inilahad pa noon ni Dominic Roque na labis siyang abala ngayon dahil sa paghahanda niya sa nalalapit na kasal nila ni Bea Alonzo. Nabanggit pa noon ni Dominic Roque na hindi imbitado sa kanilang kasal si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo lamang na kasama pa sa kanilang entourage nila.


@egoi_showbizinsights TILA nabago ang ihip ng hangin sa mga sagot ni Miss Bea Alonzo kagabi sa Isang press interview. sinabi nitong wala pa daw silang guests at Ninang at Ninong sa Kasal nila ni Dom.pati wedding venue? taliwas sa mga sagot ni Dominic last two weeks ago na super hand's on daw si Bea sa kanilang kasal.sinabi panga ni Dom na si KATHRYN BERNARDO lang Ang invited at hindi kasali si DJ.ano ba Bea Anong NANGYARI tell us!!! #Beaalonzo #dominicroque #celebritycouple #ontherocks #showbizinsights #weddingplan #celebritywedding ♬ original sound - ShowbizInsights

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo