Pinatanggal Ni Kathryn Bernardo Sa Kontrata Ang Trabaho Na Maaaring Makasama Si Daniel Padilla

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites ang isyu na may mga additional conditions si Kathryn Bernardo sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN kabilang na ang kondisyon na ikansela ang mga project na pagsasamahan nila ni Daniel Padilla.


Tila wala na talaga sa plano ng Kapamilya actress na si Kathyrn Bernardo na muling makasama sa iisang proyekto ang dating nobyo at ka-loveteam na si Daniel Padilla dahil sinigurado na umano ito ng aktres bago pa man ang pagpirma muli ng kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN.


Matatandaan na naging matunog na usapin sa ilang mga social media platforms ang paglipat ni Kathryn Bernardo sa ibang networks at sa ibang mga talent agencies matapos ang pag-amin nila ni Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang November 30, 2023.


Marami ang naghinalang lilipat sa pagmamay-aring talent agency ni Maja Salvador si Kathryn Bernardo dahil sa madalas nilang pagsasama subalit naging malinaw ang lahat nang pumirma muli ng kontrata sa Star Magic ang aktres.


Ayon naman sa mga isyung kumakalat ngayon na umano'y tinumbasan ng ABS-CBN ang mga natatanggap na offer ni Kathryn Bernardo mula sa katapat nilang mga kompanya.


May mga kondisyon rin umano ang aktres na inilalagay sa kanilang kontrata kabilang na ang pagkakaroon ng karapatan na pumili sa mga gagawing proyekto at kung sino-sino ang kanyang makakasama rito.


Kabilang rin sa kondisyon ni Kathryn ang pagkansela sa mga pagsasamahan nilang proyekto ni Daniel Padilla. Bukod pa rito, makakatanggap din umano ng mas malaking talent fee ngayon ang aktres.


Marami naman sa mga netizens ang sang-ayon sa mga kondisyon ni Kathryn Bernardo dahil karapatan rin umano ng mga artista na pumili kung sino-sino ang gustong makasama sa mga proyekto.


Ayon pa sa ilang mga netizens na talagang pagbibigyan ng ABS-CBN at Star Magic ang anumang hilingin ng aktres dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kalaki ang ipinapasok na kita ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN dahil sa matagumpay niyang pelikula at mga teleserye.


Kadalasan kasi sa mga pinagbibidahang pelikula at teleerye ni Kathryn Bernardo ay nakakakuha ng malaking kita at ratings mula sa mga manonood.


Nitong February 2, 2023 muling pumirma ng kontrata ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang home network matapos ang mga espekulasyon na lilipat siya sa ibang kompanya. Naging emosyunal pa ang aktres nang balikan niya ang mga mahirap na nangyari sa kanya noong nagdaang taon.


Emosyunal rin niyang pinasalamatan ang lahat ng mga tumulong sa kanya na malampasan ang mga pinagdaanang pagsubok na nagbigay daan rin upang makilala niya ang mga totoong kaibigan na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo