Kathryn Bernado, Lumabas Na Ang Totoong Pag-Uugali Ng Lumaya Sa Kamay Ni Daniel Padilla

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Kathryn Bernardo muling sinayaw ang kanyang trending na water dance sa naganap na after party sa kanyang muling pagperma ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN.


Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagsayaw muli ni Kathryn Bernardo sa water dance na nauna na niyang sinayaw noong December 2023 sa Christmas special ng ABS-CBN at ASAP.


Matapos ang matagumpay at emosyunal na contract signing ng aktres na si Kathryn Bernardo sa Star Magic at ABS-CBN nitong nagdaang byernes February 2, 2024 ay nagkaroon ng celebration para sa kanya kasama ang mga bigating boss ng ABS-CBN network at iilan sa mga matatalik niyang kaibigan sa showbiz kasama na sina Alora Sasam.


Sa gitna ng celebration habang nagkakasiyahan ang lahat pinagbigyan ni Kathryn Bernardo ang mga kasama sa pagsayaw ng trending na Water Dance. Muling nakatanggap ng papuri ang aktres mula sa mga fans at netizens dahil kapansin-pansin umano ang kakaibang angas nito habang piniperform ang nasabing sayaw.


Marami naman ang nakapansin na ipinapakita na umano ni Kathryn Bernardo ang kanyang totoong kulay ngayong naghiwalay na sila ni Daniel Padilla. May mga nagsasabi na talagang si Daniel Padilla ang siyang pumipigil noon sa aktres sa mga bagay na nais nitong gawin sa harap ng maraming tao.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagpapaka-conservative noon si Daniel Padilla kung saan hindi pumapayag ang aktor na magsuot ng daring na kasuotan ang aktres sa publiko.


Makikita na rin umano ngayon na tila mas nag-eenjoy na si Kathryn Bernardo sa pagiging single na wala nang pumipigil sa kanya sa ano man ang gusto niyang suotin, gawin at kung sino-sino ang gusto niyan makasama.


Matatandaan na naging emosyunal si Kathryn Bernardo sa muling pagpirma niya ng kontra sa Star Magic at ABS-CBN matapos ang mga usap-usapang lilipat siya ng management agency.


Gayunpaman, inilahad ni Kathryn Bernardo na bagama't nakatanggap siya ng offer mula sa ibang mga agency at network ay nananatili siya sa Star Magic at sa ABS-CBN dahil itinuturi na niya itong pangalawang tahanan at Kapamilya na rin ang tingin niya sa kanyang mga naging kaibigan rito.


Inamin rin ni Kathryn Bernardo na talagang hindi naging madali para sa kanya ang nangyari noong nakaraang taon subalit naging daan umano ito upang matagpuan at makilala niya kung sino-sino ang mga totoong kaibigan niya sa likod at harap ng kamera.



@cuttiedy_29 nuxx, water queen!..🤩💦 IG📷-@jumboalbano #KathrynBernardo #cuttiedy29 ♬ Water - Tyla

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo