Mommy Min Nagsalita Na Laban Sa Reaction Ng Padilla Sa Naganap Na Interview Ni Kathryn Bernardo

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na nang pahayag si Mommy Min, ina ng aktres na si Kathryn Bernardo, hinggil sa naging reaksyo ng pamilya ni Daniel Padilla hinggil sa pagpirma ng kontrata ni Kathryn Bernardo sa Star Magic at ABS-CBN.


Trending sa ilang mga social media platforms ang naganap na contract signing ni Kathryn Bernardo sa Star Magic lalo na ang inilabas nitong pahayag patungkol sa naging hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Marami kasi sa pamilya at fans ni Daniel Padilla ang nagreak kung saan inilahad nilang hindi na umano kailangan pang ilahad ni Kathryn Bernardo ang mga nangyari sa nakaraan nila ni Daniel Padilla dahil tapos na ito at hindi na kailangan pang pag-usapan sa contract signing na naganap.


Ayon pa sa ilang mga netizens na maaring masira ang showbiz career ni Daniel Padilla dahil sa ginawa ni Kathryn Bernardo. May mga umalma pa kung bakit hindi man lamang umano nabigyan ng pagkakataon si Daniel Padilla na makapagbigay ng mensahe kay Kathryn Bernardo gayung ito ang pinakamatagal na nakatrabaho ng aktres.


Kaagad naman itong sinagot ng mga fans ni Kathryn Bernardo, kung saan ipinunto nilang walang puwang si Daniel Padilla sa nasabing event dahil nakapokus lamang ito kay Kathryn Bernardo.


Ayon naman umano sa naging pahayag ni Mommy Min, napakakapal naman umano ng mukha ng aktor na humangad pa ng attention matapos ang panlolokong ginawa nito.


Kaagad naman itong sinigundahan ng mga netizens at sinasabing tama lamang ang ginawa ng aktres at ina nito na pambabaliwala kay Daniel Padilla dahil sa ginawang panloloko nito noon sa aktres habang magkarelasyon pa.


Marami rin ang naantig sa tahimik na pag-iyak ni Mommy Min habang nagbibigay ng speech si Kathryn Bernardo kung saan inilahad nito ang mga nangyari noong nakaraang taon.


Kitang-kita rin umano kay Mommy Min na ito ang labis na nasaktan sa lahat ng mga pinagdaanan ni Kathryn Bernardo noong nagdaang taon. Mararamdaman umano ang pagmamahal ni Mommy Min sa kanyang anak sa kanyang pag-iyak ng makitang nahihirapan si Kathryn na ibahagi ang mga pinagdaanan nito noong nakaraang taon.



@sheilasquest Yung iyak talaga ni Mommy Min 💔 Kathryn Bernardo Solid Kapamilya 🥳 #kathrynbernado #kathtropa #kathcakes #asiasuperstar #asiasuperstarkathrynbernardo ♬ original sound - 3K's one stop shop

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo