Vice Ganda Sinupalpal Si Juliana Parizcova, Gustong Bumalik Sa Its Showtime!

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Dinedma lamang ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pagreach out sa kanya kamakailan lamang ni Juliana Parizcova.


Wala umanong natanggap na tugon si Miss Q&A Season 1 winner na si Juliana Parizcova ng magpadala siya ng mensahe kamakailan lamang kay Vice Ganda.


Sa kamakailang episode ng vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad ni Juliana Parizcova ang muling pagreach out niya kay Vice Ganda.


Ayon kay Juliana Parizcova, muli siyang nagreach out kay Vice Ganda nito lamang Magpasikat 2023. Umaasa umano siyang magkaayos na rin sila dahil nagkapatawaran na ito at si Billy Crawford.


Humihingi umano siya ng paumanhin kay Vice Ganda at iba pang mga hosts ng It's Showtime kung sakaling na-offend niya ang mga ito noon. Gayunpaman, hindi man lamang umano nag-acknowledge si Vice Ganda o nagreply man lamang sa kanyang mensahe.


Gayunpaman, naiintindihan umano ito ni Juliana at iniisip na baka abala lamang noong panahong iyon si Vice Ganda kaya hindi siya nito nagawang sagutin.


Binalikan rin ni Juliana na noon naman ay narereplyan pa siya ni Vice Ganda nang mabanggit nito ang kanyang pangalan sa isang segment ng Miss Q&A season 3.


Matatandaan na nag-ugat ang tila hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Juliana Parizcova at Vice Ganda nang maging vocal si Juliana sa pagsuporta noon kay Bongbong Marcos sa pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.


Habang sina Vice Ganda naman at iba pang mga host ng It's Showtime ay full support sa isa pang kandidato na si Leni Robredo.


Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin kina Vice Ganda, inilahad niyang wala siyang pinagsisihan sa mga ginawa niya noon dahil ipinapakita lamang niya ang kanyang pagsuporta sa sinusuportahan niyang kandidato.


Wala rin naman umano siyang nagawang kasalanan sa mga taong nakasagutan niya noon dahil pareho lamang silang naglalabas ng kani-kanilang mga opinyon patungkol sa kani-kanilang paniniwala.


Aminado naman si Juliana Parizcova, na ang nangyari sa election ang dahilan kung bakit hindi na siya nakabalik sa It's Showtime. Iginiit pa niyang labis lamang na pinapalaki ng ilang mga netizens ang mga isyung politikal na idiniin sa kanya ng ilang mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo