David Chua Nilinaw Ang Estado Ng Relasyon Nila Ni Devon Seron

Walang komento

Huwebes, Hunyo 8, 2023

 

Nilinaw ng aktor na si David Chua ang estado ng relasyon nila ng kanyang GoodWill co-star at aktres na si Devon Seron.


Sa isang panaya, sinagot ni David ang isyu sa pagitan nila ni Devon matapos mapansin ng mga netizens na tila in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.


“Kami ni Devon, okay kami. Nagkaroon kami ng tampuhan, months ago ata, weeks ago. Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasan ‘yun sa… hindi relasyon eh. Siguro relasyon namin parang kami lang ‘yung nagkakaintindihan ngayon,” paglilinaw ni David Chua.


Inamin din ng aktor na siya mismo ang unang nag unfollow sa aktres at sumunod na lamang ito sa kanya.


“Hindi kami magkaaway. May konting hindi pagkakaintindihan lang sa isang bagay. So aminado ako, ako unang nag-unfollow. Tapos maya maya, siyempre siguro nakita niya in-unfollow ko siya, in-unfollow din niya ako,” pagbabahagi pa niya.


“Pero nag-usap kami, ‘Hoy ba’t mo ‘ko in-unfollow?’ ‘Eh ba’t mo ‘ko in-unfollow din?’ ‘Fa-follow na ba kita?’ Pero ‘di pa rin kami. Siguro inaantay niya ako mauna.”


Sa kabilang banda, nilinaw din ni David na hindi naman talaga niya masasabing magboyfriend-girlfriend talaga sila ni Devon Seron.


“Hindi ko siya girlfriend, hindi niya ‘ko boyfriend. Dumating ako sa time na nanunuyo ako sa kanya, pero nanggaling kasi kami pareho sa relasyon na parang masyado kaming nasakal. So ayaw namin ibalik parehas sa ganung klaseng relasyon kung anong meron kami,” aniya.


“Special sa akin si Devon. Kung may taong alam ng sikreto ko, si Devon ‘yun. Kung may taong alam ang sikreto ni Devon, ako ‘yun. So ang relasyon namin, hindi lang kami magkaibigan,” sabi pa niya. “Pero hindi pa kami umabot sa level na nagkakaroon ng intimacy. Wala pa kami sa level na ‘yun. Hanggang dun muna kami.”


Sa ngayon ay mas pinagtutuunan umano nila ng pansin ang kanilang sitcom na Goodwill bago ang lahat.



Kilalanin Ang Nanay Ng Anak Ni Diego Loyzaga Sobrang Ganda!

Walang komento

 


 Actor na si Diego Loyzaga buong pusong ipinagmalaki na isa na siyang ganap na ama sa akanyang anak, ngunit tanong nangkaramihan na kung sino nga kaya ang ina nag kanyang anak.


Maugong ngang pinag-uusapan ngayon sa social media ang actor na si Diego Loyzaga matapos siyang mag-anunsyo sa publiko na isa na nga siyang ganap na ama.


Sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang isang larawan na karga-karga niya ang isang sanggol na kanyang anak.


Kalakip naman nito ang kanyang maikling caption na, "The best birthday gift ever ❤️"


Agad naman na bumuhos ang mga mensahe ng pagbati ang kanyang natanggap mula sa kanyang mga kapwa artista at sa mga netizens.


Proud lola naman ang ina ni Diego na si Tereza Loyzaga sa kanyang apo, at tinawag niya pa itong Pochola.


Saad ng beteranang actress, "Yahooooo!! Glam-ma lola in the house!!! Mwah! Love you anak @diegoloyzaga! love you my "Pochola."


Ngunit ang malaking katanungan lang nga dito ay kung sino ang ina ng anak ng actor na si Diego Loyzaga.


Dahil wala naman daw napa balitang maybagong nobya ang actor.


Ang hula naman ng netizens ay ang actress na si Franki Russell, dahil siya ang huling nakarelasyon ng actor.


Ngunit matagal na ding usap-usapan ng matagal na silang hiwalay na dalawa at si Diego din mismo ang may sabi na hindi sila magjowa ng actress.


At wala ding lumabas na balita na nagdalang tao ang actress, at busy din daw ito sa pagboboxing ngayon.


Kung matatandaan ay inanunsyu noon nitong kulumnistang si Cristy Fermin na nakabuntis nga itong si Diego.


At ngayon araw na nakumpirma na totoo nga ang sinabi ni Cristy Fermin na nakabuntis nga ang actor.


Samantala matatandaang nabanggit ni Diego noon sa isang panayam na hindi raw muna siya magpapakasal kahit na siya ay makabuntis dahil priority umano niya ang kanyang showbiz career.



Cristy Fermin Inis Na Inis Kay Diego Loyzaga

Walang komento


 Hindi na nakapagtimpi ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa aktor na si Diego Loyzaga dahil sa 'nakakainsulto' nitong ginawa sa kanya.


Hindi nagustuhan ni Manay Cristy Fermin ang last minute na pag-atras ni Diego Loyzaga sa kanilang interview para sa Cristy Ferminute. Ayon kay Cristy Fermin, nakita lamang ni Diego Loyzaga ang teaser at mga katanungan sa kanya ay umatras na ito.


Ayon kay Cristy, ikinatwiran daw ni Diego na hindi siya makapasok kaya hindi na ito nakapanayam sa naturang programa.


Ibinahagi pa ni Manay Cristy Fermin na noong March ay nagpunta sa konsulado ng Peth sa Australia  si Diego Loyzaga at may kasama umano itong babaeng nagdadalang-tao.


"Hindi mo ba alam kung gaano katinding abala ang ginawa mo sa amin kahapon? Paano kung wala pala kami nakahandang materyales dahil inilaan namin sa'yo ang panahon. Paano kung kami pala ay mangangarag? Bigla kang umalis. Makalawang beses mo na yang ginawa sa amin, Diego Loyzaga."


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na sa lahat ng mga Loyzaga ay si Diego lamang ang bastos.


"Diego wala ka pa sa posisyon na pupuwede mong gawin ang ganyan. Ang pamilya mo ay mahal ko. Ang nanay mo ay mahal ko. Kahit minsan sinuman sa pamilya Loyzaga, wala akong kinakitaan ng kabastusan.


"Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos. At iyan ay kaya kong panindigan kahit saan tayo makarating. Dalawang beses mo nang ginawa yan, hindi na yan mauulit Diego Loyzaga."



 

Julia Barretto Hindi Nakikipagkaibigan Sa Kanyang Mga Ex

Walang komento


 Ang actress-entrepreneur na si Julia Barretto ay nagpahayag ng stand tungkol sa pagkikipag kaibigan sa kanyang mga ex.


Matatandaan na dumaan sa matinding batikos si Julia Barretto nang masangkot siya sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.


Sa panahon din iyon karelasyon ni Julia ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.


Samantala sa isang panayam kay Julia Barretto, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung handa ba siyang makipagkaibagan muli sa kanyang mga ex boyfriend.


Ayon kay Julia Barretto, para sa kanya ay hindi nakakabut ang muling pakikipg close sa mga dating nakarelasyon. Para kay Julia, sa pagtatapos ng relasyon magtatapos na rin umano maging ang friendship.


Subalit, ipinunto naman ni Julia na maari pa ring maging civil sa isa't-isa.


"And especially if you are happy at the moment ‘di ba it’s really as respect to your current partner as well because hindi naman yata proper,” dagdag pa ni Julia.


Marami naman sa mga nakapanood sa panayam ang sumang-ayon sa punto ni Julia Barretto. Ipinunto rin ng ilan na hindi madaling makipagkaibigan muli sa mga ex lalo na kung hindi naman naging maayos ang hiwalayan na nagaganap.


Si Julia Francesca Barretto Baldivia, na mas kilala sa kanyang screen name na Julia Barretto, ay isang artista at modelong Pilipino. Tinaguriang "Drama Princess" ng kanyang henerasyon ng iba't ibang media outlet.


 Kasalukuyan niyang karelasyon ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.




Binanatan Ni Rendon Labador Si Paolo Contis!

Walang komento

 


Muli na naman bumanat sa social media ang motivational speaker na si Randon Labagor at ang binanatan niya ay ang kontrobersyal na actor at Tv host na si Paolo Contis.


Matatandaang binatikos ng husto ang pangalan ni Paaolo Contis sa social media lalo na ng aminin niya na hindi siya nagsosostento sa kanyang mga anak.


Tapos ninundan naman na pinag-usapan siya ng magbahagi ng ng mga larawan ang kanyang dating asawang si LJ Reyes na ito ay na engage na.


Tapos ngayon na nga ay sa paghohost niya sa Eat Bulaga, bilang kapalit ng TVJ. 


Maraming mga Dabarkads nga ang hindi gusto ngayon ang mga bagong host ng Eat Bulaga dahil ang nais nila ay ang dapat na mag host lang sa naturang show ay ang TVJ at ang iba pang mga original host nito.


Dahil nga dito ay maraming mga netizens nga ang masnanggigigil ngayon kay Paolo Contis.


Kaya naman pumasok na nga si Rendon Labador sa eksenang ito at binanatan nga niya si Paolo.


At sinabi ni Rendon na kung anung klasing pagkatao ang mayroon ngayon kay Paolo dahil namimigay siya ng mga pa premyo ngunit hindi manlang niya nabigyan ng sustento ang kanyang mga anak.


Saad ni Rendor sa kanyang post, "Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro?"


Pagpapatuloy pa niya, "Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo 🤦‍♂️#stayMotivated 👊— feeling motivated."


Bukod pa nga dito ay tahasan niyang inutusan si Paolo na sustentohan nito ang kanyang mga anak.


Aniya, "Paolo Contis ang tigas ng muka mong mag host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago pa-premyo."


Dagdag pa niya, "Sisikat ka na sana ulit Paolo kung nagbibigay ka ng sustento."


Agad naman itong umani ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.








Joey De Leon Nagsalita Na Sa Pagkalas Nila Sa TAPE Inc.

Walang komento


 Masayang nagpaunlak sa isang interview ang tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon dahil malaki na ang posibilidad na matutupad ang kanyang pangarap na lalagpas 50 years ang Eat Bulaga.


Ang Eat Bulaga! ay unang umere sa RPN 9 mula 1979 hanggang 1989, lumipat ng ABS-CBN mula1989 hanggang1995), at tumawid naman sa GMA-7 mula 1995-2023. Ngayon ay posibleng mapunta naman ito sa TV5—kung sakaling maayos nila ang isyu sa trademark nito na kini-claim din ng dati nilang production company na TAPE Inc.


Ibinahagi rin ni Joey De Leon na magkakaroon sila ng panibagong segment sa pagbabalik ng kanilang show, kasama sina Tito Sotto at Vic Sotto.


Malugod ring sinagot ni Joey De Leon ang mga katanungan tungkol sa pag-alis nila sa TAPE Inc. nito lamang May 31.


 “A, nagulat nga kami, actually, sa totoo. Well, ang hirap anuhin, e, hanggang ngayon naguguluhan nga ako bakit nangyari, e, pero...


“Well, sabi nga ng isang kaibigan namin yung tungkol sa rejection, ‘Rejection is God’s redirection.’”


Aminado rin si Joey De Leon na naging emosyunal siya sa tuluyang pag-alis nila sa TAPE na nakasama nila sa loob ng maraming taon.


“Iyakin talaga ako, e. Nag-text sa akin, ang sabi niya, ‘Are you okay?’ Ang gulo, e. So, tinawagan ko.


“Tinawagan ko, sabi ko, ‘Okay, we’re okay.’ Tapos, binanggit ko, ‘O, kayo, okay ba kayo?’


"Ako naman bumaligtad kasi nabalitaan ko na parang nag-advance [payment] na sila ng malaking subscription ba tawag o ano, hindi ako marunong sa mga sales, e.


“Three years ata ang in-advance nila sa show namin [sa GMA-7].


“Biglang kinut ako, nagalit, sabi niyang ganun, ‘No, hindi importante sa amin yun. Hindi importante sa amin yun, bahala kami sa ginagawa namin. Ang gusto naming malaman ay kung okay kayo.’


"Umiyak na ako. Hindi ko alam ang mangyayari, e." bahagi ng pahayag ni Joey De Leon.




Bullet at Jon Jalosjos May Bagong Banat Sa Tvj Sila Umano Ang Tunay Na May Ari Ng Eat Bulaga!

Walang komento


Magkapatid na mga Jalosjos may bagong banat sa mga original host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic at Joey De Leon.


Ayon sa mga Jalosjos na wala daw umano karapatan ang TVJ na gamitin at angkinin ang titulong Eat Bulaga.


Dahil sa kanila daw umano ang lahat ng karapatan ng Eat Bulaga mula sa Titulo, hanggang sa theme song nito.


Sa isang Exclusive interview sa magkapait na Jalosjos ay ipinakita pa nila ang mga papel na hawak nila, na ito daw ang mga patunay.


Mga original copy daw ang mga ito at regular din daw silang nagpaparenew sa intellectual property office.


At hindi rin daw totoo na merchandise lang ang karapatan nila sa Eat Bulaga, tulad ng sinasabi ni Tito Sotto.


Dahil sila umano ang tunay na mayarin sa lahat ng tungkol sa naturang show.


Paliwanag pa niya na sila daw ang producer ng Eat Bulaga mula ng ito ay mag-umpisa.


At kung wala daw umano sila ay hindi daw makakapag-umpisa at magpapatuloy ang nasabing noontime show.


Ipinagdiinan din ng mga Jalosjos na ang TVJ ay mga empleyado lamang na pinapasweldo ng TAPE incorporated.


Ang ibig daw sabihin ng mga Jalosjos ay ang lahat ng ginawa ng TVJ ang pagbibigay ng pangalan hanggang sa paggawa ng kanta ay binayaran sila ng mga Jalosjos.Dahil parte daw umano ito ng kanyang trabaho.



 

Kalaboso | Marlou Arizala Zander Ford Gustong Ipa-Rehad Ng Mga Magulang Ayon Kay Makagwapo!.....

Walang komento


Nakikiusap ang mga magulang ni Marlou Arizala o mas kilala sa social media na si Zande Ford.


Nakikiusap sila nasa daw ay ipasok ang kanilang anak na ito sa Rehabilition Center upang maitigil na umano ang mga ginagawang mga kalokohan nito.


Ayon kasi sa mga magulang ni Zander ay hindi raw umuwi sa bahay nila ng dalawang araw ito matapos na matanggap ang 350,000 pesos na hiningi nito kay Christian Merck Grey.


At ng umuwi na raw ito ay nasa 13 thousands plus na lamang ang pera nitong dala mula sa 350,000 pesos na ibinigay sa kanya.


Ang duda daw ng mga magulang nito ay naubos ang perang ito sa mga karkada ni Marlou.


Pero nilinaw naman ng mga magulang ni Zander Ford na hindi daw umano gumagamit ng elegal na droga ang kanilang anak na si Marlou.


At ang nais lang daw umano nila ay mailayo ito sa kanyang mga barkada.


Samantala, naglabas naman ng pahayag itong si Marlou sa social media at sinabing isasauli niya daw umano ang perang kanyang hiningi kay Christian Merck. 


Ngunit hindi lang daw niya ito maisasauli ng buo dahil na gamit na niya ang iabng pera at nasa 13 thousands plus nalang ang natira sa pera.


Kaya naman nakikiuasap siya o pinangako niya na ibalik niya ang pera pero huhuloghulogan lang daw niya ito ng matapos na daw ang issue nilang dalawa.


At gusto daw niya na burahin na ni Christian Merck ang video na kung saan ibinigay ni Merck ang pera sa kanya, at makikita din sa video na inamin niya na hindi naman pala na ngako itong si Christian Merck na magbibigay siya ng pera sa kanya.


At dahil din daw dito ay iniwan daw siya ang kanyang asawa at anak.


 



 

Pokwang Muling Binanatan Ang Mga Babaeng Dumidipensa Kay Lee O'Brian

Walang komento


 Muli na namang binanatan at hinamon ng komedyanteng si Pokwang ang mga babaeng patuloy na dumidepensa sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Sa kanyang Instagram post nitong June 7, hayagan niyang hinamon ang kanyang mga bashers na sabihin sa kanya ng harapan at personal ang mga pambabatikos ng mga ito sa social media at nang magkaalaman na.


“hinahamon ko yung mga matatapang sa comment section ni kano, kapag nakita nyo ako sa personal sabihin nyo sa harap ko lahat ng sinabi nyong masasakit ha! para masampolan ko kayo ng basag nguso! matatapang lang sa socmed” pahayag ni Pokwang sa kanyang Instagram post.


Nauna rito, binanatan rin ni Pokwang ang mga babaeng nagpapansin kay Lee. Ayon kay Pokwang, wala siyang pakialam sa mga ito basta's hindi lamang babanggitin ang kanyang pangalan.


 “Kung magpapansin kayo kay kano sa mga posts nya sa IG go ahead! Kung inaakala nyo mabibigyan nya kayo ng magandang buhay go ahead! Pero wag nyo na akong binabanggit para siraan sa kanya pwede ba? Kadiri mga hopya! Mga DESPERADA makapag-amerika!”


Dagdag pa ni Pokwang sa caption ng kanyang post, “di nyo na kailangan siraan ako sa kanya makuha nyo lang atensyon nya!


“habang marami kayong sinasabi mas lalo ako di titigil mapatalsik yan! ginagawa ko ang lahat nanay at tatay sa mga anak ko para makalimot at maging matatag pero ayaw nyo akong tigilang ng paninira sa kanya? Why?


“kung gusto nyo sya go ahead kunin nyo atensyon nya ng maayos no need to mention my name kakasuka kayo!


“naka block na sakin yan may mga nag rereport sakin kadiri mga desperada! kayo ang lumalabas na bitter hindi ako mga uhaw sa green card!”


Matatandaan na naghiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian noon pang 2021 subalit ngayon lamang inilalabas ni Pokwang ang kanyang mga hinanakit laban dito.




Maymay Entrata Nagsalita Na Tungkol Sa Relasyon Nila Ng Kanyang Boyfriend!

Walang komento

 


Maymay Entrata nagsalita na tungkol sa relasyon nila ng kanyang nobyo.


Hindi maitagao ni Maymay ang kaligayahan na kanyang nararamdaman sa nobyo niyang si Aaron Haskell.


Ito ay kahit na magkalayo sila ay patuloy parin nila na ipinapadama sa isa't isa ang kanilang pagmamahal.


Sa ngayon ay si Aaron Haskel ay nakabasi sa America at habang si Maymay naman ay nandito sa Pilipinas.


Sa naging panayam ni Maymay sa programa na "Magandang Buhay" nitong Lunes June 5 ay ibinahagi niya kung paanu nila hinaharap ang kanilang relasyon habang sila ay malayo sa isa't isa.


Ani ni Maymay, "Sobrang hirap po ng long distance relationship, hindi po talaga madali, parang kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwowork ang LDR."


Hanga daw si Maymay sa effort na ipinapakita at ipinapadama sa kanyang kanyang nobyong si Aaron.


Mula palang daw nung una ay consistent daw ito sa pagpaparamdam sa kanya na siya lang ang bukod tanging babae sa puso ni Aaron.


Aniya pa, "Siya po ay sobrang consistent niya talaga na magbigay ng time, sobrang OA nito pero 24/7 kaming nagtatawagan, kahit nagtatrabaho siya nandiyan lang ako natutulog, or ako nandito siya natutulog."


"Hanggang magmeeting time namin saka kami mag-uusap o manonood ng movie."


Hirap man daw isipin ng kanilang relastion ay masasabi daw ni Maymay na worth it ang kanyang nobyo.







Xander Ford, Humihingi Muli Ng 500K Kay Christian Merck Grey

Walang komento


 Ibinahagi ng content creator na si Christian Merck Grey na kilala rin bilang si MakaGwapo ang usapan nila ni Xander Ford sa cellphone.


Ayon sa panibagong video na ibinahagi ni MakaGwapo, tumawag umano sa kanya si Xander Ford ng madaling araw at tinalakan siya ng tinalakan tungkol  pagpapayo niya ritong magparehab.


Subalit, sa kalaunan ng kanilang pag-uusap, bigla na lamang humirit sa kanya si Xander Ford na bigyan niya ito ng 500K para magpa rehab siya.


Gagamitin umano niya ang 500K para may maiwan sa kanyang pamilya. Subalit, tinanggihan na ito ni MakaGwapo at ipinuntong hindi niya obligasyon ang pagpaparehab nito.


Lumalabas pa umanong utang na loob niya kay Xander kung magparehab ito. Ipinunto pa ni MakaGwapo na wala na siyang pakialam kung magpaparehab ba si Xander o hindi.


Gayunpaman, inofferan ni MakaGwapo si Xander ng isang boxing match kung saan magbibigay umano siya ng 400K kay Xander Ford kung sakaling matalo siya nito sa labanan.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"kuya merk, wag munang pansinin yan. alam kung mabait ka, pero wag munang pansinin si marlou. kung mey ibibigay kaman na pera para kay marlou. don nalang sa mag ina niya, wag na kay marlou."


"Wag mo nalang patulan ya wala ka mapapala jan, Focus ka nalang sa family mo. Wala ka mapapala jan itulong mo nalang sa mga mas nangangailangan yan."


"nako kuya merk nag pauto kana nung una wag na pumangalawa hahhahahhaha mas maigi na ipamigay mo nalang yan sa mas deserve at yung kinakailangan niyan."




Kambal Na Sina Mavvy at Cassy Legaspi Pinapa Pull Out Bilang Hosts Sa Eat Bulaga!

Walang komento

 


Kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi pinapa pull out bilang mga host sa Eat Bulaga.


Ito ay dahil sa mga pambabatikos na natatanggap ng dalawa mula sa mga tagasuporta ng TVJat ng iba pang mga host na nagsikalasan na sa TAPE incorporated.


Sa katunayan nga ay sa mga official pages at mga account ng dalawa ay nagkokomento ang mga ito at doon nila binabatikos sina Mavy at Cassy Legaspi.


At pati na rin sa mga pages ng kanilang mga magulang na sina Carmina at Zoren Legaspi ay pinagpapayuhan ang mga ito at ang iba ay nagsasabi din ng mga negatibong Komento.


Tinatanong din ang mag-asawang Legaspi kung bakit ba daw nila pinayagan ang kanilang mga anak, na mag host sa Eat Bulaga gayong sa una palang daw ay sobra na ang suporta ng mga netizens sa TVJ.


Ayon pa sa mga netizens na dapat daw ay ipull out na nina Zoren at Carmina ang kanilang mga anak sa Eat Bulaga, habang wala pa silang pinipirmahang kontrata sa Eat Bulaga.


Sigurado daw kasi na hindi rin daw magtatagal ang show at magdudulot lang ito sa pagkasira ng career ng kanilang mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.


Ngunit tila hindi naman apektado sa usaping ito sina Carmina at Zoren dahil wala manlang silang sinasagot sa kabila ng mga katanungan ng mga netizens.


Samantala, nitong kamakailan lang ay na interview na din ni Boy Abunda ang isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga na si Mavy Legaspi.


Dito nga ay malinaw nga na hindi apektado si Mavy sa mga negatibong salita na ibinabato ng mga netizen sa kanya.


Ayon pa sa kanya na kahit anu man daw na mga proyekto na makakatulong sa pag improve ng kanyang skill ay tatanggapin niya, at nag-eenjoy din daw siya sa kanyang paghohost sa Eat Bulaga.


Ibig sabihin lang ng sagot na ito ni Mavy ay wala nga siyang pakialam sa mga naririnig at nababasa niya na mga negatibong komento sa kanilang magkapatid.


Dahil ang mahalaga lang daw sa kanya ngayon ay ang trabaho, mag-improved at makapagpasaya ng mga tao.






Diego Loyzaga May Anak Na, Sino Ang Ina?

Walang komento


 Usap-usapan at kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media sites ang larawang ibinahagi ni Diego Loyzaga kung saan makikitang may karga-karga siyang bagong silang na sanggol.


Sa caption ng kanyang post, ipinahaygag niyang ang kinakargang bata ay ang best birthday gift.


Hindi naman nilinaw ni Diego Loyzaga kung sariling anak ba niya ang sanggol na karga at kung sino ang ina nito. Subalit, kapansin-pansin sa comment section ng kanyang post ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities.


Maging ang kanyang inang si Teresa Loyzaga ay nagkomento rin at inamin proud lola siya.


"Yahooooo!! Glam-Ma Lola in the house!!! Mwah! Love u anak @diegoloyzaga ! Love you my “Pochola”


Matatandaan na lumikha ng ingay noong nakaraang taon ang paghihiwalay nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Una nila itong itinago sa publiko subalit kalaunan ay inamin din ng dalawa na tuluyan na silang naghiwalay.


Hindi naman nila sinabi ang dahilan ng kanilang hiwalayan at sa pagkakaroon ngayon ng anak ni Diego, sakali mang anak nga nito ang sanggol, mahihinuhang ito ang totoong dahilan kung bakit natuldukan ang relasyon noon ng dalawa.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng official statement si Diego Loyzaga at hindi pa opisyal na pinakilala ang sanggol na karga-karga.


Inaabangan rin ngayon na ipakilala ni Diego Loyzaga ang ina ng bata.



Rebranded Eat Bulaga, Scripted Lamang Ang Mga Papremyo, Mga Contestant Hand Picked?

Walang komento


 Isang netizen ang tahasang naglabas ng allegasyon sa umano'y handpicking ng mga contestant sa unang episode ng rebranded version ng Eat Bulaga.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang netizen ang kanyang natuklasan sa social media, ipinahayag niyang isa sa mga kalahok na sumali sa isa sa mga segment ng noontime show ay napili na at hindi random contestant mula sa audience.


Ayon sa kanya, isa sa mga contestant na si Lelet ay konektado sa isa sa mga host na si Buboy Villar at nagtrabaho sa isa sa mga negosyo ng aktor.


Nakilala umano niya ito, dahil nakita niya ang isang old vlog ni Buboy Villar kung saan naroroon si Lelet at nagtatrabaho sa paresan ng actor-host.


Sinabi pa ng netizen na hindi raw talaga ipinamimigay at bahagi lang ng script ang pamimigay ng cellphone sa napiling pumila para sa show.


“Contestant nyo kunyari napili or talagang kasama scripted na.. Papremyo nyo di naman tunay na makukuha ng mga pipila at magtyatyga sa labas. Pinagloloko nyo mga manonood ahiiiiii.” 


Agad naman itong sinang-ayunan ng mga netizens na namumukhaan rin ang nasabing contestant.


“Yan ung nasa paresan nakita ko yan sa blog ni jelai nung nag prank kay buboy.”


“Pati yung IPhone na papremyo nila na tumatawag kunwari sa viewers pero wala namang information nung nanalo.”



Maine Matapang Na Ipinagtanggol Ang Tvj at Lumaban Para Kay Tito Vic at Joey Laban Sa Mga Jalosjos!....

Walang komento

 


Matapang na ipinagtanggol ni Maine Mendoza ang TVJ sa mga kasinungalingan na ipinagkakalat di umano ni Mayor Bullet Jalosjos sa kanyang mga naging panayam sa media.


Na pinilit daw at tinakot, upang magresign at para sumama sa TVJ sa kanilang lilipatang bagong tahanan.


Sa ngayon ay kumpirmado ng magtatapat ang kanilang mga show sa tanghali, ang sinasabi ng karamihan na Fake Eat Bulaga ng mga Jalosjos at ang bagong show ng TVJ sa bago nilang tahanan ang TV5.


Parehong ngang mapapanood ang dalawang show na ito sa magkasabay na oras sa July, 2023.


Tiyak daw na aabangan ng mga masususgid na manonoog ng TVJ ang kanilang bagong show sa Kapatid network, dahil sa sobrang miss na daw ng mga ito ang TVJ.


Samantala, hindi rin daw nakapagtataka na malugi na nga ngayon ng tuloyan ang TAPE incorporated, dahil sa nakuha ng TVJ ang simpatya ng mga masa at ng mga masusugid na taga panood ng naturang show. 


At mayroon ding balitang maging ang ibang mga sponsor ng TAPE incxorparated ay kumalas na din sa kanila at lumipat na din sa TV5 kung saan ay nagbigay sila ng suporta sa bagong show ng TVJ.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon ay Eat Bulaga parin daw ang ipapangalan nila sa kanilang bagong show sa TV5. 


Ayon din daw kay Maine Mendoza na tuloy parin daw ang mga segment sa original Eat Bulaga show na gagawin ng Trio kasama ng Dabarkads, tulad na lamang daw sa One For All, All For One na talagang kinaaliwan ng mga manood.


At ang pinoy henyo na talagang hindi nawawala sa mga palaro sa bawat Pilipino.


Ayon pa sa naging panayam ni Tito Sotto sa isang Exclusive Interview na dadagdagan pa daw nila ang kanilang mga dating segments na tiyak na mas ikakasaya ng mga tagapanood ng kanilang show.






Rendon Labador, Pinagsabihan Si Paolo Contis Na Unahin Ang Pagbibigay Ng Sustento Kaysa Papremyo

Walang komento


 Hindi rin naitago ng mpotivational speaker at businessman na si Rendon Labador ang kanyang pagkadismaya sa pagiging host ni Paolo Contis sa rebranded Eat Bulaga.


Sa kamakailang social media post ni Rendon Labador, ipinunto niyang dapat unahin ni Paolo Contis ang pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kaysa sa pamamahagi ng papremyo.


“Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro? Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo,” saad ni Rendon.


“Paolo Contis. Ang tigas ng mukha mong mag host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago pa-premyo!” dagdag pa ni Rendon Labador.


Pinayuhan pa ni Rendon si Paolo Contis na baguhin na ang takbo ng kanyang buhay. Simulan sa pagbibigay ng suporta sa mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.


Sumang-ayon naman ang mga netizens sa pahayag ni Rendon Labador ngayon, taliwas sa mga nauna niyang pambabanat kina Coco Martin at Michael V.


“Mindset before talking kung kailan tumanda. Daming nasaktan na mga babae. Dapat mag sustento ka muna. Before yourself to do so.Mag bigay ka ng mga sustento sa babae mo sa mga anak mo. Ganyan ka naman sa lahat ng tinikman mo. After manganak iwanan mo. At anak walang sustento. Do rights things in yourself.”


“Dito ako agree sayu Rendon Labador bigyan ng motivation rice yan.” 


Matatandaan na nauna nang inamin ni Paolo Contis na noon pa man ay hindi na siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.


Subalit, mayroon naman umano siyang hinuhulugang saving s account para sa mga ito.


“It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay,” pag-amin ni Paolo sa panayam ni Boy Abunda.


“But ever since na nagtrabaho ako ng maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay Xonia, kay Xylene, pati kay Summer.”



Bullet Jalosjos Umalma Sa Pahayag Ni Tito Sotto Na Diumano'y Gagamitin Niya Sa Kanyang Political Career Ang Eat Bulaga

Walang komento


Nag-react ang chief finance officer ng TAPE Inc. na si Bullet Jalosjos, na kasalukuyang Mayor ng Dapitan City, sa sinabi ni dating Senate President Tito Sotto na gagamitin niya ang Eat Bulaga para sa kanyang mga political plan.


Matatandaang ipinahayag ni Tito sa isang panayam na isa sa mga hindi nila nagustuhan sa bagong pamunuan ng TAPE, ang production company sa likod ng longest-running noontime show ay ang gagamitin ito para magpakilala ng partylist.


Lumabas din ang tsismis na nagpaplanong tumakbong Senador sa susunod na halalan si Bullet Jalosjos at gagamitin niya ang isang segment ng show para i-promote ang kanyang image.


Sa isang panayam kamakailan, sinagot ni Bullet Jalosjos ang pahayag ni Tito Sotto na nais ng bagong TAPE management na baguhin ang segment na Bawal Judgmental to Search for Kasambahay.


“These are all speculations. We just launched our show, so wala pang ‘kasambahay’ segment. Sa kanya po nanggaling ‘yan,” saad ni Bullet Jalosjos.


Pinabulaanan din niya ang pahayag ni Tito Sotto na gagamitin niya ang isang segment ng show para sa kanyang political carreer.


“As of now, wala pa po. Right now, we are just looking at a segment na gagawan naming contest. Sa lahat ng mga kasambahay, whether nasa Pilipinas man o abroad, mga OFW, pwede silang manalo,” pagpupunto ni Bullet.


Nauna rito, ipinahayag ni Bullet Jalosjos na hindi sila itinuring na pamilya ng Eat Bulaga hosts bagkus at pinaparamdam umano ng mga ito ang kanilang disgusto sa kanila bilang mga bagong namumuno ng TAPE Inc.




Betong Sumaya, Nagreact Sa Mga Bashers Sa Pagiging Host Niya Sa Eat Bulaga!

Walang komento


 Hindi na nakapagtimpi ang isa sa mga panibagong host sa rebranded Eat Bulaga na si Betong Sumaya sa mga pambabatikos na natanggap niya.


Naglabas ng isang TikTok video ang komedyante kung saan ipinahayag niya sa kanyang mga kritiko ng bagong Eat Bulaga ang kanyang saloobin sa natatanggap na pambabatikos dahil lang sa pinalitan nila ang dating mga hosts ng show.


Nakikiusap sa mga netizens si Betong Sumaya, isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga,’ na itigil na ang pang-iinsulto sa kanila.


Ipinahayag din ni Betong sa kanyang Tiktok video na alam naman na nilang mababash sila sa pagtanggap sa offer ng TAPE Inc. kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga taong umintindi sa kanila.


"Alam po namin na ito po talaga ‘yung kahaharapan namin guys.”


“Salamat po sa mga nakakaintindi, at sa mga hindi po makakaintindi, hindi ko po kayo masisisi,” saad ni Betong.


Iginiit rin niyang hindi naman talaga nila mapapalitan ang TVJ sa Eat Bulaga. Gayunpaman, hiling niya na sana ay itigil na ang pamamahiya sa kanila dahil ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.


 “I hope the shaming of them stops, especially since they have to work.”


“Wala po talagang makakapalit po, ni katiting, wala po talagang makakapalit po sa kanila, walang wala! At alam po namin ‘yun,” pagpupunto ni Betong.


“Kailangan niyo rin po sanang maintindihan na kailangan din po namin magtrabaho, at gaya niyo rin po guys, kapag hindi tayo nagtrabaho, paano po tayo makakakilos sa pang-araw-araw? Kayo po kaya lumagay sa posisyon namin guys? Huwag pong ganun,” dagdag pa ni Betong.


Maging ang mga kasamahan ni Betong Sumaya na mga bagong hosts sa Eat Bulaga kagaya nina  Paolo Contis, Buboy Villar, Alexa Miro, at ang kambal ng Legaspi na sina, Mavy and Cassy.


Sa lahat ng mga nabanggit si Paolo Contis ang pinakanakakatanggap ng pambabatikos.



@alientv_official Betong Sumaya to Bashers #tvj #eatbulaga #betong #newhost #basher ♬ original sound - Alien_T.V

Wow Dinagsa Ng Advertisers Sponsors Ang Show Ng Tvj Dabarkads Sa Tv5!...

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

 


 Sinuwerte raw ngayon ang TV5 dahil sa balitang dinagsa daw ito ng mga sponsors sa programa ng TVJ sa kanilang istasyon.


Ayon sa mga impormasyon na aming nakalap, na simula daw kaninang umaga ng inanunsyo ng TVJ ang kanilang paglipat sa TV5.


Sunod-sunod na ang mga advertisers na gustong makipagnegosasyon rito.


Ito ay dahil sa mas lalong lumakas umano ang TVJ sa masa at sa mga netizens, mula ng magkaroon ng kagulohan hinggil sa usaping kung sino ang tunay na may-ari ng Titulong Eat Bulaga.


Na tila humantong nga sa malateleserying mga kaganapan, mas nakuha kasi ng Trio ang simpatyo ng netizens at ng sambayanga tagapanood ng programa.


Dahil sa tila ang TVJ pa nga daw ang nawalan matapos angkinin ng mga Jalosjos ang Titulong Eat Bulaga.


Ngunit hindi parin daw susuko ang TVJ at patuloy parin silang lalaban para sa kanilang mga karapatan, dahil alam daw nila na sila ang totoong nagmamay-ari sa Eat Bulaga at ang papel lamang ng mga Jalosjos rito at ang magproduce lamang.


Sa katunayan nga daw sa naging panayam nitong kamakailan kay Tito Sotto ay matapang niyang sinabi na Eat Bulaga din daw ang kanilang gagamitin sa kanilang programa sa TV5.


Ito daw ang kanilang patuloy na inaasikaso sa ngayon, ang ipagpatuloy ang Eat Bulaga sa TV5.


Samantala sa isa umanong exclusive na panayam kay Tito Sotto ngayong araw June 7 ay sinabi niyang excited na daw siya sa kanilang show sa TV5 dahil kasama nila ang iba pa nilang mga co-host sa Eat Bulaga.


At lahat daw sila ay naghahanda na at masayang-masaya sa kanilang bagong tahanan na pupuntahan.




Karla Estrada Nabatikos Dahil Sa Background Music Ng Kanyang Post

Walang komento


 Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Karla Estrada ang kanyang panibagong milestone.


Very proud si Karla Estrada dahil nakapasok siya bilang Army Reservist ng AFP.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan nakasuot na siya ng army reservist uniform.


Agad namang bumuhos ang mga komento at mensahe ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at mga kaibigan.


Subalit napansin ng ilang mga netizens ang background music na ginamit ni Karla Estrada maging ang nakasulat sa discription nito kung saan mababasa ang tiltle ng ginamit na background music ni Karla.


"Ang Bagong Hukbong Bayan (Anthem of the New People's Army)." 


Agad na nagreact ang mga netizens at tinawag ang pansin ni Karla Estrada dahil ang kantang kanyang ginamit ay themesong ng mga NPA.


"Anthem daw ng NPA yan karla." 


"NPA ka? Research muna tungkol sa kanta na ginagamit."


Sa ngayon ay burado na ang nasabing video post ni Karla Estrada.


Si Carla Elago Ford, na mas kilala sa kanyang screen name bilang si Karla Estrada, ay isang Filipino actress and singer. Si Karla Estrada ay nakilala sa kanyang galing sa pag-arte sa ilang mga pelikula at teleseryeng kanyang pinagbibidahan. Sa ngayon ay siya ang host ng nagbabalik show sa TV5 na Face to Face.


Si Karla Estrada rin ang ina ng sikat na aktor na si Daniel Padilla.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo