Karla Estrada Nabatikos Dahil Sa Background Music Ng Kanyang Post

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Karla Estrada ang kanyang panibagong milestone.


Very proud si Karla Estrada dahil nakapasok siya bilang Army Reservist ng AFP.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan nakasuot na siya ng army reservist uniform.


Agad namang bumuhos ang mga komento at mensahe ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at mga kaibigan.


Subalit napansin ng ilang mga netizens ang background music na ginamit ni Karla Estrada maging ang nakasulat sa discription nito kung saan mababasa ang tiltle ng ginamit na background music ni Karla.


"Ang Bagong Hukbong Bayan (Anthem of the New People's Army)." 


Agad na nagreact ang mga netizens at tinawag ang pansin ni Karla Estrada dahil ang kantang kanyang ginamit ay themesong ng mga NPA.


"Anthem daw ng NPA yan karla." 


"NPA ka? Research muna tungkol sa kanta na ginagamit."


Sa ngayon ay burado na ang nasabing video post ni Karla Estrada.


Si Carla Elago Ford, na mas kilala sa kanyang screen name bilang si Karla Estrada, ay isang Filipino actress and singer. Si Karla Estrada ay nakilala sa kanyang galing sa pag-arte sa ilang mga pelikula at teleseryeng kanyang pinagbibidahan. Sa ngayon ay siya ang host ng nagbabalik show sa TV5 na Face to Face.


Si Karla Estrada rin ang ina ng sikat na aktor na si Daniel Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo