Binanatan Ni Rendon Labador Si Paolo Contis!

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Jerome

 


Muli na naman bumanat sa social media ang motivational speaker na si Randon Labagor at ang binanatan niya ay ang kontrobersyal na actor at Tv host na si Paolo Contis.


Matatandaang binatikos ng husto ang pangalan ni Paaolo Contis sa social media lalo na ng aminin niya na hindi siya nagsosostento sa kanyang mga anak.


Tapos ninundan naman na pinag-usapan siya ng magbahagi ng ng mga larawan ang kanyang dating asawang si LJ Reyes na ito ay na engage na.


Tapos ngayon na nga ay sa paghohost niya sa Eat Bulaga, bilang kapalit ng TVJ. 


Maraming mga Dabarkads nga ang hindi gusto ngayon ang mga bagong host ng Eat Bulaga dahil ang nais nila ay ang dapat na mag host lang sa naturang show ay ang TVJ at ang iba pang mga original host nito.


Dahil nga dito ay maraming mga netizens nga ang masnanggigigil ngayon kay Paolo Contis.


Kaya naman pumasok na nga si Rendon Labador sa eksenang ito at binanatan nga niya si Paolo.


At sinabi ni Rendon na kung anung klasing pagkatao ang mayroon ngayon kay Paolo dahil namimigay siya ng mga pa premyo ngunit hindi manlang niya nabigyan ng sustento ang kanyang mga anak.


Saad ni Rendor sa kanyang post, "Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro?"


Pagpapatuloy pa niya, "Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo 🤦‍♂️#stayMotivated 👊— feeling motivated."


Bukod pa nga dito ay tahasan niyang inutusan si Paolo na sustentohan nito ang kanyang mga anak.


Aniya, "Paolo Contis ang tigas ng muka mong mag host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago pa-premyo."


Dagdag pa niya, "Sisikat ka na sana ulit Paolo kung nagbibigay ka ng sustento."


Agad naman itong umani ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo