Wow Dinagsa Ng Advertisers Sponsors Ang Show Ng Tvj Dabarkads Sa Tv5!...

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

/ by Jerome

 


 Sinuwerte raw ngayon ang TV5 dahil sa balitang dinagsa daw ito ng mga sponsors sa programa ng TVJ sa kanilang istasyon.


Ayon sa mga impormasyon na aming nakalap, na simula daw kaninang umaga ng inanunsyo ng TVJ ang kanilang paglipat sa TV5.


Sunod-sunod na ang mga advertisers na gustong makipagnegosasyon rito.


Ito ay dahil sa mas lalong lumakas umano ang TVJ sa masa at sa mga netizens, mula ng magkaroon ng kagulohan hinggil sa usaping kung sino ang tunay na may-ari ng Titulong Eat Bulaga.


Na tila humantong nga sa malateleserying mga kaganapan, mas nakuha kasi ng Trio ang simpatyo ng netizens at ng sambayanga tagapanood ng programa.


Dahil sa tila ang TVJ pa nga daw ang nawalan matapos angkinin ng mga Jalosjos ang Titulong Eat Bulaga.


Ngunit hindi parin daw susuko ang TVJ at patuloy parin silang lalaban para sa kanilang mga karapatan, dahil alam daw nila na sila ang totoong nagmamay-ari sa Eat Bulaga at ang papel lamang ng mga Jalosjos rito at ang magproduce lamang.


Sa katunayan nga daw sa naging panayam nitong kamakailan kay Tito Sotto ay matapang niyang sinabi na Eat Bulaga din daw ang kanilang gagamitin sa kanilang programa sa TV5.


Ito daw ang kanilang patuloy na inaasikaso sa ngayon, ang ipagpatuloy ang Eat Bulaga sa TV5.


Samantala sa isa umanong exclusive na panayam kay Tito Sotto ngayong araw June 7 ay sinabi niyang excited na daw siya sa kanilang show sa TV5 dahil kasama nila ang iba pa nilang mga co-host sa Eat Bulaga.


At lahat daw sila ay naghahanda na at masayang-masaya sa kanilang bagong tahanan na pupuntahan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo