Rebranded Eat Bulaga, Scripted Lamang Ang Mga Papremyo, Mga Contestant Hand Picked?

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Isang netizen ang tahasang naglabas ng allegasyon sa umano'y handpicking ng mga contestant sa unang episode ng rebranded version ng Eat Bulaga.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang netizen ang kanyang natuklasan sa social media, ipinahayag niyang isa sa mga kalahok na sumali sa isa sa mga segment ng noontime show ay napili na at hindi random contestant mula sa audience.


Ayon sa kanya, isa sa mga contestant na si Lelet ay konektado sa isa sa mga host na si Buboy Villar at nagtrabaho sa isa sa mga negosyo ng aktor.


Nakilala umano niya ito, dahil nakita niya ang isang old vlog ni Buboy Villar kung saan naroroon si Lelet at nagtatrabaho sa paresan ng actor-host.


Sinabi pa ng netizen na hindi raw talaga ipinamimigay at bahagi lang ng script ang pamimigay ng cellphone sa napiling pumila para sa show.


“Contestant nyo kunyari napili or talagang kasama scripted na.. Papremyo nyo di naman tunay na makukuha ng mga pipila at magtyatyga sa labas. Pinagloloko nyo mga manonood ahiiiiii.” 


Agad naman itong sinang-ayunan ng mga netizens na namumukhaan rin ang nasabing contestant.


“Yan ung nasa paresan nakita ko yan sa blog ni jelai nung nag prank kay buboy.”


“Pati yung IPhone na papremyo nila na tumatawag kunwari sa viewers pero wala namang information nung nanalo.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo