Maymay Entrata Nagsalita Na Tungkol Sa Relasyon Nila Ng Kanyang Boyfriend!

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Jerome

 


Maymay Entrata nagsalita na tungkol sa relasyon nila ng kanyang nobyo.


Hindi maitagao ni Maymay ang kaligayahan na kanyang nararamdaman sa nobyo niyang si Aaron Haskell.


Ito ay kahit na magkalayo sila ay patuloy parin nila na ipinapadama sa isa't isa ang kanilang pagmamahal.


Sa ngayon ay si Aaron Haskel ay nakabasi sa America at habang si Maymay naman ay nandito sa Pilipinas.


Sa naging panayam ni Maymay sa programa na "Magandang Buhay" nitong Lunes June 5 ay ibinahagi niya kung paanu nila hinaharap ang kanilang relasyon habang sila ay malayo sa isa't isa.


Ani ni Maymay, "Sobrang hirap po ng long distance relationship, hindi po talaga madali, parang kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwowork ang LDR."


Hanga daw si Maymay sa effort na ipinapakita at ipinapadama sa kanyang kanyang nobyong si Aaron.


Mula palang daw nung una ay consistent daw ito sa pagpaparamdam sa kanya na siya lang ang bukod tanging babae sa puso ni Aaron.


Aniya pa, "Siya po ay sobrang consistent niya talaga na magbigay ng time, sobrang OA nito pero 24/7 kaming nagtatawagan, kahit nagtatrabaho siya nandiyan lang ako natutulog, or ako nandito siya natutulog."


"Hanggang magmeeting time namin saka kami mag-uusap o manonood ng movie."


Hirap man daw isipin ng kanilang relastion ay masasabi daw ni Maymay na worth it ang kanyang nobyo.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo