Betong Sumaya, Nagreact Sa Mga Bashers Sa Pagiging Host Niya Sa Eat Bulaga!

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi ang isa sa mga panibagong host sa rebranded Eat Bulaga na si Betong Sumaya sa mga pambabatikos na natanggap niya.


Naglabas ng isang TikTok video ang komedyante kung saan ipinahayag niya sa kanyang mga kritiko ng bagong Eat Bulaga ang kanyang saloobin sa natatanggap na pambabatikos dahil lang sa pinalitan nila ang dating mga hosts ng show.


Nakikiusap sa mga netizens si Betong Sumaya, isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga,’ na itigil na ang pang-iinsulto sa kanila.


Ipinahayag din ni Betong sa kanyang Tiktok video na alam naman na nilang mababash sila sa pagtanggap sa offer ng TAPE Inc. kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga taong umintindi sa kanila.


"Alam po namin na ito po talaga ‘yung kahaharapan namin guys.”


“Salamat po sa mga nakakaintindi, at sa mga hindi po makakaintindi, hindi ko po kayo masisisi,” saad ni Betong.


Iginiit rin niyang hindi naman talaga nila mapapalitan ang TVJ sa Eat Bulaga. Gayunpaman, hiling niya na sana ay itigil na ang pamamahiya sa kanila dahil ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.


 “I hope the shaming of them stops, especially since they have to work.”


“Wala po talagang makakapalit po, ni katiting, wala po talagang makakapalit po sa kanila, walang wala! At alam po namin ‘yun,” pagpupunto ni Betong.


“Kailangan niyo rin po sanang maintindihan na kailangan din po namin magtrabaho, at gaya niyo rin po guys, kapag hindi tayo nagtrabaho, paano po tayo makakakilos sa pang-araw-araw? Kayo po kaya lumagay sa posisyon namin guys? Huwag pong ganun,” dagdag pa ni Betong.


Maging ang mga kasamahan ni Betong Sumaya na mga bagong hosts sa Eat Bulaga kagaya nina  Paolo Contis, Buboy Villar, Alexa Miro, at ang kambal ng Legaspi na sina, Mavy and Cassy.


Sa lahat ng mga nabanggit si Paolo Contis ang pinakanakakatanggap ng pambabatikos.



@alientv_official Betong Sumaya to Bashers #tvj #eatbulaga #betong #newhost #basher ♬ original sound - Alien_T.V

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo