Kambal Na Sina Mavvy at Cassy Legaspi Pinapa Pull Out Bilang Hosts Sa Eat Bulaga!

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Jerome

 


Kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi pinapa pull out bilang mga host sa Eat Bulaga.


Ito ay dahil sa mga pambabatikos na natatanggap ng dalawa mula sa mga tagasuporta ng TVJat ng iba pang mga host na nagsikalasan na sa TAPE incorporated.


Sa katunayan nga ay sa mga official pages at mga account ng dalawa ay nagkokomento ang mga ito at doon nila binabatikos sina Mavy at Cassy Legaspi.


At pati na rin sa mga pages ng kanilang mga magulang na sina Carmina at Zoren Legaspi ay pinagpapayuhan ang mga ito at ang iba ay nagsasabi din ng mga negatibong Komento.


Tinatanong din ang mag-asawang Legaspi kung bakit ba daw nila pinayagan ang kanilang mga anak, na mag host sa Eat Bulaga gayong sa una palang daw ay sobra na ang suporta ng mga netizens sa TVJ.


Ayon pa sa mga netizens na dapat daw ay ipull out na nina Zoren at Carmina ang kanilang mga anak sa Eat Bulaga, habang wala pa silang pinipirmahang kontrata sa Eat Bulaga.


Sigurado daw kasi na hindi rin daw magtatagal ang show at magdudulot lang ito sa pagkasira ng career ng kanilang mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.


Ngunit tila hindi naman apektado sa usaping ito sina Carmina at Zoren dahil wala manlang silang sinasagot sa kabila ng mga katanungan ng mga netizens.


Samantala, nitong kamakailan lang ay na interview na din ni Boy Abunda ang isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga na si Mavy Legaspi.


Dito nga ay malinaw nga na hindi apektado si Mavy sa mga negatibong salita na ibinabato ng mga netizen sa kanya.


Ayon pa sa kanya na kahit anu man daw na mga proyekto na makakatulong sa pag improve ng kanyang skill ay tatanggapin niya, at nag-eenjoy din daw siya sa kanyang paghohost sa Eat Bulaga.


Ibig sabihin lang ng sagot na ito ni Mavy ay wala nga siyang pakialam sa mga naririnig at nababasa niya na mga negatibong komento sa kanilang magkapatid.


Dahil ang mahalaga lang daw sa kanya ngayon ay ang trabaho, mag-improved at makapagpasaya ng mga tao.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo