David Chua Nilinaw Ang Estado Ng Relasyon Nila Ni Devon Seron

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely

 

Nilinaw ng aktor na si David Chua ang estado ng relasyon nila ng kanyang GoodWill co-star at aktres na si Devon Seron.


Sa isang panaya, sinagot ni David ang isyu sa pagitan nila ni Devon matapos mapansin ng mga netizens na tila in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.


“Kami ni Devon, okay kami. Nagkaroon kami ng tampuhan, months ago ata, weeks ago. Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasan ‘yun sa… hindi relasyon eh. Siguro relasyon namin parang kami lang ‘yung nagkakaintindihan ngayon,” paglilinaw ni David Chua.


Inamin din ng aktor na siya mismo ang unang nag unfollow sa aktres at sumunod na lamang ito sa kanya.


“Hindi kami magkaaway. May konting hindi pagkakaintindihan lang sa isang bagay. So aminado ako, ako unang nag-unfollow. Tapos maya maya, siyempre siguro nakita niya in-unfollow ko siya, in-unfollow din niya ako,” pagbabahagi pa niya.


“Pero nag-usap kami, ‘Hoy ba’t mo ‘ko in-unfollow?’ ‘Eh ba’t mo ‘ko in-unfollow din?’ ‘Fa-follow na ba kita?’ Pero ‘di pa rin kami. Siguro inaantay niya ako mauna.”


Sa kabilang banda, nilinaw din ni David na hindi naman talaga niya masasabing magboyfriend-girlfriend talaga sila ni Devon Seron.


“Hindi ko siya girlfriend, hindi niya ‘ko boyfriend. Dumating ako sa time na nanunuyo ako sa kanya, pero nanggaling kasi kami pareho sa relasyon na parang masyado kaming nasakal. So ayaw namin ibalik parehas sa ganung klaseng relasyon kung anong meron kami,” aniya.


“Special sa akin si Devon. Kung may taong alam ng sikreto ko, si Devon ‘yun. Kung may taong alam ang sikreto ni Devon, ako ‘yun. So ang relasyon namin, hindi lang kami magkaibigan,” sabi pa niya. “Pero hindi pa kami umabot sa level na nagkakaroon ng intimacy. Wala pa kami sa level na ‘yun. Hanggang dun muna kami.”


Sa ngayon ay mas pinagtutuunan umano nila ng pansin ang kanilang sitcom na Goodwill bago ang lahat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo