Bullet Jalosjos Umalma Sa Pahayag Ni Tito Sotto Na Diumano'y Gagamitin Niya Sa Kanyang Political Career Ang Eat Bulaga

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


Nag-react ang chief finance officer ng TAPE Inc. na si Bullet Jalosjos, na kasalukuyang Mayor ng Dapitan City, sa sinabi ni dating Senate President Tito Sotto na gagamitin niya ang Eat Bulaga para sa kanyang mga political plan.


Matatandaang ipinahayag ni Tito sa isang panayam na isa sa mga hindi nila nagustuhan sa bagong pamunuan ng TAPE, ang production company sa likod ng longest-running noontime show ay ang gagamitin ito para magpakilala ng partylist.


Lumabas din ang tsismis na nagpaplanong tumakbong Senador sa susunod na halalan si Bullet Jalosjos at gagamitin niya ang isang segment ng show para i-promote ang kanyang image.


Sa isang panayam kamakailan, sinagot ni Bullet Jalosjos ang pahayag ni Tito Sotto na nais ng bagong TAPE management na baguhin ang segment na Bawal Judgmental to Search for Kasambahay.


“These are all speculations. We just launched our show, so wala pang ‘kasambahay’ segment. Sa kanya po nanggaling ‘yan,” saad ni Bullet Jalosjos.


Pinabulaanan din niya ang pahayag ni Tito Sotto na gagamitin niya ang isang segment ng show para sa kanyang political carreer.


“As of now, wala pa po. Right now, we are just looking at a segment na gagawan naming contest. Sa lahat ng mga kasambahay, whether nasa Pilipinas man o abroad, mga OFW, pwede silang manalo,” pagpupunto ni Bullet.


Nauna rito, ipinahayag ni Bullet Jalosjos na hindi sila itinuring na pamilya ng Eat Bulaga hosts bagkus at pinaparamdam umano ng mga ito ang kanilang disgusto sa kanila bilang mga bagong namumuno ng TAPE Inc.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo