Joey De Leon Nagsalita Na Sa Pagkalas Nila Sa TAPE Inc.

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Masayang nagpaunlak sa isang interview ang tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon dahil malaki na ang posibilidad na matutupad ang kanyang pangarap na lalagpas 50 years ang Eat Bulaga.


Ang Eat Bulaga! ay unang umere sa RPN 9 mula 1979 hanggang 1989, lumipat ng ABS-CBN mula1989 hanggang1995), at tumawid naman sa GMA-7 mula 1995-2023. Ngayon ay posibleng mapunta naman ito sa TV5—kung sakaling maayos nila ang isyu sa trademark nito na kini-claim din ng dati nilang production company na TAPE Inc.


Ibinahagi rin ni Joey De Leon na magkakaroon sila ng panibagong segment sa pagbabalik ng kanilang show, kasama sina Tito Sotto at Vic Sotto.


Malugod ring sinagot ni Joey De Leon ang mga katanungan tungkol sa pag-alis nila sa TAPE Inc. nito lamang May 31.


 “A, nagulat nga kami, actually, sa totoo. Well, ang hirap anuhin, e, hanggang ngayon naguguluhan nga ako bakit nangyari, e, pero...


“Well, sabi nga ng isang kaibigan namin yung tungkol sa rejection, ‘Rejection is God’s redirection.’”


Aminado rin si Joey De Leon na naging emosyunal siya sa tuluyang pag-alis nila sa TAPE na nakasama nila sa loob ng maraming taon.


“Iyakin talaga ako, e. Nag-text sa akin, ang sabi niya, ‘Are you okay?’ Ang gulo, e. So, tinawagan ko.


“Tinawagan ko, sabi ko, ‘Okay, we’re okay.’ Tapos, binanggit ko, ‘O, kayo, okay ba kayo?’


"Ako naman bumaligtad kasi nabalitaan ko na parang nag-advance [payment] na sila ng malaking subscription ba tawag o ano, hindi ako marunong sa mga sales, e.


“Three years ata ang in-advance nila sa show namin [sa GMA-7].


“Biglang kinut ako, nagalit, sabi niyang ganun, ‘No, hindi importante sa amin yun. Hindi importante sa amin yun, bahala kami sa ginagawa namin. Ang gusto naming malaman ay kung okay kayo.’


"Umiyak na ako. Hindi ko alam ang mangyayari, e." bahagi ng pahayag ni Joey De Leon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo