Cristy Fermin Inis Na Inis Kay Diego Loyzaga

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa aktor na si Diego Loyzaga dahil sa 'nakakainsulto' nitong ginawa sa kanya.


Hindi nagustuhan ni Manay Cristy Fermin ang last minute na pag-atras ni Diego Loyzaga sa kanilang interview para sa Cristy Ferminute. Ayon kay Cristy Fermin, nakita lamang ni Diego Loyzaga ang teaser at mga katanungan sa kanya ay umatras na ito.


Ayon kay Cristy, ikinatwiran daw ni Diego na hindi siya makapasok kaya hindi na ito nakapanayam sa naturang programa.


Ibinahagi pa ni Manay Cristy Fermin na noong March ay nagpunta sa konsulado ng Peth sa Australia  si Diego Loyzaga at may kasama umano itong babaeng nagdadalang-tao.


"Hindi mo ba alam kung gaano katinding abala ang ginawa mo sa amin kahapon? Paano kung wala pala kami nakahandang materyales dahil inilaan namin sa'yo ang panahon. Paano kung kami pala ay mangangarag? Bigla kang umalis. Makalawang beses mo na yang ginawa sa amin, Diego Loyzaga."


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na sa lahat ng mga Loyzaga ay si Diego lamang ang bastos.


"Diego wala ka pa sa posisyon na pupuwede mong gawin ang ganyan. Ang pamilya mo ay mahal ko. Ang nanay mo ay mahal ko. Kahit minsan sinuman sa pamilya Loyzaga, wala akong kinakitaan ng kabastusan.


"Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos. At iyan ay kaya kong panindigan kahit saan tayo makarating. Dalawang beses mo nang ginawa yan, hindi na yan mauulit Diego Loyzaga."



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo