Rendon Labador, Pinagsabihan Si Paolo Contis Na Unahin Ang Pagbibigay Ng Sustento Kaysa Papremyo

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Hindi rin naitago ng mpotivational speaker at businessman na si Rendon Labador ang kanyang pagkadismaya sa pagiging host ni Paolo Contis sa rebranded Eat Bulaga.


Sa kamakailang social media post ni Rendon Labador, ipinunto niyang dapat unahin ni Paolo Contis ang pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kaysa sa pamamahagi ng papremyo.


“Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro? Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo,” saad ni Rendon.


“Paolo Contis. Ang tigas ng mukha mong mag host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago pa-premyo!” dagdag pa ni Rendon Labador.


Pinayuhan pa ni Rendon si Paolo Contis na baguhin na ang takbo ng kanyang buhay. Simulan sa pagbibigay ng suporta sa mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.


Sumang-ayon naman ang mga netizens sa pahayag ni Rendon Labador ngayon, taliwas sa mga nauna niyang pambabanat kina Coco Martin at Michael V.


“Mindset before talking kung kailan tumanda. Daming nasaktan na mga babae. Dapat mag sustento ka muna. Before yourself to do so.Mag bigay ka ng mga sustento sa babae mo sa mga anak mo. Ganyan ka naman sa lahat ng tinikman mo. After manganak iwanan mo. At anak walang sustento. Do rights things in yourself.”


“Dito ako agree sayu Rendon Labador bigyan ng motivation rice yan.” 


Matatandaan na nauna nang inamin ni Paolo Contis na noon pa man ay hindi na siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.


Subalit, mayroon naman umano siyang hinuhulugang saving s account para sa mga ito.


“It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay,” pag-amin ni Paolo sa panayam ni Boy Abunda.


“But ever since na nagtrabaho ako ng maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay Xonia, kay Xylene, pati kay Summer.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo