Julia Barretto Hindi Nakikipagkaibigan Sa Kanyang Mga Ex

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Ang actress-entrepreneur na si Julia Barretto ay nagpahayag ng stand tungkol sa pagkikipag kaibigan sa kanyang mga ex.


Matatandaan na dumaan sa matinding batikos si Julia Barretto nang masangkot siya sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.


Sa panahon din iyon karelasyon ni Julia ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.


Samantala sa isang panayam kay Julia Barretto, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung handa ba siyang makipagkaibagan muli sa kanyang mga ex boyfriend.


Ayon kay Julia Barretto, para sa kanya ay hindi nakakabut ang muling pakikipg close sa mga dating nakarelasyon. Para kay Julia, sa pagtatapos ng relasyon magtatapos na rin umano maging ang friendship.


Subalit, ipinunto naman ni Julia na maari pa ring maging civil sa isa't-isa.


"And especially if you are happy at the moment ‘di ba it’s really as respect to your current partner as well because hindi naman yata proper,” dagdag pa ni Julia.


Marami naman sa mga nakapanood sa panayam ang sumang-ayon sa punto ni Julia Barretto. Ipinunto rin ng ilan na hindi madaling makipagkaibigan muli sa mga ex lalo na kung hindi naman naging maayos ang hiwalayan na nagaganap.


Si Julia Francesca Barretto Baldivia, na mas kilala sa kanyang screen name na Julia Barretto, ay isang artista at modelong Pilipino. Tinaguriang "Drama Princess" ng kanyang henerasyon ng iba't ibang media outlet.


 Kasalukuyan niyang karelasyon ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo