Gerald Anderson Nagbigay Ng Paalala Sa Mga Kapwa Niya Lalaki: "Be a Good Partner!"

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 26, 2022


Nagbigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa 'modern masculinity' ang dalawang Kapamilya Star na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Ang Kapamilya Stars na sina Sam Milby at Gerald Anderson ang cover ng latest digital magazine na Flex. 

Sa naganap na virtual presscon kahapon sa dalawang Kapamilya leading men, nagbigay sila ng kani-kanilang pahayag tungkol sa 'modern masculinity'.

Ayon kay Gerald Anderson, “Medyo old school ako eh. I think a man should know his responsibilities. Kapag may maling ginawa, own up to the responsibilities. Kapag may tamang ginawa, learn from it. Do more of it. Be a good citizen, be a good person, be a good partner, and be a good member of the family. Alagaan mo ‘yung pamilya mo, alagaan mo ‘yung mahal mo sa buhay."

Dagdag pa nito, “Be respectful, be competitive but also be humble. Always learn from your mistakes and try to be a good person. Para sa akin, I think that’s the modern man."

Samantala, ayon naman kay Sam Milby,  dapat makuntento ang lalaki sa anumang meron siya.

“I’m 38 now and I’m very contented, I’m happy and in love with Catriona Gray. I’ve been so blessed after 16 years sa business, still having work. Matatapos na ang ‘The Family Affair’ and it’s such a big blessing kahit lahat ng pinagdaanan. It’s the growth that you go to kasi kung wala kang pinagdadaanan, kung wala kang pagsubok sa buhay, you have no growth."


Dagdag pa niya, "It’s knowing and accepting the mistakes that you make and growing from them, and always being humble and seeking out, wanting to keep growing and that’s what I wanna do. I wanna keep growing kahit 60s, 70s na ako. You’ll never gonna stop growing. I’m really content with my life right now. I’m happy."



Angelica Jane Yap Nanggigil Kay Melissa Enriquez! Plastic Daw Si Pastillas Girl

Walang komento


Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl tahimik pa rin hinggil sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake sa kabila ng pagkakadawit sa kanyang pangalan.

Matapos ang ilang araw na bardagulan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino sa social media. Nagkanya-kanya na ng pagpapalabas ng video at pahayag ang mga personalities na nadamay sa kanilang isyu at nagbigay reaction sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino.

Kaya naman tanong ngayon ng ilan, bakit nananatiling tahimik si Pastillas Girl bagama't isa siya sa mga nadawit sa isyu. Matatandaang napansin ng mga netizens ang komento ni Angelica sa nakaraang parinig post ni Wilbert kay Zeinab.

Komento ni Angelica Jane Yap, "Parang naiyak ako nung nabasa ko 'to hayaan mo may hangganan din lahat ng masasama. Love you ma labaaan."

Agad namang nagreact ang kaibigan ni Zeinab na si Melissa Enriquez at kaagad binuweltahan si Angelica sa kanyang twitter account. 

Tweet ni Melissa, "Parang naiyak ako nung nabasa ko 'to hayaan mo may hangganan din lahat ng masasama. Love you ma labaaan- linyahan ng mga plastik at mapagpanggap sa social media."

Agad namang nagkomento si Angelica Jane Yap at sinabing i-tag siya kung totoong matapang si Melissa. 



Samantala, tila sinang-ayunan naman ng iba pang nagkomento sa post ni Melissa ang kanyang pahayag tungkol sa pagiging backstabber umano ni Angelica Jane Yap.

Sa kabilang banda, tila nais na rin ni Flow G. na kumawala sa isyung kinasangkutan sa bangayan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Sa kanyang Facebook post sinabi niyang, "Protect your peace, ignore nonsense and enjoy life."

Ion Perez May Nakakalanggam Na Mensahe Para Sa Kanyang Asawa Na Si Vice Ganda!

Walang komento

Martes, Oktubre 25, 2022


Minarkahan ng It's Showtime couple na sina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang 4th anniversary.

Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang mga sweet moments together sa kanilang mga Instagram stories. May ibinahagi din mensaheng napakatamis si Ion para sa kanyang misis.

"Uulitin ko! Maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sayo walang rason para maging MALI!!!


Happy 4th anniversary asawako! 💜💜💜" caption ni Ion sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nila ni Vice sa ilalim ng napakagandang fireworks.

Agad namang bumuhos ang mensahe ng pagbati mula sa mga kaibigan at tagahanga ng dalawa.

Wilbert Tolentino Nag-Sorry Sa Lahat Ng Nadamay Sa Isyu Nila Ni Zeinab Harake! Nais Nang Mag-Move on!

Walang komento


Muling nag-live sa Facebook si Wilbert Tolentino upang bigyan ng linaw ang naging ugat ng alitan nila ni Zeinab Harake.

Sa kanyang live, ipinaliwanag niya ang kanyang pinagdaanan lalo na noong lumabas ang pagpapatama ni Zeinab sa social media. Agad naman umano siyang nag reach out kay Zeinab ngunit hindi na siya nireplyan ng huli.

Labis din umano siyang nasaktan dahil hinayaan ni Zeinab na pagpyestahan sa social media ang kanyang pangalan bilang isang user at nadamay na ang kanyang anak.

Kaya lamang umano niya inilabas ang mga screenshots ay upang paniwalaan siya ng mga tao. Pinabulaanan din ni Wilbert Tolentino ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza.

Nilinaw din rito ni Wilbert Tolentino ang mga paratang ni Makagago laban sa kanya kung saan naglabas pa siya ng mga test results. Humingi din siya ng tawad kay Zeb at sinabing spread the love na lamang silang lahat.

Hiling ni Wilbert Tolentino na mag-ingat ang lahat sa fake news, spread the love at mag-move on na ang lahat.

Xian Gaza Hinamon Ng Abogado Ni Wilbert Tolentino! Nasaan Ang Ebidensya Mo?

Walang komento


Nagbigay na ng sagot si Wilbert Tolentino sa mga naging alegasyon ni Xian Gaza laban sa kanya sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Pinapili ng abogado ni Wilbert Tolentino si Xian Gaza kung gagawa ba ito kaagad ng public apology o magsasampa na lang sila ng kaso.

Ayon sa ipinalabas na video ng Abogado ni Wilbert Tolentino sa Facebook, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza sa kanyang rebelasyon sa Facebook. Mismo ang Abogado ni Wilbert na Atty. Toto Causing ay itataya umano ang kanyang pangalan na walang katotohanan ang lahat ng paratang ni Xian kay Wilbert.

Matatandaang naging laman ng pa-blind item ni Xian Gaza si Wilbert Tolentino na umano'y isang online scammer. Bagama't hindi pinangalanan ni Xian sa kanyang video si Wilbert Tolentino. Sunod-sunod naman ang post ni Xian ng mga screenshot na nagpapahiwatig na si Wilbert Tolentino ang kanyang tinutukoy sa kanyang naunang video.

Ayon kay Atty. Toto Causing, dapat ay magpublic apology si Xian at ibaba ang kanyang pride dahil kung hindi baka maisipan umano ni Wilbert na sampahan siya ng kaso.

Hinamon din nito si Xian na ilabas ang kanyang mga ebidensya kung mayroon man. Pinabulaanan din nito ang ipinakitang news articles ni Xian Gaza kung saan mababasa dawit si Wilbert Tolentino sa isang panloloko. May ipinakitang dokumento ang abogado na nagpapatunay na nadismiss ang kaso.

Sawsawera Queen Sinabing 'Taklesa' Si Zeinab Harake Ngunit Mali Si Wilbert Tolentino!

Walang komento


Sumawsaw na sa isyu sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake ang tinaguriang 'Sawsawera Queen' na si RR Enriques. 

Ayon kay RR, pareho silang may mali at naggamitan sa isa't-isa para magkaroon ng maraming subscribers at views. Tinatayang nasa 700,000 sa mga subscriber ni Wilbert Tolentino ay mula umano kay Zeinab Harake.

Dagdag pa ni RR na deserve din ni Zeinab ang milyon-milyon talent fee mula sa kanyang pagtatrabaho para sa channel ni Wilbert.

Hindi rin nagustuhan ni RR ang pagsisiwalat ni Wilbert Tolentino sa mga napag-usapan nila noon ni Zeinab kung saan nadadawit ang ibang vloggers at influencers. Sinabi rin niya na kilala niyang taklesa si Zeinab Harake kaya umano nito nagawa ang mga iyon.

Ipinagdiinan pa niya na lahat naman ay may bad attitude. Pinayuhan din niya si Zeinab Harake na huwag magsabi ng kung ano-anong masasama sa ibang tao kahit pa sa sariling kaibigan.




Herlene Budol Sumabak Na Sa Speech Training Para Sa Miss Planet International 2022!

Walang komento


Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl, nagsimula na sa pag-eensayo para sa nalalapit niya international beauty pageant, ang Miss Planet 2022.

Rarampa ang Bb. Pilipinas First Runner Up na si Herlene Nicole Budol sa darating na November 19, 2022 sa Uganda kung saan gaganapin ang Miss Planet International 2022.

Ibinahagi ni Herlene sa kanyang social media account ang kanyang speech training sa pagsagot sa Q and A sa gitna ng distractions at time limit.



Zeinab Harake at Toni Fowler Nagkaayos Na!

Walang komento


Matapos ang mainit na rebelasyon ni Toni Fowler laban kay Zeinab Harake, kung saan ibinulgar nito ang ilan sa mga baho ni Zeinab at ang umano'y ginawa nito sa bar. Kabilang si Toni Fowler sa mga vloggers at influencers na nadamay sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Labis na nagalit si Toni Fowler sa pagtawag umanong 'trash' ni Zeinab sa kanila ng kanyang pamilya. Sa kanyang galit ay agad siyang bumwelta kay Zeinab ang inilabas ang ilang mga secreto nito.

Ilang araw matapos ang trending na live video ni Toni Fowler, muli itong naglabas ng video kung saan inamin niya na may pagkakamali din siya kay Zeinab. Ibinahagi din nito ang muling paghingi ng sorry ni Zeinab sa kanila.

Ayon kay Toni Fowler, thumbs up siya sa pagpapakumbaba ni Zeinab at muling paghingi ng paumanhin sa kanilang nadamay sa isyu. Kaya naman kumalma na siya at pinatawad si Zeinab Harake. Nilinaw din niya na titigil na siya at wala ng part 2 ang kanyang 'rebelasyon'.

Biglang Bawi Ni Xian Gaza Sa Kanyang 'Rebelasyon' Hindi Raw Si Wilbert Tolentino Ang WT Sa Kanyang Blind Items!

Walang komento


Tila biglang natauhan si Christian Albert Gaza aka Xian Gaza sa kanyang mga nagdaang rebelasyon tungkol sa taong sinasabi niyang malaking scammer.

Matatandaang matapos ang 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino tungkol sa totoong pagkatao ni Zeinab Harake. Kasunod nito ay ang pagla-live ng iba pang mga vlogger na nadamay sa isyu ng dalawa kung saan mas nadidiin si Zeinab. Nakisawsaw ang self-proclaimed marites na si Xian Gaza at sinabing kampi siya kay Zeinab dahil magkaibigan sila at maglalabas din umano siya ng 'rebelasyon' tungkol kay Wilbert Tolentino.

Ngunit biglang binawi ni Xian ang lahat ng kanyang mga sinasabi at pinagbubura ang nauna niyang mga post tungkol kay Wilbert Tolentino. Nitong Martes, naglabas ng official statement si Xian Gaza at sinabing hindi si Wilbert Tolentino ang kanyang tinutukoy sa kanyang rebelasyon at pa-blind item. Hindi rin umano niya kilala si Wilbert Tolentino at narinig niya lamang umano ang pangalan nito 2 days ago.

Narito ang buong official statement ni Xian Gaza.

"OFFICIAL STATEMENT OF CHRISTIAN ALBERT GAZA ABOUT HIS BLIND ITEM VIDEO "ANG REBELASYON"

Kung mapapansin ninyo ay wala akong binanggit na pangalan sa buong video. Kung nag-assume ang publiko sa pagkatao nito, then that's not my problem anymore. I am not legally accountable for that. The top 2 elements of a defamation case is the identity and the libellous claim. If it's a blind item and there's no identity at all, then there's no libel case on the table. So please stop linking my exposé video to a certain "Wilbert Tolentino". For the record, that is not true. I am publicly denying all the allegations na yung taong tinutukoy ko sa video ay si Wilbert Tolentino. I am giving my full consent to use this Facebook post as an official evidence to the proper judicial court. Hindi po yun totoo. Inosente po ako. Kahit basahin niyo pa po lahat ng Facebook posts ko eh wala po kayong makikitang paninira to a certain "Wilbert Tolentino" na galing mismo sa akin dahil in the first place ay hindi ko po kilala ang tao na yan. Napanood ko lang po two days ago sa social media na ang tao na yan ay nagbabayad ng malaki para mag-trending at sumikat.

Ngunit hindi pinalagpas ng ilang mga netizens ang sinabi ni Xian na hindi niya pinangalanan si Wilbert Tolentino sa kanyang mga posts.

Matatandaang matapos nitong ibinahagi ang kanyang rebelasyon tungkol sa isang taong lider umano ng malaking credit card fraud, naglabas si Xian ng mga screenshots ng umano'y dating mga empleyado ni Wilbert Tolentino sa kanyang scamming company.

Komento ng mga netizens na tila natatakot si Xian na makasuhan ni Wilbert Tolentino kaya pinagbubura ang mga naunang posts. Subalit tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng mga screenshots nito at muling ipinakalat sa social media.




Kuya Kim Nagbigay Ng Words of Wisdom Tungkol Sa Fame Sa Gitna Ng Bangayan Nina Zeinab at Wilbert!

Walang komento


 Ibinahagi ng Kapuso TV host at trivia master na si Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim ang kanyang words of wisdom tungkol sa fame.

Mainit na usapin ngayon sa mundo ng social media ang hindi pagkakaunawaan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Kung saan marami ring vloggers at influencers na nadadamay.

Bagama't hindi pinangalanan, kung sino ang pinapatungkulan ni Kuya Kim sa kanyang words of wisdom. Hinuha ng lahat na ang dating magkaibigang Zeinab at Wilbert Tolentino ang  tinutukoy nito.

Ayon sa post ni Kuya Kim sa kanyang Facebook account, “Fame is so fleeting, so temporary. Ingat sa sinasabi o pinopost pag sikat ka. Baka sa isang taon, di ka na sikat, you will be totally humbled."

Samantala, sa comment section nilinaw ni Kuya Kim na wala siyang personal na pinapatamaan sa nasabing post. Ang kanyang post umano ay para sa kanya, mga kasamahan niya sa trabaho, vloggers, influencers o sinuman ang nasa spotlight.


Atom Araullo Nilinaw Ang Totoong Kahulugan Ng Kanyang Pangalan!

Walang komento


Tila hindi pa rin natatapos ang pang-iintriga kay Atom Araullo ng ilang mga netizens na kabilang umano ito sa mga activists kasama ang kanyang mga magulang.

Matatandaang naunang pinabulaanan ni Atom ang isyung ito at sinabing isa itong disinformation o fake news.

Ngayon naman sa pamamagitan ng isang tweet nilinaw ni Atom ang kahulugan ng kanyang pangalanan. Nakarating kasi sa kanya na may isang netizen na nagpapakalat na ang kahulugan umano ng pangalan ni Atom ay “August Twenty One Movement”. Ito ang kilusang umusbong matapos ang pagpaslang kay Sen. Ninoy Aquino sa Manila International Airport na ngayon ay NAIA.

Ipinaliwanag ni Atom na ang kahulugan ng kanyang pangalan ay mula sa pinagsamang pangalan ng kanyang mga lolo na sina Alfonso at Tomas.

“Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM. Pinaslang po si Ninoy noong Aug 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (ayan age reveal tuloy). Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig,” tweet Atom.


“Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano’y secret political agenda ko (gasp). Never thought I’d need to explain this, but here we are. #Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon.”


Angelica Panganiban, Ibinahagi Ang Kanyang Favorite Thing in the World!

Walang komento


Masayang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram stories ang mga video at larawan nila ni Gregg Homan kasama ang napakacute nilang si Baby Amila.

Makikita sa isang larawan na mahigpit na nakahawak si Baby Amila sa kamay ng ina. Caption ni Angelica sa larawan, "Favorite thing in the world wwhen she grabs my finger and won't let go."

Makikita rin sa mga ibinahaging larawan at videos ng aktres na napakahands-on nila pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak. Nauna nang sinabi ni Angelica na wala silang kinuhang yaya na mag-aalaga kay Baby Amila.

Salitan at nagtutulungan umano sila ni Gregg sa pag-aalaga rito. Samantala, naunang ibinahagi ni Angelica Panganiban na nagpapasalamat siya sa isang cute baby carrier. Dahil umano rito nakapaglinis at nakapaghugas siya ng pinggan habang karga si Baby.



Inilabas Na Ni Robi Domingo Ang Resibo Na Meron Siyang 'Market', Ano Ka Ngayon Zeinab!

Walang komento


Isa si Robi Domingo sa mga personalities na nadawit sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. Isiniwalat noong linggo ni Wilbert Tolentino ang mga pambabackstab umano ni Zeinab Harake sa ilang mga vloggers at influencers na nais niya makacollab.

Ayon umano kay Zeinab hindi mabuting makipag-collab kay Robi Dominggo dahil sa kawalan nito ng market. Sa ibinahaging screenshot ni Wilbert Tolentino, mababasa ang chat ni Zeinab na, "Wag yung Robi Domingo ha. Walang market dun maloka ka dun shhh lang."

Kaagad naman itong nakarating kay Robi at napatweet ng, "Oh wow, how true."

Samantala, naglive naman si Zeinab at ipinaliwanag ang kanyang side. Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga nadadamay sa isyu nila ni Wilbert.

Nitong lunes, muling nagtweet si Robi Domingo at pinatunayang may 'market' siya. Ayon sa tweet ni Robi, "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron."

Agad namang umani ng nakakatawang komento mula sa mga netizens ang tweet ni Robi.

Rana Harake Nagsalita Na Naglabas Ng SS Sa Convo Nina Wilbert Tolentino At Zeinab Harake!

Walang komento

Lunes, Oktubre 24, 2022


Nagbigay ng pahayag ang kapatid ni Zeinab Harake na si Rana Harake hinggil sa isyu na kinasangkutang ng kapatid at Wilbert Tolentino.

Nagpatutsada si Rana Harake kay Wilbert Tolentino sa kanyang latest post. Ayon sa kanyang Facebook post, "Oct 13, 2022 yung post ni zeinab Oct 20, 2022 nag reach out si zeinab para ayusin in private ang problema at para malinawan ka na hindi ikaw o kayo ang pinapatamaan niya dahil hindi naman talaga 6 months ago na lahat ng pangyayare bakit ngayon pa nga ba siya mag papatama? Nag message sayo ng maayos yung tao di mo ginawang kausapin in private gulo talaga sa social media gusto niyo at ipahiya siya. Hayaan niyo na lang yung tao mag move on at maging masaya sa buhay niya dami na niyang pinagdaanan na kahit kami mismo di na namin alam pano niya kinakaya sana isa sa inyo nasa kalagayan nya para alam nyo yung pakiramdam!"

Kalakip ng post ni Rana ay ang screenshots ng pagrereach out umano ni Zeinab kay Wilbert Tolentino.






Just in ! Ruru Madrid at Bianca Umali Engaged Na!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga tagahanga nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi kamakailan ni Bianca Umali sa kanyang Instagram account ang larawan niya na nakasuot ng isang magandang singsing. Sa larawan makikitang magkahawak ang kanilang kamay ng kanyang rumored boyfriend na si Ruru Madrid.

"I found the right one," caption ni Bianca sa kanyang Instagram account.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Iniisip ng ilang mga tagahanga nila na engage na ang dalawa. Masaya ang mga ito dahil sa wakas umano ay magkaka-label na ang dalawa.

Matatandaang nagtrending noon ang umano'y no label relationship ng dalawa. Kung saan nadawit pa ang ama ng aktor na si Ruru Madrid.


Anne Curtis Rumesbak Sa Pahayag Ni Vice Ganda! Tinawag Na Ulyanin Si Meme!

Walang komento


Matapos ang mahabang rant ng Unkabogable Star Vice Ganda sa kanyang Twitter account, tila hindi naman nagpapigil si Anne Curtis at kaagad rumesback sa kanyang co-host.

Tila sinabayan ni Vice ang mga isyung binabato sa kanila ng kanyang mga kasamahang host sa It's Showtime. Matatandaang naitampok pa at napag-usapan sa isang sikat na Youtube vlog ang umano'y hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga hosts sa nasabing show.

Ayon sa tweet ni Anne, “Ikaw talaga. Sa edad mong 57 Ulyanin na ha. Hindi kamay nalunok ko. Paa. Paa na May bakal. Pero ok lang ung sez! May 3 ka pa naman natitira.”


Kinaaliwan naman ng ilang mga netizens ang pakikisabay ng mga ito sa trending na batuhan ng baho ng mga sikat na vloggers. Matatandaang noon pa man ay madalas nang magbiruan sina Anne Curtis at Vice Ganda. Labis na kinaaliwan ng mga netizens ang resbak ni Anne na ipinahiwatig pang kabayo si Meme.

Samantala, nauna nang ibinahagi  ni Vice Ganda na abala siya ngayon sa pagtataping sa pelikula nila ni Ivana Alawi na entry sa nagbabalik na MMFF.

Dahil Sa Mainit Na 'Spill the Tea' Ng Mga Vloggers! Senyora May Pa Mid-Term Exam!

Walang komento


Trending at mainit na usapin parin ngayon sa iba't-ibang social media platform ang bukingan at labasan ng baho ng mga sikat na vloggers. Naunang nag-spill the tea si Wilbert Tolentino at inilabas kung ano ang totoong ugali umano ni Zeinab Harake bilang user, maattitude at kung ano-ano pa. Naglabas din ito ng mga screenshots na magpapatunay umano sa kanyang claims.

Agad naman itong sinagot ni Zeinab sa kanyang Facebook live at inilahad ang kanyang side sa storya. Ipinaliwanag din nito ang pagkakadawit ng iba pang vloggers at influencers.

Sa pagtrending ng issue sa pagitan ng dating magkaibigang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake at sa paglabas ng kani-kanilang mga baho. Tila nakisabay na rin sa pagtrending ng dalawang ito si Senyora.

Nitong Lunes ng umaga, agad naglabas ng midterm exam si Senyora para sa mga 'mosang' na sumubaybay at nagpuyat sa kapapanoond ng mga live video ng mga vloggers. 

"Gising na mga mosang eto na ang ating Midterm Exam in Marites 101! NO CHEATING! Deadline of Submission: 6PM," caption ni Senyora sa kanyang Facebook post kalakip ang test paper ng mga "mosang".



Vice Ganda Napikon! Isa-Isang Sinagot Ang Binabatong Isyu Tungkol Sa Alitan Ng Mga Co-Hosts!

Walang komento


Tila hindi na nakapagtimpi si Vice Ganda at sinagot na ang mga isyu na ibinabato sa kanila ng mga co-hosts niya sa It's Showtime.

Matatandaang hindi sumipot si Vice Ganda sa grand finals ng Miss Q and A Kween of the Multibeks sa It's Showtime noong Sabado.

Ayon sa Tweet ng netizens, “Ano ba problem ms vice? Bakit natitiis mo Kaming nga followers mo at ang viewers ng showtime. Finals last Saturday siguro naman kahit may shooting pwede Kang payagan ng producer na mag absent kahit one day Lang. Siguro nga totoo na Hindi na kayo ok ng mga cast ng showtime.”

Agad namang itong ni-retweet ni Vice at sinagot ang paratang nito.

“Totoo po lahat ng mga nasa isip n’yo. Wala naman po talagang dahilan kung bat ako absent last sat. Tinamad lang ako talaga. At totoong may mga issues kami ngayon sa showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na,” unang tweet ni Vice.

“Una, TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. Its been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka. And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!”

“Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Magpartner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na magchoreo dahil mabagal pumick up ng sayaw si Jhong. Di makuha ni Jhong ang step ng LintikNaPagIbig at napikon na si Ion at nagpang abot sila.”

“Pangatlo, NAGMURAHAN SI TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa Salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa studio ng masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nagsorry ito. Ayun minura sya ni Teddy.”

“At eto na nga ang pang apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng showtime. Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People…….nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz.”

Idinagdag din ni Vice ang diumano'y pagkakaroon niya ng contract signing sa mga susunod na linggo.

“Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa showtime. Tama ang mga nasa isip nyo. Kaya naman tamad na tamad nakong pumasok. At dahil dyan gusto ko ng magresign. At dahil gusto ko ng magresign ay may contract signing po ako next next week. Ok na po?? Happy?? 🤪.”



Sa huli tila nagpahiwatig si Vice na babalik na siya sa It's Showtime sa darating na myerkules.

“Happy 13’th Anniversary It’s Showtime!!! See u Wednesday! Miss u and love u!!!”

Hanggang Saan Aabot Ang Pera Ni Vhong Navarro? Naipong Pera Maaaring Maubos!

Walang komento


Naging paksa sa usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro habang nakapiit sa NBI detention center.

 Muling napag-usapan nina Cristy Fermin ang maaring kahihinatnan ni Vhong Navarro sakaling magtatagal pa ang kaso nito. Ayon kay Cristy Fermin, maaring mawala ang lahat ng mga pinaghirapan lalo na ngayon na wala na itong trabaho at pagkakakitaan.

“Lahat daw ng naiipon niya, kasi wala na siyang kinikita ngayon, wala na siyang programa, wala na siyang trabaho.Lahat daw ng naiipon niya ay masusunog, mawawala dahil dito sa kasong ito.”

Ayon naman kay Morly, mahirap ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro lalo pa't mapera ang kanyang kalaban. Totoong may pera din umano itong si Vhong Navarro ngunit hanggang saan at hanggang kailan nito matutustusan ang kanyang kaso at iba pang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“‘Yung mga nakalaban niya, mga milyonaryo ‘to, Ate Cristy. Kumbaga, mahaba ang pisi. Kung gaano man kahaba ang tatakbuhin ninyo, may pera ‘tong ilalabas. Si Vhong, artista may pera… Pero hanggang saan? Hanggang kailan?”

Samantala, ongoing pa rin hanggang ngayon ang petisyon ni Vhong Navarro para makapagpyansa sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo upang pansamantalang makalaya.



Herlene Budol Gagawin Ang Lahat Sa Miss Planet International Pageant! Iuuwi Ang Korona!

Walang komento


Tuloy na tuloy na si Herlene Nicole Budol sa pagrampa sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa darating na November 19, 2022.

Patuloy pa rin ang paghahanda ni Herlene para sa kanyang kauna-unahang international pageant. Matatandaang itinanghal bilang Bb. Pilipinas First Runner up si Herlene Budol ilang buwan na ang nakakalipas.

Samantala sa naganap na send-off presscon para sa paglaban ni Herlene para sa Miss Planet International. Binigyang diin ni Herlene ang kanyang advocacy para sa tamang pangangalaga at sa pagsagip sa ating Planeta.

Ayon kay Herlene, "Alam naman natin lahat grabe na ‘yung polusyon na nangyayari sa buong planeta. Para sa akin, bakit hindi natin subukang alagaan, i-save natin ‘yung planeta so ako ‘yung taong hindi conservative pero pilit matututong maging conservative. Sa akin, aaralin ko ‘yung mga bagay na hindi ko pa nalalaman so ako ang magiging sugo ng Planet International para sabihin sa bawat Pilipino, sa buong mundo na alagaan natin ang mga meron tayo dito. Kasi hindi sa lahat ng bagay, magiging mabait sa atin ang planeta so alagaan natin, iligtas natin, at isave natin ang planeta."

Labis naman ang pasasalamat ni Herlene sa mga taong sumuporta at gumabay sa kanya sa kanyang journey bilang beauty queen. Pinasalamatan din ni Herlene ang Bb. Pilipinas Charity dahil sa pagsuporta sa kanya at naging daan upang maisakatuparan niya ang pangarap na makasali sa international pageant.

Hindi man umano siya mangangakong maiuwi ang korona ngunit gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para i-represent ang bansa. Sinabi rin ni Herlene na wikang Tagalog ang gagamitin niya sa pagsagot sa Question and Answer portion.


Nakatagong Lihim Ni Wilbert Tolentino Isinapubliko Ni Xian Gaza! Kamping-kampi kay Zeinab Harake!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa social media ang naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino laban sa kapwa vlogger at dating kaibigan na si Zeinab Harake. Dahil sa palitan nila ng rebelasyon at paglalabas ng baho. Nakisali na rin ang self proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza at naglabas rin ng rebelasyon tungkol kay Wilbert Tolentino.

Ayon sa rebelasyon ni Xian, kaya yumaman at nakakapagbayad si Wilbert Tolentino ng malaking TF sa mga vloggers at influencers ay hindi dahil sa mga negosyo nito, kundi mula sa pang-iiscam sa mga tao. Ibinulgar ni Xian na si Wilbert Tolentino umano ang mastermind of credit card fraud at iba pang scamming activity.

Nagulat din umano si Xian nang malaman niya ito last year hindi lamang umano niya ito ibinunyag dahil itinabi niya ito for 'future use'. Itinaya din ni Xian ang kanyang pangalan na 101% legit umano ang intel na ito dahil mula ito sa dating empleyado na nagtatrabaho kay Wilbert Tolentino.


Samantala, naglabas si Xian ng mga screenshots na magpapatunay ng kanyang mga claims na isang malaking scammer si Wilbert Tolentino na nagpakilala bilang businessman.






Flow G, Nakisali Na Rin! Patuloy Ang Paglalabas Ng Rebelasyon Tungkol Kay Zeinab Harake!

Walang komento


Patuloy pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino tungkol sa totoong pagkatao ni Zeinab Harake.

Matatandaang naunang nagparinigan lamang ang dalawa at hindi nag-ni-name drop ngunit tila hindi na sila nakapagtimpi sa isa't-isa at naglabasan na mga baho. Sa videong ibinahagi ni Wilbert Tolentino na nilagyan niya ng pamagat na 'Rebelasyon', ibinahagi nito ang ilang mga resibo na magpapatunay sa kanyang paratang kay Zeinab bilang user, pa victim, backstabber at may attitude.

Matapos nito, agad na nagFacebook live si Zeinab at ipinaliwanag ang kanyang side of the story. Nanawagan din siya kina Flow G. at dating karelasyon na si Skusta Clee na ihayag din ang totoo. Ngunit sa paghahayag ni Flow G. sa kanyang social media posts tila si Zeinab pa ang lalong nadedehado.

Sunod-sunod ang naging posts ni Flow G. na tila patama kay Zeinab Harake. Hindi man nito pinangalanan sa kanyang posts alam ng lahat na ang mainit na nagsalpukan ngayon ay sina Zeinab at Wilbert.

Unang post ni Flow G., "Ayoko madamay sa isyu nyo’ Mahirap yan may resibo, umayos ka kc Ganun ba dapat, once a squammy always a squammy?! Z’zzzzzzzzz…. tulog na lang ako!"

Pagkatapos ng post na ito ay sunod-sunod na ang mga pagpapatama ni Flow G. kay Zeinab may nabanggit pa itong nagpapabayad din umano si Zeinab sa bawat ka date niya. May payo pa ito na dapat umano'y mag-ingat sa mga ka relasyon dahil baka may rebelasyon at may resibo.

Matatandaang maraming inihayag na screenshots si Wilbert Tolentino laban kay Zeinab samantalang wala mailabas sa Zeinab dahil deleted na umano niya ang mga messages na iyon. Gayunpaman, sinabi ni Zeinab na nagbibiruan lamang sila noong panahong iyon at cropted na ang mga ipinalabas na screenshots ni Wilbert Tolentino.

Samantala, patuloy pa rin ang paglalabas ni Flow ng umano'y baho ng kanya hindi pinangalanang tao ngunit halata namang si Zeinab, tila sinasabi nito na isang pokpok si Zeinab at nagpapabayad sa mga ideni-date na lalaki.

Sinabi din nito na paano natatawag na tulong kung nagpapabayad naman pala umanong 500k.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo