Angelica Jane Yap Nanggigil Kay Melissa Enriquez! Plastic Daw Si Pastillas Girl

Miyerkules, Oktubre 26, 2022

/ by Lovely


Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl tahimik pa rin hinggil sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake sa kabila ng pagkakadawit sa kanyang pangalan.

Matapos ang ilang araw na bardagulan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino sa social media. Nagkanya-kanya na ng pagpapalabas ng video at pahayag ang mga personalities na nadamay sa kanilang isyu at nagbigay reaction sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino.

Kaya naman tanong ngayon ng ilan, bakit nananatiling tahimik si Pastillas Girl bagama't isa siya sa mga nadawit sa isyu. Matatandaang napansin ng mga netizens ang komento ni Angelica sa nakaraang parinig post ni Wilbert kay Zeinab.

Komento ni Angelica Jane Yap, "Parang naiyak ako nung nabasa ko 'to hayaan mo may hangganan din lahat ng masasama. Love you ma labaaan."

Agad namang nagreact ang kaibigan ni Zeinab na si Melissa Enriquez at kaagad binuweltahan si Angelica sa kanyang twitter account. 

Tweet ni Melissa, "Parang naiyak ako nung nabasa ko 'to hayaan mo may hangganan din lahat ng masasama. Love you ma labaaan- linyahan ng mga plastik at mapagpanggap sa social media."

Agad namang nagkomento si Angelica Jane Yap at sinabing i-tag siya kung totoong matapang si Melissa. 



Samantala, tila sinang-ayunan naman ng iba pang nagkomento sa post ni Melissa ang kanyang pahayag tungkol sa pagiging backstabber umano ni Angelica Jane Yap.

Sa kabilang banda, tila nais na rin ni Flow G. na kumawala sa isyung kinasangkutan sa bangayan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Sa kanyang Facebook post sinabi niyang, "Protect your peace, ignore nonsense and enjoy life."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo