Xian Gaza Hinamon Ng Abogado Ni Wilbert Tolentino! Nasaan Ang Ebidensya Mo?

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng sagot si Wilbert Tolentino sa mga naging alegasyon ni Xian Gaza laban sa kanya sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Pinapili ng abogado ni Wilbert Tolentino si Xian Gaza kung gagawa ba ito kaagad ng public apology o magsasampa na lang sila ng kaso.

Ayon sa ipinalabas na video ng Abogado ni Wilbert Tolentino sa Facebook, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza sa kanyang rebelasyon sa Facebook. Mismo ang Abogado ni Wilbert na Atty. Toto Causing ay itataya umano ang kanyang pangalan na walang katotohanan ang lahat ng paratang ni Xian kay Wilbert.

Matatandaang naging laman ng pa-blind item ni Xian Gaza si Wilbert Tolentino na umano'y isang online scammer. Bagama't hindi pinangalanan ni Xian sa kanyang video si Wilbert Tolentino. Sunod-sunod naman ang post ni Xian ng mga screenshot na nagpapahiwatig na si Wilbert Tolentino ang kanyang tinutukoy sa kanyang naunang video.

Ayon kay Atty. Toto Causing, dapat ay magpublic apology si Xian at ibaba ang kanyang pride dahil kung hindi baka maisipan umano ni Wilbert na sampahan siya ng kaso.

Hinamon din nito si Xian na ilabas ang kanyang mga ebidensya kung mayroon man. Pinabulaanan din nito ang ipinakitang news articles ni Xian Gaza kung saan mababasa dawit si Wilbert Tolentino sa isang panloloko. May ipinakitang dokumento ang abogado na nagpapatunay na nadismiss ang kaso.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo