Angelica Panganiban, Ibinahagi Ang Kanyang Favorite Thing in the World!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram stories ang mga video at larawan nila ni Gregg Homan kasama ang napakacute nilang si Baby Amila.

Makikita sa isang larawan na mahigpit na nakahawak si Baby Amila sa kamay ng ina. Caption ni Angelica sa larawan, "Favorite thing in the world wwhen she grabs my finger and won't let go."

Makikita rin sa mga ibinahaging larawan at videos ng aktres na napakahands-on nila pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak. Nauna nang sinabi ni Angelica na wala silang kinuhang yaya na mag-aalaga kay Baby Amila.

Salitan at nagtutulungan umano sila ni Gregg sa pag-aalaga rito. Samantala, naunang ibinahagi ni Angelica Panganiban na nagpapasalamat siya sa isang cute baby carrier. Dahil umano rito nakapaglinis at nakapaghugas siya ng pinggan habang karga si Baby.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo