Flow G, Nakisali Na Rin! Patuloy Ang Paglalabas Ng Rebelasyon Tungkol Kay Zeinab Harake!

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely


Patuloy pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino tungkol sa totoong pagkatao ni Zeinab Harake.

Matatandaang naunang nagparinigan lamang ang dalawa at hindi nag-ni-name drop ngunit tila hindi na sila nakapagtimpi sa isa't-isa at naglabasan na mga baho. Sa videong ibinahagi ni Wilbert Tolentino na nilagyan niya ng pamagat na 'Rebelasyon', ibinahagi nito ang ilang mga resibo na magpapatunay sa kanyang paratang kay Zeinab bilang user, pa victim, backstabber at may attitude.

Matapos nito, agad na nagFacebook live si Zeinab at ipinaliwanag ang kanyang side of the story. Nanawagan din siya kina Flow G. at dating karelasyon na si Skusta Clee na ihayag din ang totoo. Ngunit sa paghahayag ni Flow G. sa kanyang social media posts tila si Zeinab pa ang lalong nadedehado.

Sunod-sunod ang naging posts ni Flow G. na tila patama kay Zeinab Harake. Hindi man nito pinangalanan sa kanyang posts alam ng lahat na ang mainit na nagsalpukan ngayon ay sina Zeinab at Wilbert.

Unang post ni Flow G., "Ayoko madamay sa isyu nyo’ Mahirap yan may resibo, umayos ka kc Ganun ba dapat, once a squammy always a squammy?! Z’zzzzzzzzz…. tulog na lang ako!"

Pagkatapos ng post na ito ay sunod-sunod na ang mga pagpapatama ni Flow G. kay Zeinab may nabanggit pa itong nagpapabayad din umano si Zeinab sa bawat ka date niya. May payo pa ito na dapat umano'y mag-ingat sa mga ka relasyon dahil baka may rebelasyon at may resibo.

Matatandaang maraming inihayag na screenshots si Wilbert Tolentino laban kay Zeinab samantalang wala mailabas sa Zeinab dahil deleted na umano niya ang mga messages na iyon. Gayunpaman, sinabi ni Zeinab na nagbibiruan lamang sila noong panahong iyon at cropted na ang mga ipinalabas na screenshots ni Wilbert Tolentino.

Samantala, patuloy pa rin ang paglalabas ni Flow ng umano'y baho ng kanya hindi pinangalanang tao ngunit halata namang si Zeinab, tila sinasabi nito na isang pokpok si Zeinab at nagpapabayad sa mga ideni-date na lalaki.

Sinabi din nito na paano natatawag na tulong kung nagpapabayad naman pala umanong 500k.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo