Zeinab Harake at Toni Fowler Nagkaayos Na!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Matapos ang mainit na rebelasyon ni Toni Fowler laban kay Zeinab Harake, kung saan ibinulgar nito ang ilan sa mga baho ni Zeinab at ang umano'y ginawa nito sa bar. Kabilang si Toni Fowler sa mga vloggers at influencers na nadamay sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Labis na nagalit si Toni Fowler sa pagtawag umanong 'trash' ni Zeinab sa kanila ng kanyang pamilya. Sa kanyang galit ay agad siyang bumwelta kay Zeinab ang inilabas ang ilang mga secreto nito.

Ilang araw matapos ang trending na live video ni Toni Fowler, muli itong naglabas ng video kung saan inamin niya na may pagkakamali din siya kay Zeinab. Ibinahagi din nito ang muling paghingi ng sorry ni Zeinab sa kanila.

Ayon kay Toni Fowler, thumbs up siya sa pagpapakumbaba ni Zeinab at muling paghingi ng paumanhin sa kanilang nadamay sa isyu. Kaya naman kumalma na siya at pinatawad si Zeinab Harake. Nilinaw din niya na titigil na siya at wala ng part 2 ang kanyang 'rebelasyon'.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo