Hanggang Saan Aabot Ang Pera Ni Vhong Navarro? Naipong Pera Maaaring Maubos!

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely


Naging paksa sa usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro habang nakapiit sa NBI detention center.

 Muling napag-usapan nina Cristy Fermin ang maaring kahihinatnan ni Vhong Navarro sakaling magtatagal pa ang kaso nito. Ayon kay Cristy Fermin, maaring mawala ang lahat ng mga pinaghirapan lalo na ngayon na wala na itong trabaho at pagkakakitaan.

“Lahat daw ng naiipon niya, kasi wala na siyang kinikita ngayon, wala na siyang programa, wala na siyang trabaho.Lahat daw ng naiipon niya ay masusunog, mawawala dahil dito sa kasong ito.”

Ayon naman kay Morly, mahirap ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro lalo pa't mapera ang kanyang kalaban. Totoong may pera din umano itong si Vhong Navarro ngunit hanggang saan at hanggang kailan nito matutustusan ang kanyang kaso at iba pang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“‘Yung mga nakalaban niya, mga milyonaryo ‘to, Ate Cristy. Kumbaga, mahaba ang pisi. Kung gaano man kahaba ang tatakbuhin ninyo, may pera ‘tong ilalabas. Si Vhong, artista may pera… Pero hanggang saan? Hanggang kailan?”

Samantala, ongoing pa rin hanggang ngayon ang petisyon ni Vhong Navarro para makapagpyansa sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo upang pansamantalang makalaya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo