Sawsawera Queen Sinabing 'Taklesa' Si Zeinab Harake Ngunit Mali Si Wilbert Tolentino!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Sumawsaw na sa isyu sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake ang tinaguriang 'Sawsawera Queen' na si RR Enriques. 

Ayon kay RR, pareho silang may mali at naggamitan sa isa't-isa para magkaroon ng maraming subscribers at views. Tinatayang nasa 700,000 sa mga subscriber ni Wilbert Tolentino ay mula umano kay Zeinab Harake.

Dagdag pa ni RR na deserve din ni Zeinab ang milyon-milyon talent fee mula sa kanyang pagtatrabaho para sa channel ni Wilbert.

Hindi rin nagustuhan ni RR ang pagsisiwalat ni Wilbert Tolentino sa mga napag-usapan nila noon ni Zeinab kung saan nadadawit ang ibang vloggers at influencers. Sinabi rin niya na kilala niyang taklesa si Zeinab Harake kaya umano nito nagawa ang mga iyon.

Ipinagdiinan pa niya na lahat naman ay may bad attitude. Pinayuhan din niya si Zeinab Harake na huwag magsabi ng kung ano-anong masasama sa ibang tao kahit pa sa sariling kaibigan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo