Wilbert Tolentino Nag-Sorry Sa Lahat Ng Nadamay Sa Isyu Nila Ni Zeinab Harake! Nais Nang Mag-Move on!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Muling nag-live sa Facebook si Wilbert Tolentino upang bigyan ng linaw ang naging ugat ng alitan nila ni Zeinab Harake.

Sa kanyang live, ipinaliwanag niya ang kanyang pinagdaanan lalo na noong lumabas ang pagpapatama ni Zeinab sa social media. Agad naman umano siyang nag reach out kay Zeinab ngunit hindi na siya nireplyan ng huli.

Labis din umano siyang nasaktan dahil hinayaan ni Zeinab na pagpyestahan sa social media ang kanyang pangalan bilang isang user at nadamay na ang kanyang anak.

Kaya lamang umano niya inilabas ang mga screenshots ay upang paniwalaan siya ng mga tao. Pinabulaanan din ni Wilbert Tolentino ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza.

Nilinaw din rito ni Wilbert Tolentino ang mga paratang ni Makagago laban sa kanya kung saan naglabas pa siya ng mga test results. Humingi din siya ng tawad kay Zeb at sinabing spread the love na lamang silang lahat.

Hiling ni Wilbert Tolentino na mag-ingat ang lahat sa fake news, spread the love at mag-move on na ang lahat.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo